Chapter 14
Kinabukasan maagang nagkamustahan ang dalawa. Kahit may hangover pa, ay agad na tinawagan ni Steven si Lhexis para pag usapan ang tungkol sa announcement nito sa pagpasok sa kompanya.
" Hey, wake up....kailangan nating pag usapan kung paano natin sasabihin kina tito ang tungkol sa announcement mo mamaya." bungad nito kay Lhexis sa kabilang linya.
" Steven masyado pang maaga. Ginising mo lang ba talaga ako para lang kulitin tungkol diyan." naiinis nitong sabi
"Akala ko ba sasabihin mona kina tito Marcus ang tungkol sa pagpasok mo sa kompanya? "
"Yeah... I will, pero pwede bang patulugin mo muna ako. Let's just talk about that later...."
"Akala ko ba lasing kana kagabi, don't tell me nagdala kapa ng babae dyan sa unit mo, kaya kinulang ka sa tulog mo. Sino nanaman yang pumagod sayo ha?"
" Excuse me sir, ito na po yong coffee niyo. At saka ito na po yong mga copies ng mga files na hinihingi nyo. "Thanks Jillian." ani Steven sa babae
" s**t!...Fuck! Where are you?" biglang nabuhay ang kanyang diwa ng marinig ang pangalan ng babaeng kasama nito
" At the office, Where do you expect me to be at this time." nangingiti nitong sabi
" And you have that guts to say those things even if someone hears you."
" At kelan kapa nagsimulang maging concern sa iisipin ng ibang tao?.... Wag kang mag alala, I'm in my office at si Jillian lang ang kasama ko rito. " ani Steven
" You son of a b***h! I'll break your leg later." halos umakyat na ang lahat ng dugo ni Lhexis sa ulo sa sobrang asar sa pinsan. Ok lang naman sana sa kanya ang pag aasar nito, ngunit hindi ang ideyang baka narinig ni Jillian ang lahat ng sinabi nito tungkol sa kanya. Mukhang hindi paman siya nagsisismula sa kanyang plano ay masisira na nito iyon agad.
" Ok, I'll see you later then...have a good sleep with someone..." huling hirit nito kay Lhexis na mas lalo pang nagpakulo sa dugo ng isa.
"Arrrrgh!... I'll kill you later asshole!..." tuluyan na niyang pinutol ang tawag nito. Ayaw niyang mas lalo pang lumalim ang pangangatiyaw nito.
Gustuhin man ni Lhexis na ipikit muli ang mga mata ay mukhang ayaw ng dalawin ng antok ang kanyang diwa. Naiinis talaga siya sa ginawa ng pinsan, ngunit hindi rin naman niya ito masisisi, wala itong kaalam alam sa totoong plano niya. Ngunit ang mas ikinababahala niya ay ang iisipin sa kanya ni Jillian. Kung pwede lang sanay, ayaw niyang malaman nito ang mga kalokohan niya sa buhay.
Ayaw niyang mabahiran ang kanyang pagkatao sa kanya. Kailangan niyang mag isip ng paraan upang hindi tuluyang masira ang kanyang mga plano. Matagal niyang pinaghandaan ang lahat, kaya hindi siya makakapayag na mawalan ito ng saysay.
***********
Its pass eleven ng makarating si Lhexis sa office ni Steven. Sa labas palang, tanaw na niya si Jillian na busy sa pag titipa. Hindi na muna siya kumatok, sandali muna niya itong pinakatitigan. Masyado itong abala sa kanyang ginagawa kaya hindi nito napansin ang kanyang presensya.
" Busy?" agad itong nag angat ng mukha at sumalubong sa kanya ang mga namimilog nitong mga mata.
" S---sir..." tanging nasambit ni Jillian ng makita siya nito
Nagsalubong agad ang mga kilay niya ng marinig ang tawag nito sa kanya
"Sir? Do I need to remind you about our deal?" Ipinatong nito ang kanyang dalawang kamay sa table nito habang inaabot ang lebel ng mukha ng kausap.
" I'm sorry, nabigla lang ako hindi ko kasi inaasahang dadating ka ngayon." kinakabahan nitong sabi. " Pupuntahan ko lang si sir Steven para sabihing nandito ka." Nagmamadali itong tumayo at aalis na sana ng mabilis na nahawakan ni Lhexis kanyang braso.
" Hanggang ngayon ba hindi ka parin komportable sakin?"
Napalunok si Jillian ng wala sa oras. Tiningnan niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kanyang mga braso para sanay ipahiwatig ditong hindi siya komportable ngunit sinudan lamang nito ang kanyang mga mata ng hindi manlang natitinag sa pagkakatitig sa kanya.
" Excuse me, pupuntahan ko lang si sir para---
" Are you trying to avoid me?" naghihimagsik ang kanyang kalooban sa nakikitang pagkabalisa sa kilos ng babae. Pakiramdam niyay para siyang may nakakahawang sakit sa ginagawa nitong pag iwas sa kanya.
" Hindi, hindi yon ganon. Iniiwasan ko lang ang mapag usapan. Nasa labas tayo at ayaw kong pag chismisan tayo ng kung sino man ang makakita satin kaya please bitawan mo ang braso ko..." halos pabulong na nitong sabi.
Nagtagis ang kanyang mga bagang. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon nalang kahalaga para rito ang sasabihin ng ibang tao. Kung siya ang tatanungin, wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Para sa kanya wala naman silang ginagawang masama. Tinitigan niya ito ng may hinanakit, gusto niyang iparamdam dito ang sakit na nararamdaman.
" Hey Lhexis, nandito kana pala."
Kakausapin pa sana niya ito ng biglang may nagsalita sa kanilang likuran. Agad na kinuha noon ang atensyon ni Jillian kaya awtomatiko itong napalingon sa kinaroroonan ni Steven. Habang si Lhexis ay hindi manlang natinag sa kanyang pagkakatitig sa babae at hawak parin nito ang braso nito.
" Is there something wrong?" nagtataka nitong tanong habang nakatingin sa kanilang dalawa. Maya maya pay dumako ang mga mata nito sa kamay ng pinsan na nakahawak sa braso ng babae. Agad naging alerto si Jillian sa pagkilos, ng matagpuan ng mga mata niya ang direksyong tinutungo ng mga mata ni Steven. Walang sabi sabi niyang hinablot ang kanyang braso mula sa mga kamay ni Lhexis.
"Ah...W---wala po sir. May tinatanong lang po sakin si sir Lhexis. Nagkusa na si Jillian na sagutin ang tanong ni Steven. Ayaw niyang mag isip ito ng kung ano ano tungkol sa kanilang dalawa.
Sinalubong muna ni Lhexis ang mga mata ni Jillian bago niya tuluyang nilingon ang pinsan. Animoy humihingi siya dito ng permiso upang tuluyang umalis sa kanyang harapan. Nang tumalikod na ang binata ay saka lamang tuluyang nakahinga ng maayos ng maayos si Jillian, nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.
*********
" Have a seat" yayah ni Steven kay Lhexis. " Hey are you ok?" mayamaya pay tanong nito ng mapansin ang seryosong ekspresyon ng mukha nito.
" Kararating mo lang naka busangot na agad yang mukha mo? Sino bang sumira niyang araw mo?" ani Steven
Hindi ito nagsalita. Kita niya sa ekspresyon ng mukha nito na may mabigat itong dinaramdam. Ano man yon ay sigurado siyang hindi maganda ang timpla nito ngayon.
" Do you wanna drink? pangungulit nito kay Lhexis
Tiningnan lang siya nito pero hindi parin ito kumikibo. Tila may malalim itong iniisip.
" Im not in mood." maya mayay sabi nito
" So, itutuloy paba natin ang pagpunta kina tito Marcus para sa announcement?
" Yeah...but not now. I'll just need to fix something."
Hindi na niya nagawang kontrahin pa ang gusto ng pinsan. Alam ni Steven na sa itsura palang nito mukhang hindi magandang ideya kung itututloy pa nila ang balak.
"Ok then,... tawagan mo nalang ako pag ready kana."
" Ok,..I'll go ahead." walang gana nitong sabi
Wala ng nagawa pa si Steven kundi sundan nalang tingin ang papalabas niyang pinsan. Gustuhin man niyang kulitin ito ay hindi narin niya magawa. Bakas sa mukha nito inis at galit at ayaw niyang dagdagan pa ang dinaramdam nito. Alam niyang hindi ito ang klase ng taong gugustuhin mong kulitin kapag galit. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit bigla nalang nasira ang araw nito. Umiiling iling nalang siya sa isiping, kung sino man ang dahilan ngayon ng dinaramdam nito, siguradong magkaka problema ito ng malaki.
***********
Pagkalabas ni Lhexis sa office ni Steven, agad hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga. At hindi rin naman siya nabigo. Agad niya itong nakita sa di kalayuan, kausap ang isang lalaki. Halos umusok ang taenga niya sa galit. Nagtagis ang kanyang mga bagang. Hindi niya magawang alisin ang kanyang matalim na tingin sa mga ito.
Lalo pang nadagdagan ang kanyang galit ng makita niya itong panay ang ngiti dito at paminsan minsan tinatapik sa balikat ng lalaking kausap. Naikuyom niya ang kanyang kamao. Saka lamang siya nahimasmasan ng makita ang pag alis ng lalaking kausap nito.
