( Five Months Later ) "Linta…" "Love…?" Mulagat kong sambit nang marinig ko ang malamyos na boses ng mahal ko. Mahina pero alam kong siya ang tumatawag sa akin. "Gising na…" Dumilat ako at nanikip agad ang dibdib ko nang makita ko nga siya sa aking harapan. "Love!" Muli kong bigkas at tuluyan na akong nagising nang makitang matamis siyang ngumiti sa akin. Sa wakas ay bumalik na siya. Binalikan niya na ako. "Gumising ka na diyan kung ayaw mong layasan kita." Masungit niyang utos sa akin nang hindi pa rin ako gumalaw. Nakataas pa ang maganda niyang kilay habang naghihintay sa akin na tumayo. "I love you, Love…" Sa halip ay sabi ko dahil hindi ako makapaniwalang nagpakita na siya sa akin. Hindi pa siya galit at mukhang napatawad niya na ako. "Tayo na diyan!" Nakabusangot niyang

