Chapter 1
"hoy! zeneia! gumising ka na riyan! napaka-tamad mo! kung hindi lang sa tatay mong namatay! ay hindi kita patitirahin dito!" sigaw ng malaking bunganga kong tiya. si tiya pat. patchoy! patchoy ang tawag ko diyan sa sarili ko dahil sa sobrang taba na nga. sobrang laki pa ng bunganga.
Bumangon na ako sa higaan kong sobrang luma na. ang banig. ang banig na sobrang luma pa sa saya ng lola mo. at pasalamat ako dahil binigyan parin nila ako ng mga anak niyang mga pangit nang kumot. malaki ito ngunit punit-punit naman.
At ang nag-iisa kong maliit na unan. na kasya lang sa ulo ng sanggol.
Linigpit ko na ang aking pinag-higaan dito sa maliit na bodega. imbakan ito ng mga lumang gamit at dito nila ako inilagay.
Minsan napapa-isip ko sa sarili. kong ano nga ba ang kinahihinatnan ng buhay ko. noong nabubuhay pa si papa ay mala cinderella ang kwento ko. ngunit noong nawala ang papa ko ay ibinilin ni papa kay tiya na kopkopin ako. well, pumayag naman si tiya dahil magkakaroon na siya/sila ng katulong. at ako 'yon.
Si tiya Patchoy. Patymae ang totoo niyang pangalan. ay isang tiya na mukhang pera. pano ba naman kasi kaya siya pumayag na kopkopin ko no ako noong mawala si papa ay hindi naman ako ang kailangan niya. kundi ang yaman ni papa.
Tapos noong nawala ang buong yaman ni papa dahil sa kakawaldas ng pisting si patchoy! ay nag-iba narin ang trato niya sa akin. kasama naroon ang dalawang pangit niyang mga anak nasi godzilla at crocodile! Gezilda at Cilia.
Naiinis ako kapag lumalabas mismo sa bibig niya na wala na si papa. gusto ko siyang yupiin. nais ko siyang pokpokin ng martilyo at ipakain sa mga baboy. well, taba kasi siya eh.
Lumabas na ako sa bodega at tinungo ang kusina. hindi naman kasi sila mayaman. bahay namin itong tinitirahan nila ngunit sila ang nag-mumukhang prinsesa. kahit na ako naman dapat.
Nagpa-kulo ako ng tubig at tyaka nag palaman ng tinapay. para ito sa mga alaga kong mga aso. paano kaya kong lagyan ko ng lason ang pagkain nila? siguro mapapasa akin muli ang trono at tyaka ako na ang mag-aala reyna dito.
Napahagikhik ako sa naisip at napa-iling. hindi ko dapat gawin iyon dahil ako ang main character dito tapos ako pa iyong kontrabida tas sila yong mag-mumukhang kawawa. ayoko ng ganun.
Matapos ay nagtimpla ako ng paboritong kape ng mga hayop. linagyan ko ng maraming asukal ang kape nila para magka-sakit sila ng diabetes at mamatay na sila tyaka sa akin na.muli ang trono.
Matapos ang lahat ay tinungo ko na ang mga kwarto nila at ibinigay ang kanilang agahan.
Unang pasok. sa kwarto ni Godzilla/Gezilda.
Mataray itong tumingin sa akin.hm! tusukin ko mata mo eh!
"bakit ang tagal mo!"
Anong pake mo? eh sa gusto ko ng matagal eh!
"ilagay mo 'yan dito tyaka lumabas kana! bilis!"
inilagay ko naman sa gilid ng study table niya ang kayang pagkain. magka-diabetes ka sana, b***h!
Sunod ay si crocodile/cilia. pagkapasok ko palang ayvbumungad na sa akin ang marumi niyang kwarto. tapos ang mukha nito ay sobrang linis tyaka ang kapal ng make-up. parang make-up ni Annabelle.
Natutulog parin ito sa kama niya habang tumutulo ang laway. eww. mabilis kong inilapag ang pagkain niya sa bedside table. tyaka mabilis na lumabas ng kwarto.
Ang sunod ko namang pinuntahan ay si patchoy. para itong donya na naka-upo sa maliit niyang upuan paharap sa maliit na veranda. ito ang kwarto nila mama at papa na inagaw ni patchoy!
Mahinhin ko itong inilapag sa maliit niyang mesa. maldita itong tumingin sa akin. ang bilogang mga mata nito na halos lumuwa na sa masamang tingin niya sa akin. ayaw ko namang makita na lumuwa ang mga mata niya sa harapan ko no. mas mabuti na wala ako dito dahil nakaka-diri iyon.
"sa susunod kapag ma-late ka ulit, papalayasin nakita rito! naiintindihan mo?" maotoridad niyang sabi.
Nye!Nye!nye! as if naman na matatakot ako roon. mas magpapa-salamat pa nga ako dahil wala ng mga pangit sa paligid ko.
"opo" magalang at nakayuko kong sabi.
"labas na!" opo! tabachoy!
Pagka-pasok ko sa kusina ay huminga muna ng malalim ang maganda. syempre ako 'yon. panibagong araw, panibagong pag-subok nanaman.
---
Mundo ng Ostara.
"mahal na prinsesa, naka-handa na po ang inyong paliguan" magalang na sabi ng katulong nasi Fara.
Nanginginig ang boong katawan nito. ngumiti siya ng palihim. ganyan dapat manginig sila sa presinsya niya. binabyaran niya ang mga ito ng sapat na pilak/salapi pagkatapos ay hindi lang ito susunod sa kanya.
Mabilis itong umalis sa kanyang silid-aralan. ipinagpatuloy niya ang pagbabasa sa pisteng libro ng pag-aaral. hindi niya nais na mag-aral kung hindi lang sa kanyang mga magulang na pinilit siya. kung hindi ay sinunog na niya ang mga ito.
Napakunot ang kanyang noo. wala siyang maintindihang salita dito. halos lima o higit pa'ng libro ang kanyang binasa ngunit ni isa ay wala siyang maintindihan.
Marahas niya ito tiniklop. huminga siya ng malalim. marahas siyang lumingon sa kaniyang bintana dahil naroroon nanaman ang mga pisteng mga ibon. naririndi na siya sa mga boses nito halos araw-araw na lang.
"umalis nga kayo sa aking bintana! nasusura ako sa inyong mga boses!" pagalit niyang saad.
Nagsi-alisan naman ang mga ito pagkatapos ah marahas niyang isinarado ang bintana.
Kailangan niyang mahimas-masan. umagang-umaga ngunit siya ay na be-bwisit sa mga pisting nilalang na nakapaligid sa kaniya.
Nabigla ang mga katulong sa paglabas ng prinsesa. lahat ay nagsi-yukuan. ang iba ay nataranta. masama niyang tinignan ang mga ito bago siya lumagpas. tinungo niya ang paliguan at roon ay nagpagaan ng sarili.
---
"Dad!"
Napalingon ang hari at nakita ang nag-iisang anak. at sa susunod na henerasyon ay ito naman ang papalit sa kaniyang trono.
"Demon, tapos na ba ang pag-sasanay?"
Umiling ito at pabagsak na naupo sa sofa. alam ng ama na pagod ang anak dahil sa pag-sasanay nito sa mga bagong mga kawal. kailangan nilang maging malakas ang hukbo dahil kapag mayroong manghimasok ay makakaya nila itong pabagsikan.
"tired?" tanong ng hari. napansin niya kasi na parang pagod ang buong katawan ng anak at alam na niya kung ano ang isasagot nito...
Umiling ang anak. "nope..." huminga ito ng malalim. "bakit mapapagod ang kagaya kong prinsipe, hindi. kahit kailan ay hindi mapapagod..."
"alam ko, ginagawa mo ito para sa yumao mong ina..."
"pa, wag na nating pag-usapan iyan, please?" may pag-mamaka-awa ang mga mata nitong nakatingin sa ama.
Tumango naman ang hari. pareho silang napatingin sa pinto at pumasok roon ang isa sa mga kaibigan ng hari.
"king simon, napadalaw ka" galak na ani ng hari.
Nag-kamayan ang dalawa at kaunting nag-usap. pagkatapos ay umupo sa sofa.
"ito na ba ang iyong anak?"
"oo, kaka-uwi lang galing ibang bayan"
"matagal kitang hindi na kita iho, kailan ka pa dito?"
"isang linggo lang po"
Tumango ito bago tumingin sa hari. "malaki ang ipinag-bago ng anak mo, noon ay. kasing ganito lang siya..." tumawa ito pagkatapos ay tumawa din ang hari. "iho, may napupusuan ka na ba?"
Napakamot siya ng ulo at natawa. "why bringing that topic?"
"napaka-gwapo mo, makisig, habulin ng mga binibini, ano pa ang dahilan kong hindi ka manlang maghahanap ng pag-ibig? sayang ang inyong lahi, nag-iisang anak ka pa man din"
Hindi makapag-salit ang prinsipe sa narinig. tama ito. walang susunod sa yapak niya. walang magiging kamukha niya sa susunod na heneresyon kong hindi siya iibig. kung hindi siya mag-hahanap ng kabiyak. sino nga ba ang babae para sa kaniya?
Sumapit ang gabe at pala-isipan sa utak ng prinsipe ang mga narinig ngayong araw.
---
"mamatay na kayong lahat!! sinong punyeta ang nag-luto ng ganitong ulam!!?sino?!!"
Galit na galit ang prinsesa dahil sa ulam niyang wala man lang kahit anong lasa. mabango lang ito ngunit walang lasa o ano man.
Pinag-babato niya sa mga katulong ang ibang kagamitan sa kusina. ang iba ay nasugatan. ang iba naman ay wala manlang kahit anong reaksyon. ayaw nilang magalit ito sa kanila at ikulong sila sa madilim na selda at hindi pakainin o painumin at roon na bawian ng buhay.
Ganon ka lupit ang prinsesa. mabait ito at ipinapakita ang kabaitan sa mga bumibisitang kaanak sa palasyo. na para bang walang nangyayaring kakaiba sa bayan. pero kapag mag-isa lang ito ay malupit pa kay satanas kung mag-parusa.
"sino!!?hindi kayo aamin!!?"
Takot ang rumihestro sa mukha ng lahat. kapag kasi mas lalong ginagalit ang prinsesa ay mayroon itong parusang gagawin sa lahat.
Umukit ang nakakatakot na ngiti sa mga labi nito.
"Tano!!"
"kamahalan?"
"bigyan ng malalang parusa ang mga pesting naririto"
"anong numero?"
"trese"
"masusunod!"
---
Mundo ng mga tao
"aray! dahan-dahan naman osang!" pagalit kong sigaw.
Mahigpit lang naman itong nakahawak sa braso ko at hinahatak ako papunta sa magic balon kuno. na sinasabe niya.
Uto-uto talaga to. naniwala naman doon sa mga pangit na babae, kesyo daw may kapangyarihan ang balon na iyon at natutupad lahat ng hiling mo. tss, mga tanga!
"bilisan natin, halos marami na ang mga tao roon. mahuhuli tayo sa pila"
"at naniwala ka naman doon!?"
Tumingin ito sa akin. "kilala mo si Celiste?"
"oo, at anong meron sa balakubang na pangit na makating babaeng iyon?"
Si celiste ang pakgirl sa baryo namin. pano ba naman kasi halos lahat ng lalaki rito ay nilalandi niya, mga may asawa, matanda, imbalido, may sayad at aswang! sobrang kati talaga! bakit hindi nalang siya mag-kiskis sa puno ng mangga at ng mabawasan ang kalibugan niya!
"alam mo bang buntis na ang babaeng iyon, at sabi-sabi..."
"makati kasi siya, kaya ganun..."
"ang balon ang nagbigay sa kanya ng powers na mabuntis"
"sobrang kati kasi"
"baog siya"
"a-ano??" nagtataka kong saad. kaya ba pakgirl iyon dahil sa hindi siya mag-bubuntis kaya puro kalibugan ang nasa utak?
"baog siya! ano, at isa pa humiling lang daw siya sa balon habang nakapikit at nakahawak sa piso"
"piso?"
"kailangan mag-alay ng pera sa balon bago humiling pagkatapos ay tutuparin nito ang hiniling mo"
"at naniwala ka naman, naku! scam 'yan"
"try lang natin, sige na!"
"sasamahan lang kita, ngunit hindi ako hihiling, baka mas lalong lumala ang pang-alipin sa akin nong mga pangit!"