Nang matapos ang pakikipag usap ni Jillian sa kanyang kasamahan sa trabaho ay agad na siyang umalis para bumalik na sana sa kanyang table. Ngunit nabigla siya ng makita si Lhexis na matamang nakatingin mula sa kanyang direksyon. Nag aapoy nanaman ang mga mata nito habang titig na titig sa kanya." Ano bang problema ng lalaking 'to kung makatitig para kang lalapain ng buhay! Galit nanaman ba siya!" naisaloob ni Jillian.
Habang papalapit siya ng papalapit sa kinaroroonan nito ay hindi niya maiwasang kabahan. Nangangatog ang tuhod niya. " s**t, hindi ba talaga siya titigil ng kakatitig!" kahit hindi niya ito tingnan, alam niyang hindi parin ito tumitigil sa paninitig nito. Kaya mas binilisan pa niya ang lakad para sa wakas ay malagpasan na niya ito. Ngunit nakakadalawang hakbang palamang siya mula sa likuran nito ng bigla itong magsalita.
" I'll see you later." maawtoridad nitong sabi
Nabigla siya sa narinig kaya bigla siyang napahinto." What? Did I heard it right? Ano daw, Kikitain niya ako mamaya? Anong problema ng lalaking'to? At sinong may sabing papayag akong makipagkita sa kanya?" tanong ko sa sarili. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko, pero hindi ko na dapat klaruhin pa dahil hindi rin naman ako papayag. sabi ng utak ko.
" I mean it...I wanna see you later." muli nitong sabi.
Napalunok si Jillian ng wala sa oras. Alam niyang sa pagkakataong ito ay tama na ang kanyang mga narinig. Kaya mas lalo siyang kinabahan. Hindi niya alam kong anong sasabihin at kung paano niya ito tatanggihan.
" I'm sorry, hindi ako pwede marami akong gagawin. Mag oovertime ako ngayon." sabi niya rito ng hindi ito nililingon.
" Ok, then I'll wait for you..." seryoso nitong sabi habang nakaharap sa kanyang likuran.
Wala na siyang nagawa kundi harapin ito at lapitan. Hanggat maaari iniiwasan niyang may makarinig sa kanila.
" Im busy right now, marami akong tatapusing----
" I'm willing to wait kahit gaano pa katagal...basta makita lang kita at makasama." putol nito kay Jillian habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Naistatwa si Jillian sa narinig mula rito. Hindi siya agad nakahuma. Pagkatapos ng mga sinabi nitoy tuluyan na itong umalis kaya wala na siyang nagawa pa kundi sundan nalang ito ng tingin. " s**t!" damn this man, dinadaan na naman niya ako sa linya niyang ganyan, ano pa bang gusto niya? Bakit ba ayaw niya akong tantanan!"
Tanging isang malalim na buntong hininga lang ang nagawa ni Jillian ng tuluyan ng mawala sa kanyang paningin si Lhexis. Ang daming tanong ang naglalaro sa kanyang utak pero ni isa doon ay hindi niya kayang sagutin. " Hay Lhexis sumasakit na ang ulo ko sayong lalaki ka!" Bakit ba hindi mo maintindihan na pilit kitang iniiwasan."
Ewan ba niya sa kanyang sarili, pero natatakot siya sa isiping nasa paligid lamang ito at anytime ay maaari itong makalapit sa kanya. Alam niyang hindi ito masamang tao pero pagkatapos ng mga nangyari, hindi niya kayang pakitunguhan pa ito ng normal kagaya ng gusto nito. Pero paano niya ipapaliwanag dito ang tunay niyang dahilan sa pag iwas sa kanya? Naiinis siya sa isiping napaka insensitive nito para hindi mapansin, na kahit kelan hindi sila magiging kagaya ng ibang magkakilala na pwedeng maging malapit at komportable sa isat isa.
" Ano ba kasi ang tingin niya sa nangyari, isang simpleng palabas lang." sabi niya sa sarili.
Sa bawat araw na makikita niya itoy bumabalik ang lahat lahat ng nagyari sa utak niya. At sa tuwing tititigan niya ang mga mata nitoy nakikita niya ang kanyang kahinaan. Salita palang nito nanginginig na ang buong kalamnan niya. At sa tuwing tititigan siya nito, pakiramdam niya halos magkalasan ang mga buto niya sa tuhod. Tapos makakasama pa niya ito?
" Hay, Aatikihin ako sa puso ng dahil sa kanya, papatayin ba niya ako ng maaga?" This has to stop! pero paano ko ipapaliwanag sa lalaking yon ang gusto kong mangyari... naisaloob niya.
" Lhexis, nandito ako para sabihin sayong hindi na tayo dapat magkita dahil hanggang ngayon apektado parin ako sa mga nangyari satin...nonono...erase!
" Lhexis, this has to stop, lets not see each other anymore... ang harsh naman!
" Eh kung, Lhexis pasensya kana ha, pero hindi talaga ako komportable sa presence mo eh, pwede bang layuan mo nalang ako? "s**t ano ba talagang sasabihin ko!"