"Bakit nandito ka?" Nakasambakol akong tumingin kay Linta nang siya agad ang mabungaran ko pagkalabas ng kwarto. Kagigising ko lang kasi dahil gaya ng madalas nangyayari, inabot na naman kami ng umaga sa pagrampa. Sumasali na kasi ako sa pagmomodelo ng mga bagong design na gawa ng mga kaibigan ko. Wala pa akong ganang mag-apply sa mga company sa ngayon at mas nag-enjoy muna ako sa pagmomodelo. Malaki na rin naman kasi ang sahod ko at bukod doon, nakaka-travel pa ako kahit saan dahil sinasama nila ako. Aayaw pa ba ako, e libre lahat. Bukas pa matatapos ang cool off namin pero ngayon pa lang, nandito na siya. Ano, excited lang? Sinabihan ko kasi siya na ayoko muna siyang makita hanggat hindi natatapos ang cool off days namin. Since, pinagbigyan ko na siya ng gabing malasing 'kuno' siya

