Tinaliman ko siya ng tingin at hindi na ako nakapagpigil pa at mabilis ko siyang hinampas sa kanyang dibdib. Ngunit wala man lang siyang pakialam sa ginawa ko. Gano'n ba talaga siya? Bakit parang lumivel up din ang ugali niya? "Choose." utos niya pa sabay bitaw sa akin at sumakay sa kanyang motor. Sa kilos niya ay parang sigurado na siya na susunod ako sa kanya dahil halatang siya ang pipiliin ko. "Iuwi mo 'ko mamaya, ha. May pasok na ako bukas." sa halip ay masungit kong sabi sabay angkas sa kanyang motor. Kahit labag man sa loob ko, ay wala akong magagawa dahil natatakot akong balikan niya pa ang dalawa. "Umabsent ka na lang muna bukas dahil mahihirapan ka lang sa pagkilos. Lalo na sa paglalakad." "Ano?! Anong mahihirapan ako sa paglalakad?!" Pasinghal kong tanong sa kanya. "Yes.

