C61- Harry

1900 Words

"Ano? Fiancee mo na siya?" Hindi ko mapigilang sumabad sa usapan. Pakiramdam ko ay parang lumiliit ang butas ng daanan ng hangin sa katawan ko. Nag-iinit na rin ang ulo sa kakatingin ng mga magkahawak-kamay nila. Ang sarap hablutin at bigwasan ang epal na 'to. "Oo. May problema ba doon?" walang kurap niyang tugon sa akin. "Oo. Meron nga. Dahil fiancee mo rin ako." matigas ko rin saad at tinutukan ko ang reaksyon ng mga mata niya. Pero wala. Wala akong nakitang kakaiba. Malamig pa sa yelo ang balik niya sa akin na lalo ko pang naramdaman ang sakit. Talaga ba? Hindi niya pa rin ako maalala? Sumeryoso siya ng tingin sa akin at diretso akong tinititigan sa mata. "Alam mo, dapat mo na sigurong malaman at tanggapin lahat." "Ang ano?" Pigil hinga kong sagot na patanong. "Ni katiting ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD