C52- Joan

1611 Words

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humalik-halik sa aking paa paakyat sa hita ko. Kaya kahit antok pa, pinilit kong dumilat para tingnan kung ano 'yon. "Harry?" gulat na gulat kong bulalas ng siya ang makita ko sa aking paanan. Bumalikwas agad ako at umupo. "Shhh…lower your voice, Love. Baka marinig nila tayo." saway niya sa akin sa namamaos na boses. Kahit madilim, alam kong nakainom siya dahil sa alak na naamoy ko sa kanya. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa pahiga-higa ko lang kanina. Magmula kasing pumasok ako sa loob ay hindi na ako lumabas pa. Nabwesit ako sa kanya kanina kaya ayokong makita ang pagmumukha niya. Nasa loob lang ako ng kwarto pagkatapos kong kumain. Tutal wala naman kaming pictorial ngayon dahil tinapos na namin kaya gusto ko munang bumawi ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD