BONDING

1342 Words
Chapter 3 Isang panibaong araw nanaman ang dumating, masaya at buhay na buhay akong pumasok sa office. Kahit napuyat sa kakaisip kay sir ay maaga parin akong nakapasok, with matching smile pa while walking. Lahat ng mga nakaka salubong ko ay nginingitian ko at binabati, yong iba nagtataka pa kasi parang kakaiba daw ako ngayon but I didnt mind it. Gusto kung ishare ang smile at saya ko na para bang hindi ko mapigilan ang pag apaw nito sa loob ko. Maya maya pay biglang nag vibrate ang cellphone ko. Message from Best Friend "Jillian sabay tayo mamaya sa lunch at pag uwi huh." Hazel. Kumunot ang noo ko, pag ganitong bigla bigla itong nagyaya ng ganito paniguradong may nasagap nanaman ito. Nagtataka man, ay parang na excite narin akong makita at makausap ito, tutal naman ay paminsan minsan nalang kami kung magkita. Kahit kasi nasa iisang kompanya lang kami, nasa ibang department kasi ito naka assigned. " Ok, see you later," reply ko dito at nagpatuloy na ako sa ginagawa. Pagpasok ko ng office naabutan ko si sir na abalang naka tutok sa kanyang lap top at may kinakausap sa phone kaya nagmadali agad akong pumasok at nag timpla ng kape nito. " Goodmorning sir, here's your coffee." bati ko sabay abot ng kape nito. " Thanks" maikli nitong sabi. Abala parin ito sa kanyang kausap sa phone kaya nag excuse nalang ako at umalis nalang. " Pambihira naman oh, nagpaganda panaman ako bago pumasok pero hindi manlang niya ako napansin" naiinis kung bulong sa sarili. " Miss Castillo, can you set me an appointment to Mr. Sanchez, I need to see him asap." maya mayay nagmamadali nitong sabi. " Right away sir." agad akong tumalima sa utos nito. " By the way, kailangan nating pumunta sa venue today prepare yourself." dagdag nito. " Ok sir," maagap kong tugon. Nang nasa loob na kami ng kotse ay wala itong imik at mukhang ang lalim ng iniisip. " Sir may problema po ba?" basag ko sa katahimikan. " Nope, I just wanna make sure na ok na ang lahat before the event." sagot nito. " Relax lang po kayo sir Steven, dont pressure yourself too much, everything will be just fine." pagpapalakas ko ng loob dito. " Yeah, I know but this is going to be a big event, we have to be well prepared. " Tama nga naman ito, sa tatlong taon ng pagtatrabaho ko sa kompanya, lagi ko itong nakikitang focus talaga at very hands on lalo na kapag ganitong may big event ang company. Naging sobrang busy namin buong maghapon kaya hindi ko na nagawa pang sumabay kay Hazel para maglunch. At dahil nga inabot na kami ng lunch time sa labas ay kumain nalang kami ni sir sa pinaka malapit na restaurant, na siya namang ikinatuwa ko dahil nakasabay ko nanaman itong kumain. " Hi " bati ko kay Hazel. " Naku ha, abot langit ang ngiti mo girl, dinaig mopa ang nanalo sa lotto."she said. "Ano kaba, pwede ba wag kangang basag trip jan?" inis kong sabi. "Ok sorry po madam, meju curiuos lang po kasi ako kasi iba ka ngayon eh parang may something jan sa pa smile smile mo na yan. " Beke nemen, may gusto kang ikwento saken?" saad nito. Niyaya niya akong lumabas para kumain at para magkwentohan kami. Kagaya ng dati doon kami tumambay sa paborito naming resto bar. Simpleng lugar lng ito pero maganda at tanaw mo ang city sa ibaba dahil napapalibutan ito ng glass window. Sakto naman dahil nataon din sa schedule ng paborito naming banda. Madalas kami dito pag gusto naming takasan sandali ang mga problema at stress sa trabaho. "So anong meron?" panimula nito "Akala ko niyaya moko dito dahil ikaw ang may ikukuwento, yun pala ako ang nasa hot seat?" maktol ko. "May kwento ako pero mas excited ako sa kwento mo. Alam mo naman ako hindi nahuhuli sa balitang maganda." wika nito na may bahid pang panunukso. "What do you mean?" painosente kung tanong "Hoy Jillian Castillo, hindi ako ipinanganak kahapon lang kaya wag mokong pinaglololoko! I saw you both with my two beautiful and tentalizing eyes, you were together last night I even so you in his car ,baka gusto mopang iinumerate kopa ang mga nakita ko?" Kapag ganitong binabanggit na nito ang buong pangalan ko alam ko naiinis na ito at natatawa ako pag ganito ang reaksyon niya kasi kulang nalang ay magbuga ito ng apoy mula sa kanyang ilong. "Oo na...Oo na..." pagsuko ko rito "Are you both dating?" she ask "What? no! ano kaba date agad mas assuming kapa kaysa saken ah..." "Then what's the real score between you both?" "As usuall, his my boss and I'm his assistant." my simple answer "Thats just it? pangungulit nito "Yeah...thats just it." pag uulit ko "Then what did I saw last night? " "Look, what you saw was right but what you were thinking was definitely wrong. Yes, we were together last night, we had a dinner together, and he brought me home, pero nag magandang loob lang yong tao and nothing else." I explain "Ano ba naman yan? nakaainis naman kayong dalawa, akala kopa naman you were secretly dating already." I thought you finally have the crown, yun pala wala parin." "Anong magagawa natin eh, sa mabait lang talaga siya sa mga empleyado niya." At saka sino ba naman ako para mapansin niya diba?" senti ko "Ano bang sino ka, maganda ka, matalino, masipag, mabait and--- " But not enough for him to love me back." hindi kona pinatapos pa ang kanyang sasabihin. "Kung bakit kasi dimo nalang akitin yan eh, baka hinihintay lang niya na ikaw ang mag first move, o baka naman bakla yan si sir!" wika nito "Gaga...ano bang pinagsasabi mo jan, ang sabihin mo hindi lang talaga ako type non. Kapag gusto ka ng isang lalaki talagang gusto ka tapos! pag hindi kahit maghubad pa ako sa harap niya talagang hindi! "tsk..tsk..tsk.. ikaw naman kasi bakit pinag tiyatiyagaan mopa yang si sir Steven eh marami naman jang iba kung tutuusin. Ikaw lang naman 'tong ayaw magbukas ng pinto para sa iba."sabi pa nito " Hindi naman sa ayaw, I just cant find the right one." simple kong sagot "Ang sabihin mo siya lang talaga ang gusto mo, kaya hindi mo kayang buksan yang puso mo para sa ibang adan dito sa mundong 'to.You know what? the clock keeps on ticking baka hindi mo nalang mamalayan gurang kana wala ka paring jowa at saka mo nalang mare realize na sinayang mo na pala ang mahabang panahong kahihintay mo jan sa price charming mong hindi ka man lang mapansin. Sige ka, baka magising kanalang isang umaga magka girlfriend na yan ikaw kulilat parin ang lovelife mo... ang masama ulats kana wala kapang lovelife. Baka hindi mopa napapansin ang dami monang nami missed dahil jan sa dakila mong pag ibig jan kay sir manhid na yan." mahabang sermon nito Natigilan ako sa mga narinig at wala na akong naisagot pa sa kanyang mga naging pahayag. Alam kong tama ito, pero hindi ko maamin sa sarili ko ang katotohanang iyon. Anong magagawa ko, nagmamahal lang naman ako at hindi iyon naghihintay ng ano mang kapalit. Hindi naman ako tanga pero bakit ngaba hindi ko nalang isuko ang feelings ko para rito gayong hindi ko rin naman ito ipaglalaban dahil natatakot akong ma reject lng at the end. At iyon ang mas masakit, kaya kahit gaano kopa ito ka gusto ay hindi ko magagawang akitin ito. Kahit paano naman ay meron pa naman akong natitirang pride sa sarili. Oo nagmamahal ako pero hindi sapat na dahil yon para kaladkarin ko ang sarili sa kahihiyan at akitin ito. Gusto ko ito at mahal korin, pero kontento na ako sa magandang relasyon namin bilang boss ko sya at assistant niya ako. Ipukreta ako kung sasabihin kong ayaw ko siyang maging akin, ngunit gusto kung dumating man ang panahong iyon, alam ko sa sarili kong dahil minahal niya ako at hindi dahil pinilit ko. Alam ko walang maidudulot na maganda ang lahat ng bagay na hinog sa pilit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD