Mrs. della Asuncion's POV "Ayaw niyo bang pigilan ko sila mahal na pinuno?" tanong ko habang diretso ang tingin niya sa magkaibigang Nathaniel at Rebecca. Nakangisi niya. Nakakapangilabot. Takot kaming lahat sa kanya. Siya ang nagbigay ng kapangyarihan sa aming mga guro dito. Nakakalungkot. Ako na lamang yata ang natitira. Nakita kong pinaslang na ang iba kong kasamahan kanina. Nakakagulat na napaslang sila ng ganon-ganon lang. Kung naroon sana ako, baka nakatulong pa ako sa kanila upang paslangin ang mga bwisit na mag-aaral na iyon. "Wala kang dapat na gawin. Umaayon ang lahat sa plano ko." sabi niya bago malademonyong tumawa. Nakakakilabot. Sandali akong napaisip sa sinabi niya. Bakit hindi ko alam ang pinaplano niya? Nakakainis. Ako lang yata ang hindi nakakaalam nito. Bwisit. Hind

