Hindi ko mapigilan ang mapaluha sa nasaksihan. Tama nga ang hinala ko. Possitive. Itong dalawang pulang guhit sa tatlong pregnancy test kit na nasa aking harapan ngayon ang siyang magpapatunay na buntis ako sa mga pinaggagawa namin ni Linta. Sa walang habas niyang pagpapaputok sa akin. Sa wakas magiging magulang na kami sa hindi pa namin alam na gender na baby. So, ito na ba? Kami na ba talaga ni Linta ang end game? Magiging asawa ko na ba talaga ang lalakeng pinangarap ko lang noon? Magiging Mrs. Fuentebella na ba ako? Hindi ako makapaniwala na darating ang araw na ito. Ang dating puro assuming ko lang noon, magiging totoo na ngayon. Pero gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon niya. Kung handa na rin ba siyang gampanan ang pagiging ama niya. Dahil kung hindi, mas mabuting nga

