Chapter 2
Its past 6:00 in the evening kaya hinanda ko na ang mga gamit ko at inaayos ang mga papeles na nasa table ko.
"O jillian nandito kapa pala?" tanong ng boss ko.
"Ah, yes sir inaayos kopa kasi 'tong mga kalat sa table ko pero paalis narin naman po ako." paliwanag ko
" Ok then, sumabay kanalang sakin pauwi gabi narin at baka mahihirapan kanang makahanap ng masasakyan jan sa labas." offer nito na siya namang ikinasaya ko
"H----ha? wag napo sir ok lang po ako..." uutal utal kung sagot.
For how many years that I been working in this company ngayon lang yata ako nito niyaya na sumabay sa kanya pauwi and infairness naman para akong kinilig na diko maintindihan. Gustuhin komang umuo pero dahil sa hiya eh napatanggi nalang ako ng wala sa oras. Idagdag pa ang pagka conscious ko lage pag nandyan siya sa paligid baka magmukha pa akong ewan pag nagkasama pa kami kaya mas mabuti ng dumistansiya nalang.
"Don't worry Miss Castillo I wont bite you." biro nito sabay ngiti.
Mas lalo lang tuloy akong na conscious na makita ko yong dimples niya sa magkabilang pisngi. Hindi ko tuloy mapigilan ang sariling mag blush na parang teenager na nakita lang ang crush namula na agad."Hay sir sarap mong kagatin...damn it! erase jillian...." hindi ko talaga kayang pigilan ang sariling 'wag kiligin rito.
" Ready?" pagyayaya ulit nito.
"Ah, eh... yes sir!"
Ramdam ko ang hiya ngunit dahil kita ko naman ang sincerity nito ay hindi na ako tumutol pa. Bakit pa ako aangal eh matagal ko nanaman itong gusto, siguro regalo narin to sakin ng pagkakataon. naisaloob ko.
"Ok, lets go then"...saad nito na hindi kona nagawang makapag protesta pa basta nasabi konalang sa sarili na bahala na.
Madilim na sa labas ng makababa kami at halos wala naring mga tao sa opisina bukod sa mga gwardiya at janitor ng building. Bubuksan kona sana yong pinto ng kotse sa may bandang likuran pero pinigilan niya ako...
"Again Miss Castillo I'm not gonna bite you kaya dito kana maupo sa tabi ko." sabay bukas ng pinto ng kotse sa driver's seat.
Sa sobrang hiya ko nagmukha pa akong tanga na nakatunganga at nakakangangang tumingin sa kanya,pero nakabawi din naman ako agad sa pagkagulat. Nang nasa loob na kami ng kotse niya ay tahimik lang akong nakamasid sa kanya. Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda nitong tignan kahit saang anggulo. "He is so damn perfect!." naisaloob ko.
Bakit ganon, kahit yata magsuot pa ito ng mukhang basahang damit sa sobrnag kalumaan, hindi parin yata mababawasan ang ka gwapohan ng lalaking 'to. Sino bang babae ang hindi maaattract dito, kung kahit simpleng galaw lang nito ay mapapatingin kana talaga? Ang lakas makahatak ng atensyon, yon bang kapag nagsimula kanang tingnan siya ayaw monang kumurap at alisin ang paningin mo sa kanya. "My God, he is a total package." bulong ko sa sarili.
Kahit sinong babae hindi mapipigilan ang sariling hangaan ito. Sino bang hindi mababaliw sa paghanga dito bukod sa mabait ito, gentleman, maalalahanin, gwapo at talaga namang nag uumapaw ang s*x appeal na angat na angat sa ibang mga lalaking nakilala ko. Naisip ko siguro ang sarap maging girlfriend ng taong ito, at tiyak ko kaiinggitan ako ng mga ka office mates ko at ng ibang mga babae pag nagkataon. "Ang sarap siguro nitong maging asawa...What?ganon naba ako kabaliw dito? no way, kalma Jillian your being too ambitious..."
" Haaay....sayang..." buntong hininga ko.
" What did you say, bakit anong sayang? nagtatakang tanong nito.
" Ha?" natataranta kong tanong
" I'm asking you kung ano yong sinasabi mong sayang?" nakangiti nitong tanong.
"Ah...sayang.... kasi hindi ko natapos lahat ng paper works ko today...yon yon sir. Grabe naman oh! bakit sobra naman yatang linis ng tenga nitong taong 'to halos ibulong kona nga narinig pa."
"Ano kaba, do not overthink about that may bukas pa naman eh, at saka ang dami kaya nating accomplishments today. And knowing you, I know you'll finish that in time, ikaw paba?" anito
Napakasarap talaga nitong pakinggan habang pinupuri ako. Yun bang alam mong sincere siya lage sa mga binibitawang salita. Kaya ako mas lalong naiinspire na pagbutihin ang trabaho ko eh, kasi lagi nitong naa appreciate ang mga efforts ko. Nakakawala ng pagod ang mga papuri nito sakin, para siyang pinaghalong energy drink at vitamins ko sa araw araw. " Kaya kita mahal eh, " sa isip isip ko.
" By the way kain muna tayo gutom narin kasi ako eh."biglang sabi nito. And please wag muna akong tanggihan dito ok dont worry its my treat.." dagdag pa nito na mas lalo pang nilawakan ang kanyang pag ngiti saken.
Baliw na ako kung baliw o kahit sabihin pang ang babaw ko pero dinadala ako lagi ng mga simpleng ngiti niyang yon sa langit. Gustuhin komang tumanggi pero ayaw ng puso ko kaya nagpatianud nalang ako dahil sa sobrang sayang nararamdaman. Pakiramdam ko ngayon sobrang ganda ko dahil sa atensyong nakukuha ko mula sa kanya ..."Sorry nalang yung ibang girls jan ngayon but the this is my night...my moment...just mine! " bulong ko sa sarili.
Kumain kami sa isang mamahaling restaurant na buong buhay ko ay ngayon kolang napuntahan, and I was so amazed when we get inside. Pagpasok palang namin ay may nag welcome na agad sa amin at nag guide papunta sa reserved seats namin. Napakaganda ng buong paligid, so classy, elegant and so romantic, para sa mga nagbabalak mag dinner date its really perfect ika nga. Napangiti nalang ako sa isiping yon, para kaming dating couple. "Stop it jillian!" saway ko sa sarili.
Halatang lahat ng taong kumakain dito eh yong mapera lang nahiya pa tuloy ako ng marealize ko na hindi yata ako bagay dito. Napaka tahimik ng buong paligid, wala kang ibang maririnig kundi yong background sounds lang nila, yun bang parang pag may mahulog lang na isang kubyetos ay pagtitinginan kana ng lahat. Masarap makapunta sa ganitong kagandang restaurant pero hindi ako komportable.
Ibang iba ito sa nakasanayan kong pasyalan at kainan at palagay ko kahit kelan hindi ako masasanay sa ganitong klaseng lugar. Inikot ko ang paningin ko paligid, nakita ko lahat ng taong naririto ay pawang may sinasabi sa buhay at talagang classy kung kumilos lalo na ang mga babae. Bigla tuloy akong nahiya sa sarili ni hindi ko manlang napaghandaan ang pagpasok ko sa ganitong klaseng lugar. Si sir na ang nag order para sa aming dalawa hindi ko kasi maintindihan yong nakasulat sa menu nila parang ang arte arte ng mga pangalan ng pagkain eh hindi ko naman alam kong ano yong mga yon.
" Here's your order Ma'am, Sir enjoy your food" pagkuway ngumiti ito at nilatag na sa mesa ang mga pagkain.
" Ok, thanks," sabi nito sa mga waiter.
Lumuwa ang mga mata ko sa mga nakahelerang pagkain sa aking harapan, ang sasarap nilang tingnan na para bang hindi mo gugustuhing galawin isa man sa mga ito sa sobrang ganda ng presentation nito.
" Did you not like the food Jillian,?" napatingin ako sa kanya sa gulat ng sambitin nito ang first name ko
" No sir, I mean yes but---
" But what, may iba kabang gusto, Will just have a follow-up order." suhestyon nito.
