"Love…" Nanghihinang tawag ko sa kanya nang akmang papasok na sana siya sa loob. Huminto siya at puno ng pagtatakang tumitig sa akin. Tumitig ako sa kanya at kitang-kita ko sa kanya ang kalituhan. Talaga ba? Hindi niya na ako makilala? O, baka, nagpapanggap na naman siya dahil naalala niya na ang lahat at galit siya sa akin ngayon. Sana nga gano'n na lang. Mas gusto kong iyon na lang kaysa hindi niya na ako maalala dahil ko na kakayanin iyon. "Love…can we talk?" Pakiusap ko at hindi ko hinihiwalayan ang mga mata niya. "Please…" dugtong ko nang saglit siyang mag-isip. "Kaano- ano ba kita dati? Pasensya ka na, pero hindi talaga kita kilala." Saglit akong natutula pagkarinig niyon. Pakiramdam ko ay nakalimutan ko na rin kung paano pa huminga. Ang sakit. Excited akong makita siya at s

