"Jason, kumusta na si Zion?" Ngumiti ako at binaba ang picture na kuha nilang dalawang magpinsan. Matagal na panahon na rin na hindi kami nagkita ni Zion magmula noong tinapat ko siya na iba ang gusto ko. Nagpatuloy kasi siyang manligaw sa akin noon at masasabi kong talagang maginoo si Zion. Matiyaga siya at handa siyang maghintay sa akin kung kailan daw ang araw na magustuhan ko siya. Pero ayokong maging unfair sa kanya kaya noong tatlong buwan na ay tinapat ko na siya. Hanggang sa isang araw ay sinabi niyang sa abroad na siya pag-aaralin ng mga magulang niya. Ayaw niya sana pero pinilit ko siya at nagkaroon kami ng deal. Kapag namimiss ko siya at magkagusto na ako sa kanya ay kokontakin ko siya. Pero kapag hindi, ibig sabihin niyon ay kaibigan pa rin ang tingin ko sa kanya. Pumayag