" No sir, ok na po ito, Its just that--
" May allergy kaba sa seafoods?" tanong nito.
" Wala po, nagagandahan lang po ako sa ginawa nilang presentation dito." paliwanag ko dito
Umiiling iling itong napangiti sa sinabi ko para tuloy akong nahiya at na conscious kasi pakiramdam ko alam na ngayon nito na first time ko sa mga ganitong klaseng lugar.
" Thank you dito sir ha, nakakahiya mang aminin pero first time ko dito"
Nakakahiya mang aminin ngunit ewan ko ba kung bakit parang naging natural nalang na lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon.
" You're welcome, kumain ka ng marami, hindi tayo uuwi hanggat hindi natin 'to nauubos ok? " ngumiti ito at tumitig sa akin na animoy binabasa ako.
" Kain na po kayu sir," yaya ko dito dahil pansin ko parin ang paninitig nito sakin.
" Yeah let's eat," bahagya pa itong nabigla.
After naming kumain sa restaurant ay inihatid pa niya ako sa apartment ko, nakakahiya man ay hindi narin ako nakatanggi kasi kahit papaanoy gusto ko rin naman ang ideyang para akong girl friend na ihahatid niya sa bahay ko pagkatapos ng dinner date namin kahit n ilusyon ko lang naman ang mga 'yon.
" Sir salamat po talaga sa dinner at paghatid niyo sakin ha, nakakahiya po talaga sa inyo." sabi ko ng makarating na kami ng bahay ko.
" The pleasure is mine Miss Castillo, 'pano I have to go, thanks for joining me for dinner. I had a great time with you." saka ngumiti ito ng pagka tamis tamis at kumaway bago tuluyang umalis.
Naiwan akong tulala habang sinusundan ng tingin ang papalayo nitong sasakyan. Sandali lang kaming nagkasama ng ganon but it was all worth it. Pagpasok ko sa loob ng bahay, gumuhit ang mga ngiting kanina pa nagwawala at gustong kumawala sa aking mga labi. Hindi maintindihan ang sobrang sayang nararamdaman ko. Alam ko nag magandang loob lamang ito sa akin ngunit ramdam ko ang kilig sa puso ko. Hindi ko kayang pigilan ang sariling damhin ang ganitong klaseng kaligayahan. Para itong bombang kahit anong pilit kong itago ay sasabog at sasabog din ano mang oras.
Ilang sandali lamang ay pumasok na ako sa aking silid upang magphinga, ngunit kahit gaano ko pa ipikit ang aking mga mata ay ayaw talaga akong dalawin ng antok. Hindi maalis alis sa isipan ko ang mga sandaling kasama ko si sir Steven. Naalala ko kung paano ito ngumiti at kung gaano kaganda sa pandinig ko ang boses nito. Naalala ko pa ang pagtawag nito sa aking pangalan kanina, halos magwala ang puso ko ng marinig mismo sa mga labi nito ang pagtawag nito sa aking pangalan.
Pangkaraniwan lang naman ito kung tutuusin ngunit ng siya na ang gumawa ay parang naging espesyal ito bigla para sakin ." Hay Jillian wag kangang o.a, wala lang naman yon eh" saway ko sa sarili. Ngunit ewan ko ba, marahil dahil sa sobrang pagka gusto ko dito kaya kahit na ang simpleng pagtawag lang nito sa akin sa aking pangalan ay nagiging parang musika na sa aking pandinig, kahit na alam ng utak ko na hindi naman dapat.
Maging sa dasal ko, hiniling ko sa Diyos na sana hindi yon ang una at huling beses na makakasama ko ito ng ganon. Kalabisan man kung iisipin, ngunit hiling ko na sana mas makasama ko pa itong ng maraming beses at mas maging mas malapit pa kami sa isat isa kahit alam kong suntok sa buwan ang aking kahilingan. Masaya na ako na halos araw araw ko itong nakakasama sa office pero mas may isasaya pa pala ang puso ko pag makakasama ko ito ng kami lamang dalawa.