Chapter 50 Pagkababa palang ni Jillian ng taxi ay mabigat na ang kanyang pakiramdam. Tinatamad siyang pumasok pero wala siyang magawa kundi pilitin ang kanyang sarili. Ayaw rin naman niyang magkulong sa kanyang apartment at magmukmok nalang buong araw. Sa isip isip niya, mas maigi ng gawin niyang abala ang sarili kaysa naman tumunganga at umiyak iyak buong magdamag. Hindi pa naman ganon ka stable ang financial status niya, hindi parin din ganon kalaki ang savings niya para lang araw arawin ang pagwawaldas ng pera sa pag inom kung saan saan. Habang binabagtas niya ang daan patungo sa loob ng kanilang opisina ay isang pamilyar na pigura ng isang babae ang kanyang nakita palabas ng isang magarang sasakyan. Walang iba kundi ang fiancee ng kanyang nobyo. At may dala dala pa itong kung anu ano

