Kinabukasan, tanghali na ako nagising at dahil na iyon sa tawag ni Jason. "Tapusin na natin ngayon ang shoot, Jo. Dahil may ibang set pa." bungad niya sa akin. "Doon pa rin ba?" tanong ko. "Yup!" "Okay. Ligo lang ako at diretso na lang ako doon.." sagot ko bago niya pinatay ang tawag. Gumayak na rin ako upang makapunta nang maaga doon. Kakain pa kasi kami bago mag-shoot katulad kahapon. Nang matapos ay nagbihis agad ako ng susuotin. Itim na sando at maikling short lang ang suot ko dahil medyo mainit ang panahon. Maalinsangan ang hapong ito. Nagpaalam ako kina Mama at Papa at sinabing doon na kakain para hindi na sila mabahala. Pero si Papa lang ang nakita ko kaya naisip kong magtanong. "Pa, kumusta po ang lakad ninyo?" tanong ko kay Papa nang makitang nagkakape siya. Kumunot ang k

