Tila napakalaking palaisipan kina Alex at Samantha ang nangyari kay Mang Ador,at ang pagkakaalam nila ay patay na ito nang gabing iyon. Ngunit ang hindi nila alam ay nawala sa sarili ang kawawang sikyo dahil pinaglaruan ang isip nito ng batang multo. "Alex,hindi ba dapat sabihin na nating ipagbigay-alam sa mga pulis ang nangyari kay Mang Ador?"tanong ni Samantha habang papasok sila ng opisina. Napaisip din si Alex na hindi rin tiyak kung pinaligtas nga ba si Mang Ador ng batang multo. "Nababaliw ka na ba Sam? Ano naman ang sasabihin natin sa kanila,na pinatay si Mang Ador ng batang multo? Sa tingin mo ba eh maniniwala sila?"bulong ni Alex na halatang may takot pa rin sa mga nangyari mula pa kagabi. Ngunit napapaisip din ang binata kung ano nga ba ang dapat nilang gawin sa inaakala nilang

