Hannah's POV
Ilang buwan na rin ang lumipas sa pananatili namin sa Celestino University. Nakakatakot. Iyon lamang ang masasabi ko. Ngunit ayos lang sapagkat wala namang nangyayari sa aming masama. Hindi kami nalalagay sa alanganin at batid ko namang nagustuhan rin ng mga kaibigan ko ang paaralang ito. Kung kaya't ibabaon ko na lamang sa limot ang mga natuklasan ko. Balewala rin naman kasi. Ano pang saysay ng pagsasabi ng mga bagay na iyon sa kanila kung wala namang nangyayari saming masama.
Ititikom ko na lang ang aking bibig.
"Grabe. Hindi ko talaga pinagsisisihan na dito tayo nag-aral sa Celestino University." masayang sambit ko. Malapad ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa tatlo kong kaibigan.
"Ako rin. Akala ko nga nung una, ang creepy dito. Pero di naman pala. Mukha lang." sabi ni Rebecca.
"Alam niyo, magmula nang pumasok tayo sa Celestino University, naging sikat ako. Kasi parati akong pinagtitinginan ng mga babae. Mukhang patay na patay talaga sila sakin." may pagka-mayabang na sabi naman ni Raven.
Psh. Ang hambog talaga ng lalaking 'to. Pasalamat siya, may gusto ako sa kanya.
"Ikaw Nathaniel, anong masasabi mo magmula nang pumasok ka sa Celestino University?" tanong ni Raven sa tulalang si Nathaniel.
"Misteryoso at kakaiba." sagot sa kanya nito.
"Anong ibig mong sabihin?" panibagong tanong ni Raven.
"Hay nako! Tara na nga! Malapit na tayo ma-late alam niyo ba?" iritang sabi ko sa kanila. Nakakainis naman kasi. Baka kung saan pa mapunta ang usapan na ito.
Inayos ko lang saglit ang palda at uniform na ko pagkatapos ay binilisan ko na ang aking paglalakad papasok sa Celestino University. Nakita kong nagsi-sinuran naman sila agad.
Mabuti naman.
"Anong problema non?" rinig kong tanong ni Rebecca.
"Hayaan mo lang. Baka meron siya ngayon kaya siya ganyan kasungit." rinig kong sabi naman ni Raven.
Psh. Ano bang alam niya sa nangyayari sakin? Eh palaging yung mga malalanding babae lang naman ang madalas na kasama niya.
"Sabagay." sang-ayon ni Rebecca.
Nakapagtataka. Bakit kaya ang tahi-tahimik ni Nathaniel? May nangyari kaya na kung ano sa kanya? Kaya siya bigla nagka-ganon? Hindi ako sanay sa pagiging tahimik niya. Nakakaewan. Isang misteryo ito para sakin.
Kailangan ko itong matuklasan.
Nathaniel's POV
Nasa loob na ako ngayon ng klase ko at hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko. Matagal-tagal na rin simula nang maging ganito ako. Balisa. Hindi nagsasalita. Tila naputulan ng dila. Pipi. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit. Bakit nagiging ganito ako?
Dahil ba 'to sa kanya?
Biglang natuon ang atensyon ko sa pinto ng aming classroom nang sandaling may pumasok rito. Laking gulat ko naman nang malamang, si Mr. Alfredo Lacsima ito. Ang gurong kinatatakutan ko magpahanggang ngayon. Magmula nang makita mismo ng dalawa kong mga mata ang ulo niya na may dalawang malaking sungay. Ganon ang nagiging imahe niya sakin sa tuwing tinitingnan ko siya.
Hindi ko kayang tagalan na makita siya sa anyo niyang ganon. Nakakakilabot ng sobra.
"Magandang araw sa inyong lahat." bati niya sa amin habang pinapakita ang plastik niyang ngiti. Tss. Ang galing niya talagang magpanggap. Hindi pa nakikita ng mga kaklase ko ang tunay na anyo niya.
Hindi pa nila nakikita ang tunay na Mr. Alfredo Lacsima.
"Magandang araw rin sir." bati naman ng iba kong mga kaklase. Napayuko na lang ako dahil sa sobrang inis. Ang tatanga talaga nila. Nabubulagan sila sa tunay na pagkatao ng guro namin.
"Ikaw Nathaniel... Hindi mo ba ako babatiin?"
Kinilabutan ako bigla nang marinig kong banggitin ni Mr. Alfredo ang pangalan ko. Nakakatakot. Dahil kinakausap na naman ako ng gurong kinatatakutan ko.
Hindi ko talaga kaya.
"Uy Nathaniel. Sumagot ka. Kinakausap ka ni sir." bulong na sabi sa akin ng katabi ko habang diretso ang tingin nito sa harap.
Mas lalo pa akong kinilabutan at natakot, nang makitang papalapit si Mr. Alfredo sa kinauupuan ko.
Lagot na.
"Bakit parang, takot na takot ka?" tanong niya sa akin kasabay ang nakakatakot na pag-ngisi.
Hannah's POV
Mataimtim lang akong nakaupo habang pinagmamasdan ang labas ng aming paaralan. Natigilan na lang ako nang bigla akong kausapin ng aking katabi. Weird. Ano naman kayang kailangan nito sakin? Mukhang may sasabihin siya base sa nakikita ko sa kanyang mga mata.
Ano kaya ito?
"Hindi ka ba nagtataka?" sabi niya.
Huh? Anong pinagsasasabi niya? Nagtataka saan? Bakit hindi niya kaya linawin para maintindihan ko siya. Psh.
"Saan?" nagtatakang tanong ko.
Psh. Ano, ako pa ba mag-iisip? Wow! Kung diretsuhin niya na lang kaya ako? Naiirita ako sa mga taong hindi direct to the point. Nakakaasar.
Pinapasakit nito ang ulo ko.
"Sa adviser natin. Parang may mga nagbago sa kanya." sagot niya sa katanungan ko.
Napaisip naman ako bigla dahil sa mga sinabi niya. Matagal ko nang napapansin ang bagay na 'yan. Pero, isinasawalang bahala ko na lang dahil mukhang wala namang masamang mangyayari sa aming lahat dito.
Hula ko lang.
"Katulad ng ano, Ellen?"
"Katulad ng, pagiging masungit niya sa ating nitong mga nakaraang araw. Pati na rin ng pagiging bayolente niya sa iba sa atin. Kapag hindi nakakagawa ng ipinagagawa niya."
Tama nga siya. Nagbago na talaga si Mrs. Della Asuncion. Hindi naman siya ganon dati. Ang laki ng ipinagbago niya.
Nakapagtataka.
Napaayos bigla ako ng upo nang bigla na lamang pumasok ang pinag-uusapan namin ni Ellen. Ang aming gurong tagapayo.
Si Mrs. Della Asuncion.
"Magandang araw." bati nito sa amin na may kasamang pagngiti.
May kakaiba sa ngiti niya.
Raven's POV
"Grabe. Ang gwapo ko talaga." nakangiting sabi ko habang nakatingin na naman sa akin as usual, ang mga babae kong kaklase.
Iba talaga ang s*x appeal ko.
"Isa-isa lang pare. Wag mong lahatin." pambibiro sa akin ng katabi kong si Sam. Loko-loko talaga ang baliw na 'to.
Binatukan ko siya.
"Aray. Masakit yon ha." sabi niya habang nakahawak sa batok niya. Haha. Napangisi na lang ako dahil nagantihan ko na siya.
"Tumigil ka kasi. Wag mo kong biruin. Naiirita ako." kunwaring naiinis na sambit ko. Ginalingan ko talaga ang pagpapanggap. Para tantanan na niya ako.
Nakakasawa na kasi.
"Ang arte mo pare. Dinaig mo pa babae. Haha."
Umayos nang muli siya ng kanyang upo pagkatapos ay tumingin na lamang siya sa pintuan ng aming klase. Napatawa na lang ako. Siguro tinitingnan niya kung may papasok o lalabas mula sa klase.
Siraulo talaga.
"Hi. Im Faye. Faye Hernandez." sabi ng isang babaeng kaklase ko na nakatayo na ngayon sa harapan ko. Nakalahad ang kanyang isang kamay. Oo nga pala. Hindi ko pa rin lubusang kilala ang iba sa mga kaklase ko. Hindi kasi ako mahilig makihalubilo sa kanila kaya ganon na lamang ang nagyari kahit ilang buwan na rin ang lumilipas.
"I'm Raven James Ocampo. Nice to meet you." pagpapakilala ko naman sa kanya.
Kinuha ko ng dahan-dahan ang isang kamay ni Faye. Pagkatapos, ay hinalikan ko ang likod ng palad niya.
Rebecca's POV
"Bakit tila yata, ang lalim ng iniisip mo?" nagtatakang tanong ng kaklase kong si Renz.
Siguro kanina pa niya napapansin na tila wala ako sa mood. Kanina pa kasi ako tahimik at malamin ang iniisip. Hindi ko nga rin alam kung bakit. Pati ako nawi-weirduhan na sa sarili ko.
Nakakatawa.
"Wag mo akong alalahanin. Ayos lang ako." sagot ko rito habang nakatingin pa rin sa kawalan. Ewan pero sa mga oras na ito, mas gusto ko ang ganito.
Mga ilang saglit ang lumipas, ay nilingon ko rin siya. Kita kong nakatitig siya sakin na labis kong ipinagtataka. Hindi ako sanay makipagtitigan kahit kanino. Kahit sa mga kaibigan ko hindi ko 'yon magawa.
Naalala ko tuloy sila bigla.
"Renz, may hindi ka ba sinasabi sakin?" out of the blue kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong kong iyon. Siguro para makapag-open ng topic sa amin ang isa dahil puro tinginan lang kaming dalawa.
"W-wala naman. Bakit?" sabi niya. Pero hindi ako naniniwala. Bigla na lamang siyang nautal at umiwas ng tingin sakin. Hindi ko maiwasan ang matawa. May tinatago nga siyang talaga.
"Renz. Nagsisinungaling ka."
Iniharap ko siya sa akin. Kailangan niyang makipagtitigan sakin ngayon. Kailangan kong malaman kung anomang nalamaman niya. Baka imporante iyon at lubhang mahalaga. Hindi maaaring ilihim na lamang niya iyon.
Dahil walang sikretong hindi nabubunyag.
Nathaniel's POV
Recess na namin. Nasa paboritong pwesto na naman kaming apat. As usual. Napaka-tahimik ng paligid. Nakakapanibago. Anong nangyayari? Hindi ganito ang cafeteria namin dati. Dapat maingay ito sa mga sandaling ito pero totoo ba talaga ito?
Nagbago na talaga ang lahat.
Nakamasid lamang ako sa paligid habang ang tatlo kong kaibigan ay abala sa kani-kanilang ginagawa. Si Rebecca, nagsusulat ng notes. Si Raven, ayon, lumalandi na naman. Habang si Hannah, nagbabasa ng notes niya dahil may quiz daw sila mamaya. Napabuntong hininga na lang ako.
Ang hirap talaga maging estudyante.
Isang lalaking estudyante ang pumukaw ng aking atensyon. Kilala ko siya. Kaklase siya ni Hannah. Jerry Trinidad ang buo niyang pangalan.
Pagkakuha na pagkakuha niya ng binili niyang inumin, ay dali-dali niyang ininom nito. Hindi niya ito inubos agad at nagtira pa siya ng konti kahit papaano. Kaya lang, may napansin yata siyang kakaiba. Nakatingin siya sa basong hawak niya. Napaisip ako sandali.
Anong nangyayari sa kanya?
Nabitawan niya bigla ang hawak niyang baso nang matapon ang laman nito sa babaeng kasunod lang niya.
"What the hell! Anong ginawa mo?!" galit na sabi nito sa kanya na may kasamang matalim na pagtitig.
Tahimik lang siya. Hindi nagsasalita si Jerry habang nakatingin na sa kanya ang lahat ng estudyante sa cafeteria. Batid kong may nangyaring kakaiba pagkatapos niyang inumin ang laman ng baso.
Ano kaya iyon?
"A-anong nangyari Jerry?" nag-aalalang tanong ng kaibigan niya marahil dahil labis ang pag-aalala nito sa kanya.
"Y-yung laman ng baso... N-naging dugo." pautal-utal na sagot ni Jerry sa kaibigan niya.
Natigilan ako sandali. Hindi ko ma-process sa utak ko ang sinabi niya. Dugo? Dugo ang laman ng basong pinag-inuman niya? Hindi ako makapaniwala. Dahil hindi naman ganon ang nakita kong laman habang pinagnamasdan ko siyang uminom kanina.
"Anong ibig mong sabihin na naging dugo?" tanong ng kaibigan niya sa kanya habang pinagmamasdan ang iba pang estuydante na nakatingin sa kanila habang nagbubulungan sa kanya-kanya nitong kinauupuan.
Imbis na sumagot, ay mas pinili niyang tumakbo na lang palabas ng cafeteria. Hindi na niya sigurong tagalan pa ang kahihiyan. Sobra-sobra na siyang napahiya. Kaya mas pinili na lang niyang lumayo.
Siguro nga.
Samantala, isang babaeng estuydante naman ang kumuha ng atensyon ko. Sarap na sarap ito habang kumakain ng lugaw na binili niya. Habang kumakain ng lugaw ay masaya siyang nakikipag-kwentuhan sa kanyang kaibigan. Kahit na ang atensyon nito'y batid kong nakatuon pa rin sa insidente kanina.
Hinalo niya ang ang lugaw. Siguro may hinahanap siyang sahog rito. Marahil ganon nga.
"AAAAAHHHHH!!!"
Nabigla na lang ako, pati na rin ang lahat nang sandaling sumigaw siya. Hindi ko alam kung anong nangyari pero isa lang ang nasisiguro ko sa mga sandaling ito.
Kakaiba ito.