( ONE WEEK LATER ) "Love, pupunta akong china. Baka 1 week ako doon o higit pa. Pagbalik ko, mag-usap tayo kasama ang mga magulang natin." Iyon ang paalam sa akin ni Linta at isang linggo na pala. Namimiss ko na siya dahil dalawang beses lang kami nakakapag-usap sa isang araw thru video call. Busy raw kasi siya at gusto na niyang matapos ang ginagawa kaya humingi siya ng sorry sa akin kung bakit dalawang beses lang siya tumatawag. Gusto niyang mag-focus para makauwi na siya sa akin. Dahil as usual, sabik na naman daw siya. Namimiss na naman daw niya ako. Gusto niya raw magbabad sa akin pag-uwi. Ano ako, bathtub? Baliw talaga ang malibog na 'yon. Ginawa pang bathtub ang kweba ko. "Salamat, Miss." Ngiti ko matapos kong bayaran ang binili kong gatas na pang-buntis at syempre vitamins