Naka-punta na nga kami sa balon. malaki ang balon at malinis ang tubig sa loob. halos lahat ata ng taga-baryo namin ay naroroon. tss, may mga humihiling. nag-dadasal ang iba ay may dala pang baso, para ano? para inumin ang balon?
Yucky! hindi nila alam kong saan nang-gagaling ang tubig roon tapos iinumin ng nga uto-u***g mga tao. nakita ko si mang-tantan na bulag, hala! pano nalaman ng matandang iyon kong nasaan ang balon, eh bulag nga siya.
Mayroong mga pilay,bulag,bungol lahat-lahat. naku! kung ako sa inyo magpapa-doctor nalang ako. kaysa maniwala sa mga powers-powers na iyan.
"halika lumapit tayo" saad ni osang.
Lumapit kami sa balon. nakita ko sa di kalayuan si junjun. ang totoo ay joshua manloloko ang pangalan niyan. ngunit naging junjun dahil sa mahaba daw―
mahaba daw ang mga paa niya. ano na sa utak niyo mga pangit? akala niyo mahaba yong―
"zeneia! osang!"
Tawag sa amin ni junjun. patakbo itong lumapit sa amin. napansin kong kasama nito ang kaibigang si epokreta Luisa.
Alam ko namang naiinis ito sa akin dahil ang best friend niyang si junjun ay palihim na may gusto sa akin at alam kong nag-seselos ang luisa epokreta. as if naman na magustuhan ko ang bestfriend niya noh!
Gwapo naman si junjun ngunit hindi ko siya maaaring mahalin. kasi?wala kasi akong gusto sa kanya. ka-simpleng question oy!
"narito din pala kayo, humiling na ba kayo?"
"ahh, kararating palang namin" saad ni osang.
Ang sama ng tingin sa akin nong aswang na luisa. sarap dukutin mga mata niya at ipakain sa aso!
"ahm, zeneia, kumusta?" tanong nu junjun
Ngumiti ako ng pilit. alangan naman snobin ko siya. baka hindi na ako nito magustuhan at mawala na ang feelings niya sa akin pagkatapos ay masayang-masaya na si aswang luisa at hindi na mag-selos.
Gustong-gusto kong nakikita ang naiinis at selos niyang mukha. sige mag-selos ka lang.
"ahm, maayos nemen hihi" nakita kong mas sumama pa ang mga mata ni aswang luisa. sige mainis kalang.
"hindi ka ba pinapahirapan ng tiya at nga pinsan mo? pasensya na, napansin ko kasing, sugat-sugat ang nga kamay mo..." sugat-sugat dahil sa kalalaba sa mga panty nilang malalaki ang butas!
"kung nais mo, tutulungan kita, may bording house naman kami, pwede ka roon"
Naku! ang sweet talaga ng lalaki ito. ma-kiss nga!
"ah! joshua?" sabat ni aswang.
"ha?"
"tara na...."
"junjun, wag na, nakaka-hiya naman hihi" pag-putol ko sa sinabe ni aswang.
"ayos lang, desisyon mo naman iyon. hindi kita pipilitin, pero kong mag-bago ang desisyon mo. lapit ka lang sa akin, ha?"
"oo nemen" inilagay ko ang kaunting hibla ng buhok sa gilid ng aking tenga. nakita kong napatigil si junjun at umusok naman ang ilong at tenga ni aswang. sige aswang magalit ka lang.
"joshua, halika na, diba may pupuntahan ka pa?"
"oo nga pala, bibisita pa ako sa karatig bayan para sa aayusin naming tahanan roon, sige zeneia, mag-iingat kayo"
"ingat!" pahabol na sigaw ni osang.
Pagkalampas ni aswang luisa ay binilatan ko siya. bleh! hindi crush ng crush niya!
"ano? wish na tayo?"
"ayoko, ikaw nalang..."
Pinipilit ako ni osang ngunit hindi ko gusto. baka hindi swerte ang dumating sa akin diyan kundi, ka-bwesitan. baka lumala lang ang pang-aalipin sa akin nila tiya at ang mga anak niyang mga animals. kaya wag nalang.
✔︎ZN
Hi! You can follow and send me a message on i********: about the update and questions! Thank-you!♡
IG: 01cch