Prologue
Tahimik na nakaupo ang mga estudyante sa kanya-kanya nilang upuan sa loob ng klaseng iyon. Nang bigla na lamang tumunog ang bell. Dahilan, upang mapatayo silang lahat. Ang buong akala kasi nila ay hudyat na iyon ng kanilang recess. Ngunit, ang hindi nila alam, ay hudyat na pala iyon na magsisimula na ang kakaibang laro.
"Sa wakas. Makakakain na rin ako. Gutom na gutom na ko eh," sabi ng isang lalaking estudyante sabay hawak sa tiyan nito. Patunay, na gutom na ngang talaga ito.
Akmang maglalabasan na sana sila papunta ng kanilang cafeteria nang biglang may lumitaw na mga maligno sa may tapat ng pintuan nila. Ang iba sa mga ito, nakadungaw naman sa bintana ng kanilang klase.
"Humanda kayo! Wag niyong hayaang patayin kayo ng mga chakang maligno na yan!" matapang na sabi ng isang bading na estudyante habang hawak-hawak niya ng mahigpit ang isang pahabang payong.
Dahil sa sinabi nito, ay nagkanya-kanyang nagsipaghanda na ang mga kaklase nito. Ang iba ay kumuha ng lapis at ballpen. Ang iba naman ay kumuha ng guting. At iba pang bagay na pe-pwede nilang magamit upang ipanglaban o ipangpaslang sa mga maligno na nakatingin sa kanilang lahat ngayon.
Nang sandaling handa na silang lahat, ay saktong handa na rin ang mga malignong kakalabanin nila. Makalipas lamang ang ilang saglit ay nagsimula na ang mga itong sugurin sila. Doon na nagsimula ang isang madugong labanan. Sa pagitan ng mga estuydante at ng mga malignong galing mismo sa paaralang kanilang pinapasukan.
Ang CELESTINO UNIVERSITY.