Isang napakalakas at malademonyong sigaw ang narinig nina Alex at Samantha mula sa isang espiritistang kasama nila. "Lumayo kaaa! Lumayo kaaa!"paulit-ulit na sigaw ng espiritista.Lingid sa kaalaman ng lahat nakikita ng espiritista ang kaluluwa ng bata sa kanyang harapan,nakatitig sa kanya ito at tila gustong kuhanin ang kanyang katawan at sa isang iglap... "AAAAAHHH!"isang napakalakas na sigaw ang narinig nila at tuluyan nang naangkin ng kaluluwa ng bata ang katawan ng espiritista. Unti-unting nagbago ang hitsura ng mukha ng epiritista. Namuti ang mga mata nito at nanlisik hanggang sa unti-unti na ring tubuan ng ugat ang bawat parte ng mukha nito "Kuya,anong nangyayari sa'yo?!"takot na tanong ni Samantha at muli,nawalan ng malay ang espiritista ngunit ilang segundo lang ay muli itong n

