"Alam ko rin na kabilang ka sa isang Black Secret Agent mula pa noong high school." Kinuyom ko ang kamao nang marinig ko 'yon. Mukhang nag-background check na sila sa akin. Pinasadahan ko ang tatlong mga tauhan niya. Tatlo dito sa loob at dalawa sa labas. Pero duda ko, maging ang tauhan ni Dad ay kasabwat niya rin. Wala naman problema dahil kahit ilan pa sila ay kayang-kaya ko silang patumbahin. Kaso, mahihirapan lang ako dahil kay Dad dahil tulog pa rin siya. Sa tingin ko, matagal na nila itong plinano. At itinaon nilang narito kami sa China ni Dad. Pero iniisip ko rin na baka alam na rin nila ang pag-kausap ko kay Mr. Chen kanina. Napakatuso talaga ang traidor na 'to. Tama talaga ang suspetsa ko na magta-traidor siya one of these days. Kinakabahan ako para kay Dad dahil tulog pa rin

