Chapter 51 Alas 5:00 palang ng hapon ay nagpaalam na si Jillian kay Steven na uuwi ng maaga. Batid niyang aabangan siya ng kaibigan upang kausapin kaya naman inagahan niya na lamang ang pag uwi upang makaiwas rito. Hanggat maaari ayaw na muna niyang pag usapan ang mga bagay patungkol sa kanila ni Lhexis. Mabuti nalamang at tila nakikiayon naman sa kanya ang pagkakataon, maaga niyang natatapos ang kanyang mga gawain sa opisina kaya naman maaga rin siyang nakakauwi. Palabas na siya ng building at mag aabang na sana ng masasakyan ng biglang may humintong sasakyan sa kanyang harapan. Halos lumuwa ang kanyang mga mata makilala ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki na ilang araw na niyang iniiwasang makita. Walang iba kundi si Lhexis. Gustuhin man niyang umiwas ngunit huli na ang lahat.

