Matapos ko siyang linisan ay pinagpahinga ko lang siya. Pero hindi ko akalain na makakatulog agad siya sa sobrang pagod. Sa unang round pa lang namin ay bumagsak na siya. Nakakatawa! Ang lakas mang-akit at maghamon pero mahina naman pala. Yes, nakatulog talaga siya kaya hinayaan ko na lang para makabawi ng lakas sa susunod pang round namin. Kahit gusto ko mang hilain siya palapit sa aking katawan at ikulong, ipaunan ang braso ko at yakapin siya ng mahigpit ay nagpigil ako para hindi siya maistorbo sa kanyang pagtulog. Tama na sa akin ang ganito, ang titigan siya habang hawak ko ang kanyang isang kamay na nakapirmi lang sa aking labi at parang ayoko nang pakawalan pa. Para makasiguro akong totoong katabi ko siya ngayon at hindi isang panaginip lang. Gusto ko, ganito ako gumising tuwing

