HIS INVITATION

2243 Words
Chapter 15 Hapon na at tapos narin ni Jillian ang kanyang trabaho at marami narin sa kanyang mga kasamahan sa trabaho ang umuwi na, pero hanggang sa mga sandaling ito ay hindi prin siya makapag decide kung lalabas naba siya ng building o hindi pa. Ewan ba niya pero kinakabahan talaga siya ng sobra. Isipin palang niyang makikita niya si Lhexis sa labas ay nangangatog na ang tuhod niya. Sinubukan niyang tawagan sana si Hazel para makisabay dito sa pag uwi pero busy ito at hindi niya makontak. " Hay, bakit ba ako natatakot sa kanya, wala naman akong atraso sa kanya. " I need to go, hindi naman pwedeng dito nalang ako matulog sa office noh." Sa huliy napagpasyahan nalamang niyang lumabas na para makauwi. Bago siya tuluyang makalabas, nagmatyag muna siya sa paligid, pasimple niyang pinasadah ng tingin ang parking lot kung saan posibleng naka park ang kotse nito pero hindi niya iyon natagpuan doon, kaya bahagya siyang napanatag. " Kailangan ko ng makaalis agad." Nagmamdali siyang naglakad at pumara agad ng taxi. Ang bilis ng t***k ng puso niya. Mabuti nalang at di nagtagal ay nakasakay din siya agad ng taxi.Saka lang siya nakaramdam ng ginhawa ng makasakay na sa loob nito." s**t! bakit ba kailangan kong kabahan ng ganito. Damn it! naprapraning naba ako? Dahil lang sinabi nitong makikipag kita ito sakin, nawala na agad ako sarili." wika nito sa sarili. " Manong maraming salamat po, ito po yong bayad ko." Wala pang trenta minutos ay nakarating na agad si Jillian sa kanyang apartment. Ganito naman talaga ang usuall routine niya pag weekdays, bahay at trabaho lang talaga. Pagkapasok na pagka pasok niya saloob ng bahay ay agad niyang hinubad ang damit para magbihis ng pambahay. Napili niyang magsuot lang ng manipis na shorts at sando para maginhawaan siya. Habang nasa kalagitnaan siya ng pagpapalit ng damit, nakarinig siya ng katok sa kanyang pintuan. " Teka andyan na, saglit lang. Sino kaya 'to, wala naman akong ineexpect na bisita ngayon ah. Naku baka si Hazel to, baka ginu goodtime nanaman ako ng isang 'to." Excited niyang binuksan ang pintuan sa pag aakalang si Hazel ang kumakatok. " Hazel?" bungad niya rito. Agad napawi ang kanyang mga ngiti sa labi ng mapagsino ang taong nasa kanyang harapan. Nagitla siya sa kinatatayuan. " Lhexis...A---Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? nagtataka nitong tanong " Let's just say, I have my ways..." nakangiti nitong sabi sa kanya " Will you not even let me in?" anito " Ha ...naku p---pasensya kana ano kasi.... Ewan ba niya sa sarili kung bakit kailangan niyang mataranta sa tuwing kaharap niya ito. " Ok, if you don't wanna let me in, then can we at least talk? mahinahon nitong sabi Agad itong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Kaya agad din siyang naalarma. Para siyang ipinako sa kanyang kinatatayuan." Ayan na naman tayo eh, bakit ba kailangan kong kabahan ng ganito?" " Naku, pasensya na hindi kasi pwede eh, kasi----" Agad nagsalubong ang kilay nito sa kanyang sinabi. Batid niyang hindi nito nagustuhan ang narinig nito mula sa kanya. " Bakit, dahil natatakot ka sakin?...O dahil hindi ka komportable sakin?... O baka kailangan pa kitang ipagpaalam kay Steven..." " No! Of course not!" " Ayaw mokong papasukin, ayaw morin akong kausapin. May problema ba tayo Jillian?" " H---ha, wala! bakit naman tayo magkakaroon ng problema...ok naman tayo ah. Kaya lang kasi...ano kasi mag isa lang ako dito kaya hindi ako pwedeng magpapasok ng lalaki...alam mo na...baka kasi anong isipin ng makakakita satin, nagaalangan niyang sabi rito Napangiti ito ng mahulaan ang kanyang iniisip na siya namang ikinapula ng kanyang pisngi. Nahihiya siya sa isiping mukhang nababasa nito kung gaano siya ka advance kung mag isip. " Ok, hindi na ako papasok but I'll wait for you here." " Ha? bakit moko hihintayin dito? nagtataka nitong tanong " Because I'm asking you out and I won't take no for an answer." he confidently say. Wala ng nagawa pa si Jillian kundi pumayag nalamang sa gusto nito. Ewan ba niya pero tila umurong ang dila niya ng makita sa mga mata nito ang kagustuhang makasama siya. Oo patuloy na tumututol ang kanyang isip pero hindi ang kanyang puso at naiinis siya sa kahinaan niyang iyon." Hay ano ba kasing problema nitong taong 'to, at ako pa ang napiling kulitin." Alam niyang mag uusap lamang sila pero dinaig pa niya ang makikipagdate sa dami ng sinukat niyang damit. Nagulo pa tuloy ng husto ang kanyang closet." Makikipag usap ka lang diba? Kaya hindi mo na kilangang magpaganda!" sermon niya sa sarili habang nakarap sa salamin. Halos trenta minutos ang hinintay ni Lhexis bago paman lumabas si Jillian. Kaya naman agad nagliwanag ang mukha nito at agad napangiti ng makita siya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa nakikita niyang saya sa mga mata nito. " Damn it, f**k! magtigil ka Jillian, wag kang ilusyunada ok!" He's just asking you out for a simple talk, and not for a date, so behave girl." Agad na pinagbuksan ni Lhexis si Jillian ng pinto sa may front passenger seat. Pagpasok niya sa loob ng sasakyan nito ay agad itong lumapit sa kanya para ikabit ang kanyang seatbelt. Na conscious siya bigla, ng halos dumikit na ang mukha nito sa kanya at malaya niyang maamoy ang nakakahalina nitong pabango. " Kaya kong gawin yan." pigil niya rito Pero mas lalo lamang siyang nawala sa sarili ng mag angat ito ng tingin sa kanya at halos maglapat ang kanilang mga labi sa biglaan nitong paglingon sa kanya. Nanigas ang leeg niya ni hindi siya makapag salita. Napailing ito at lihim na napangiti ng makita ang reaksyon niya. Imbes na magprotesta ay hinayaan nalamang niya itong tapusin ang pagkakabit ng seatbelt niya. Nanatili siyang tahimik ng ilang minuto. Panay ang tingin niya sa labas. Ni hindi niya magawang lingunin ito sa sobrang hiyang nararamdaman, dahil sa muntikan ng mangyari kanina lamang. " Are you mad at me?" maya mayay tanong nito na agad naman niyang ikina lingon dito " Ha, bakit naman ako magagalit?" " Then why can't you even talk to me?" " Wala naman kasi akong sasabihin." mahina niyang sabi " Ayaw mo ba akong kasama? derekta nitong sabi " Hindi naman sa ganon. Medyo naiilang lang ng kaunti." " Tell me, anong pwede kong gawin para maging komportable ka sakin?" Hindi ako makasagot. Wala naman kasi talagang paraan." Sa tuwing nakakasama kita para akong lalagnatin, ang init ng pakiramdam ko, ang bilis bilis pa ng t***k ng puso ko....talagang nakakabaliw ang ganitong pakiramdam." Pinipilit ko namang pigilan pero hindi ko alam kong paano. " Saan tayo pupunta?" pag iiba ko sa usapan. " Let's have dinner first, alam ko gutom kana." " Dinner? naku hindi na busog pa ako." maagap kong sabi " Don't worry I will let you choose the place of your own choice. Kung saan mo gusto don tayo kakain." " Seryoso kaba? Hindi mo magugustuhan don. Masyadong malayo sa ideal place na gusto mo." Natatawa kung sabi. " Why don't you try me?" paghahamon nito " Hindi na baka magkasakit kapa don o baka sikmurain kapa. Ako pang sisihin mo." " And why would I do that? Come on, wanna try it. " seryoso nitong sabi Batid kong seryoso talaga siya kanyang sinasabi kaya hindi nako nakaangal pa. " Hay bahala ka nga, basta wag mong sabihin saking hindi kita pinagsabihan ha." I pouted my lips. Ang tigas ng ulo ng isang ito tignan kolang kung di bumigay ang sikmura nito. Balak kung dalhin ito sa paborito kong karenderya. Siguro naman pag nakita nito ang itsura ng lugar, baka ito na ang kusang umayaw at mag ayang umuwi nalang kami. Napapangiti ako sa isiping sa arte nito siguradong pagpapawisan ito ng husto roon sa dami ng kumakain doon tapos wala pang aircon. " Why?" nagtataka nitong tanong ng mapansin pag ngiti ngiti ko ng lihim. " Wala naman, iniisip ko lang kong hindi ba magbabago ang isip mo. Gusto lang sana kitang bigyan ng pagkakataong magbago pa ng isip." sabi ko pa " No, papatunayan ko sayong hindi ako kagaya ng iniisip mo." anito habang nakangiti. "s**t, ayan na naman yang letseng smile na yan. Hindi ba talaga uso ang salitang imperfections sa katauhan ng lalaking 'to?...lahat nalang yata sa kanya maganda. Lalo tuloy akong nako concious sa sarili." ********** Pagkatapos ng ilang minuto ay narating na namin ang karenderya ni Mang Carding. Pagkababa palang namin ng kotse agad konang tiningnan ang mukha niya. Gusto kong makita kung anong magiging reaksyon niya, maging ang sasabihin niya pag nakita kung saan kami kakain. Pero bigo akong makita ang inaasahan kong hindi magandang reaksyon sa kanya. Sinalubong lang niya ang mga mata ko at ngumiti sakin ng matamis at pagkuway hinawakan ang mga kamay ko papunta sa magiging table namin. " Damn it! kailangan ba talaga niyang hawakan ang mga kamay ko?" Napatingin nalang ako sa mga kamay naming magkadaup palad baka sakaling mapansin nitong hindi ako komportableng hawak niya ang kamay ko. Pinagtinginan pa tuloy kami ng mga kumakain doon. " What?" bigla akong napahinto sa paglalakad. " Ang kamay ko, hindi mo ba bibitawan." protesta ko. " Do I have to?" bahagyang kumonot ang noo nito. " Pinagtitinginan tayo ng mga tao oh, hindi mo ba nakikita? Dinaig pa natin ang mag syotang nagpi PDA." " PDA agad? Hindi ba pwedeng holding hands muna." natatawa nitong sabi. " Lhexis!." pinadilatan ko siya baka sakaling masindak ko ito. " Sorry baby, but I won't... And why do I need to care for what they will think...?" Napaawang ang mga labi ko. "Ang kulit talaga ng isang 'to! Normal lang ba talaga para sa kanya ang makipag holding hands kahit sa hindi niya nobya? Hay, pag ganito ang ugali ng magiging boyfriend ko, sasakit ang ulo ko." " Naku Jillian ikaw pala yan, mabuti naman at napadaan ka dito matagal na nong huli kang naparito ah." wika ni Mang Carding na ngayoy abala sa pagsasandok ng pagkain. " Oo nga po eh, masyado po kasi akong naging busy sa trabaho. " Ganun ba, nga pala ito naba yong boyfriend mo? Abay sa tinagal tagal monang kumakain dito abay ngayon ko lang nakita tong nobyo mo ah. Abat magaling ka palang pumili ah. panunukso nito sakin na sya namang ikinapula ko ng husto " Naku Mang Carding hindi ko po siya boyfriend kaib---- " Lhexis po, Jillian's boyfriend." Nakangiti nitong lahad ng kamay sa matanda. Pinandilatan ko siya ng mata ngunit kinandatan lang ako ng loko. " Tamang tama masarap yong bulalo natin ngayon ipipili ko kayo ng magandang parte." " Salamat po mang Carding" wika ko. Umupo nalang muna kami para hintayin ang inorder naming mga pagkain. " Kilala ka pala dito?" " Oo matagal na kasi akong kumakain dito." " Sigurado kabang kakain ka dito?" may bahid pag alala kong sabi " Why not? hindi naman pwedeng hindi ko sabayan sa pagkain ang girlfriend ko, right?" his teasing me. Inirapan ko siya at tinitigan ng matalim pero mas lalo lang akong nginisihan nito. " Sira ulo ka, papaano kung seryosohin ni Mang Carding yong biro mo sa kanya. Matanda na yong tao niloko mo pa." " Of course not, hindi ko siya niloloko. I'm telling him the truth." " Ewan ko sayo!" halos pabulong kong sabi. " Bakit ayaw mo ba?" biglang naging seryoso ang mukha nito. " Heto na...naku sigurado akong magugustuhan nyo ito, pinili ko talaga yong pinaka paborito mong parte hija, yong may utak at dinagdagan kopa yan." masayang sabi ng matanda " Naku ang bango bango po, amoy palang masarap na...maraming salamat po dito siguradong mapapalaban po ako nito." masigla kong sabi sa matanda " O sya maiwan ko muna kayong dalawa at aasikasuhin kopa ang ibang mga costumer ko. Ikaw ng bahala dito sa nobyo mo hija....sabay tapik nito sa balikat ko.Hijo ikinagagalak kitang makilala" baling nito kay Lhexis. " See he likes me for you..." biro nito sakin " Kumain kana habang mainit pa ang sabaw... gutom lang yan. Heto tikman mo 'to, ito yong pinakamasarap sa lahat, itong utak." sabay salin ko ng buto na may utak sa kanyang kanin. Sinimot ko ang lahat ng lamang utak ng buto bago ko ibinigay sa kanya ang plato niyang may kanin. " O hayan tikman mo." Sandali akong nakalimot hindi pala si Hazel ang kasama ko. Tapos kinamay ko pa talaga ang paghimay nito para sa kanya. Mataman niya akong tinitigan hindi ko alam kung anong nasa isip niya, nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko. Hindi ko paman din tiyak kong kakain ba siya o hindi. Kahit hindi nito sabihin alam kong maselan ito sa pagkain. " Sorry, akin nalang 'to." Kinuha ko ang plato para ilipat sakin. " Hey, para sakin 'to diba?" Hinawakan niya ang kabilang side ng plato at kinuha ito mula sakin. " You prepared this for me so I'll eat this." sabay ngiti nito sakin. Tiningnan ko nalang siya habang sumusubo ng malaki. Akala ko talaga hindi siya kakain pero nagkamali ako ang totoo mas malakas panga siya kumain keysa sakin. Natatawa nalang ako ng turuan ko sya kung paano higupin yong sabaw mula sa bowl. Simpleng bagay lang kung tutuusin pero naging kakaiba ng siya ang gumawa... "This guy is f*****g hot in any ways." Kahit yong mga kalapit ng table namin hindi mapigilang mapatitig sa kanya, lalo na yong mga babae. " f**k this man, siguro kung ako nagkaroon ng ganito ka hot at ka gwapong boyfriend, baka ikinulong kona 'to sa bahay, mahirap na at baka amagaw pa ng iba " Damn it, do I really have that possessive side of me?" Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi ako ganon, alam ko yon, pero bakit biglang pumasok sa isip ko ang ganoong bagay?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD