Chapter 12
After a moment, nakarating na kami sa isang restaurant. I was so amazed with the place. Nakakalula talaga ang ganda. Nasa parking lot palang kami pero amazed na amazed na ako sa ganda ng lugar. Mas maganda pa ito kaysa doon sa napuntahan namin ni sir Steven. Hindi ko napigilang iguhit sa aking mga labi ang pagka mangha.
" Did you like the place?"
Natutuwa itong pinagmamasdan ako. Hindi ko manlang namalayan ang pressence nito dahil sa pagka aliw ng mga mata ko sa mga nakikita sa paligid.
" Ok na po ako dito, hihintayin ko nalang po kayo dito." sabi ko sa kanya
Biglang nagdilim ang mukha nito sa sinabi ko. Parang hindi naging magandang ideya ito para sa kanya. Pero gustuhin ko mang pumasok sa loob ay hindi rin naman ako magiging komportable. Kaya nagdecide na lamang akong magpa iwan.
" No, your going with me inside." saad nito
" Hindi pa po ako gutom, at saka wag po kayong mag alala ok lang po ako dito. At saka medyo masakit po ang paa ko eh." pagdadahilan ko.
Nakita ko ang inis sa mukha nito. Mabilis na nagbago ang aura nito at tingin ko nagpipigil lang ito sa kanyang inis sakin.
" Ok, if that's the case, then...
Walang sabi sabi nitong binuksan ang pinto ng kanyang kotse at binuhat ako.
" Lhexis, ano ba, ibaba mo ko!"
" No!" matigas nitong sabi
" Ibababa mo sabi ako eh, ano ba nakakahiya!" asik ko
He stood up for awhile at dahan dahan akong ibinaba. Nang maibaba na niya ako ng tuluyan ay tiningnan ko siya ng matalim.
" Ano bang problema mo." naiinis kong sabi dito.
" Try to say no to me again, at bubuhatin ulit kita papunta sa loob mismo ."
Napabuga ako ng hangin sa sobrang inis sa kanya. Tinitigan ko siya ng masama pero wala itong naging epekto sa kanya. Bagkus ngumisi pa ito kaya bumungad sa akin ang magaganda at mapuputi nitong mga ngipin. Imbes na mainis ng husto, na amazed pa ako ng makita ang magaganda nitong dimples.
" Let's go baby."
"Ano daw, baby?" Hinawakan nito ang aking mga kamay ng mahigpit, at hindi na ako nakapalag pa. Naiinis man, ay hindi nalamang ako kumibo.
Hanggang sa pagpasok namin sa loob ay hawak parin nito ang aking mga kamay ng mahigpit, na animoy takot itong bigla akong makawala at makatakbo palayo. Umiling iling nalamang ako sa isiping para kaming sweet lovers na ayaw mapaghiwalay.
He pull a seat for me and he guided me. And I found it so sweet of him. "Kahit pala may pagka sira ulo tong lalaking to, gentleman naman pala." sabi ko sa sarili. Ganunpaman, hindi non nabawasan ang pagka conscious ko. Kahit kailan talaga hinding hindi ako masasanay sa ganitong ka sosyal na lugar. At ang isa pang kinaiinis ko ay ang itsura kong hindi naman talaga angkop dito.
Nang makaupo na kami lalo pa akong hindi napakali. Mayat maya akong sumusulyap sa paligid at sa ibang table. Hanggang sa dumako ang paningin ko sa mga babaeng nasa kabilang table na matamang nakatitig sa direksyon namin. Kita ko kung gaano kasama ang tingin nila sakin. Samantalang si Lhexis, ay halos hubaran na nila sa sobrang paglalaway nila dito. Narinig ko pang sabi ng isa" baka katulong lang".
I was pissed. I pouted my lips. Parang gusto ko silang sugurin at ipamukha sa kanilang hindi ako katulong." Kaloka 'tong mga babaeng 'to ano bang problema ng mga 'to sakin!" Kung bakit ba naman kasi dito pa talaga niya naisipang maglunch, pwede namang sa simpleng lugar lang. Magla lunch lang dinaig pa ang mga royal families, ang daming arte." sa isip isip ko. Its all his fault! Nagmukha pa tuloy akong katulong kompara sa iba.
Hindi ko maintindihan ang sarili, Hindi ko alam kong saan ba talaga ako sobrang naiinis. Dahil ba sa napagkamalan nila akong katulong o dahil sobra sila kung makatitig kay Lhexis. Either one, hindi ko talaga gusto, parang gusto kong dukutin isa isa ang mga mata nila. Dahil sa sobrang inis ko, hindi ko na napansing mataman pala ako nitong tinitingnan.
" You look cute when your pissed." anito
I pouted my lips and gave him a sharp look.
" Yong mga admirers mo sa kabilang table, baka gusto mong lapitan. Kanina pa naglalaway sayo ang mga yan. Baka sakaling lumamig ang ulo nila sakin."
Sinundan nito ng tingin ang itinurong direksyon ng mga mata ko. Nakita ko ang paglapad ng ngiti ng mga ito sa kanya, sabay kaway at kindat pa nong isa kay Lhexis." Grabe ang lalandi!" halos pabulong kong sabi. Ilang sandali lamang ay bumalik na agad ang mga mata nito sakin, at nakangiti akong tinitigan.
" What!" I sarcastically asked.
" Don't worry, you own all my attentions today." he grinned at me
He gave me his sweet sexy smile. I was stunned looking at him.. Thin red moist lips, good pairs of white teeth. Perfect combination of a killer smile." Ngiti palang ulam na," Bonus nalang ang mga dimples nito. No wonder ang lakas ng appeal nito sa mga babae." But I should not be one of those girls." No way!"
Ilang sandali lamang ay may lumapit na sa amin para kunin ang order namin. At kagaya ng dati wala nanaman akong nintindahan sa mga pangalan ng mga pagkaing nakasulat doon." Hay ano ba naman ' to, wala manlang bang kahit isa rito pangalan ng pagkain ang pamilyar sakin." bulong ko. Maya mayay itiniklop kona lamang ang menu.
" May I have your order Ma'am?" tanong ng waiter.
" Ah...pwede bang pareho nalang kami ng oorderin? He's my boss kaya siya nalang po ang bahala." sagot ko dito ng pabulong
Nagtataka man ay sumunod nalamang ito sa utos ko. Imbes na mag order ako ng gusto kong kainin mas minabuti ko nalamang na gayahin ang order nito ng hindi na maging komplekado pa. Mahirap na at baka ano pang ma order ko wala panaman akong maintindihan sa mga nakasulat sa menu nila.
Agad itong lumapit kay Lhexis at inilista nito agad kanyang mga inorder. Maya maya pay mayroon itong ibinulong sa waiter. Kung ano man yon ako hindi na ako nakiosyoso pa. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng makaalis na yong waiter na kumuha ng order namin. I was so tensed, sa hindi ko malamang dahilan.
" I can see your not comfortable, Is there any problem?" bigla nitong tanong.
" H--ha..? Wala... I mean..Well honestly, hindi talaga ako komportable sa mga ganitong klaseng lugar eh." pag amin ko.
His brows furrowed in confusion as he stare at me. Tinitigan niya ako ng husto.
" Why, don't you like the place?" kunot noo nitong tanong.
" Hindi naman sa ganon. Ang ganda nga dito eh, pero talagang hindi lang talaga ako komportable sa mga ganitong klaseng lugar. Siguro mas sanay lang talaga ako sa mga lugar na pang simpleng tao lang at hindi sa mga classy kagaya nito." sabi ko pa.
" That's not true. It's just all in your mind. Everyone is welcome here---
" Except sa aming hindi kayang i afford ang mamahaling serbisyo at pagkain rito. putol ko sa kanya.
He gaze at me and then he reach for my hand. I almost lost self control. My heart beats uncontrollably. I can even feel the stong power of electricity running through my veins." Bakit ganito?" Gusto kong hugutin ang mga kamay ko pero hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob. I just stay staring at our hands together.
" Look at me...Fixed your eyes on me, and stop thingking of anything. Isipin mong tayo lang ang nandito at wala ng iba pa. " mahinahon nitong sabi.
Nag angat ako ng tingin sa kanyang mukha at sinalubong ko ang mga mata niyang matamang nakatitig sakin. Nawala nga ang consciousness ko pero napalitan naman yon ng sobrang kalabog sa dibdib ko. Gustuhin ko mang titigan siya ng matagal ay hindi ko magawa.
Hindi kaya ng dibdib ko ang sobrang kabang nararamdaman ko. Sa tuwing magtatama ang mga namin, hindi ko maiwasang alalahanin ang gabing iyon. Awtomatikong na pla flashback ang lahat sa utak ko." Siya kaya naalala din yon?" Hay Jillian move on with those stupid things!" singhal ko sa sariling utak.
" Feel better now?" pagkuway tanong nito
" Yeah, Thanks. Di bale next time, makakapag adjust na ako."
"Oh my God, why did I say that?" Hindi ko alam kong bakit yon ang lumabas sa bibig ko. But its not what I mean, dasal ko nalang na sana hindi nito iyon narinig.
" Next time?" nakangiti nitong tanong.
Halos mamula ang buong mukha ko sa sobrang hiya. Kung pwede lang akong magpalamon sa lupa ay ginawa ko na. But I have to composed myself. I should make a way out on this big embarrassment.
" I mean... If my boyfriend ask me out at dito kami nag date. Siguro, by that time, hindi na ako matetensed o mako conscious... That's it..." bawi ko
Thank God. Sa tingin ko naman ay naitawid ko naman ang sarili sa kahihiyahan. But as I look back to Lhexis, I saw a sudden change of his facial expression. Biglang nagdilim ang mukha nito. Nagtagis ang mga bagang nito at tila nagbubuga na ng apoy ang mga titig nito.
" What do you think?" tanong ko ulit dito.
I saw his eyes flaming inside as he stare at me. I felt scared staring it. Parang anytime ay magbubuga na ito ng apoy at susunugin ako ng buhay. Nanahimik nalamang ako at hindi na kumibo." Ano bang problema ng taong 'to, ano bang masama sa sinabi ko?"
" Here's your order Ma'am sir? Enjoy you food."
" Thank you." sabi ko
Ako nalamang ang nagpasalamat sa mga waiter dahil mukha namang wala ng balak mag salita ang kasama ko.
" Akala ko ba gutom kana, bakit hindi mo parin ginagalaw yang pagkain mo?" malumanay kong sabi.
Tiningnan niya ako sa mga mata ng mariin. Napayuko ako at hindi ko kinayang salubungin ang nakakapaso nitong mga titig. Hindi ito nagsalita, basta tinitigan niya lang ako. Isinubo ko ang pagkain ko at halos hindi kona iyon nginuya pa.
Sa isip ko, bibilisan ko nalang ang pagkain para makalabas na kami agad dito. Sayang din naman kung hindi ko kakainin. Maya maya lang, nakita ko itong hawak na ang kanyang kutsara at tinidor, sumubo narin ito kaya nakahinga na ako ng maluwag.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami agad. Hindi parin ito kumikibo kaya hinayaan ko nalang.
" So, you have a boyfriend." bigla nitong sabi
Lumingon pa ako sa likuran namin dahil akala ko may ibang kausap ito roon.
" I'm talking to you... "
Bigla nitong inihinto ang kotse .
" Anong---
" Kailan pa?" putol nito sa sasabihin ko.
" Teka ano bang ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.
" May boyfriend kana pala."
"All this time, yon ba ang dahilan kung bakit biglang nagbago ang mood niya." naisaisip ko
"Ah, yon ba, wala yon, kalimutan mo na yon." pag iwas ko sa usapan
" But you just mentioned about him earlier. pangungulit nito.
" Biro ko lang naman yon. Malabo nang maging kami non. Kasi may girlfriend na yon . Pero kung niligawan niya ako non, baka hindi narin ako nagpakipot pa noh. Sagot agad syempre. biro ko
" Is he that man we were talking about that night?" tanong pa nito.
" Oo." direkta kong sagot
" Ganon mo siya ka gusto?"pangungulit nito
" Parang ganun nanga. Kaya lang mukhang malabo pa sa pagputi ng uwak yong sa amin. May girlfriend na siya at ayaw kong manira ng relasyon ng iba."
" Then don't...you deserve someone better."
" Naku pass na muna ako dyan, baka next time, kung ano nanamang pagkakamali ang magawa ko."
" Pagkakamali? "
" Oo, kagaya ng malaking pagkakamaling nagawa ko ng gabing 'yon.
" A big mistake...So we had was just a big mistake for you? That's just it?"
Hindi ko alam kong paano sasagutin ang tanong na iyon. Kaya hindi nalamang ako umimik.
" Alis na po tayo baka kanina pa tayo hinihintay ni sir Steven." pagwawala ko sa usapan.
Halos mag iisang buwan narin ng mangyari yon ngunit hanggang ngayon binabagabag parin ako ng mga alaalang iyon. Alam kong isang malaking pagkakamali ang nangyari pero bakit parang hindi ganon ang nararamdaman ko." Nonono Jillian its a big mistake, a sin, at hindi na dapat maulit pa." I need to fixed this right now."
" Pwede po ba akong humingi ng pabor sa inyo? " mahinahon kung tanong.
" Only if you stop calling me po,ho and sir?" anito
"Ok..., Lhexis pwede ba akong humingi ng kaunting pabor sayo?
" Sure, what is it?
" Pwede bang mangako kang walang kahit sino ang makakaalam ng nangyari satin ng gabing 'yon, lalo na si sir Steven? Paglalakas loob ko.
" It's a private thing. It's just between you and me." he confidently stated
" Salamat, makakahinga na ako ng maluwag."
" And one more thing, pwede bang kalimutan nalang natin ang lahat nangyari ng gabing iyon?"
Hindi agad ito nagsalita. He gasped then he stare at me.
" Can you really do that?" balik tanong nito sakin.
" I have to...and we have to"
He paused for a moment, and then he sighed.
" Ok, in one condition." he said
" What is it, tell me kahit ano gagawin ko. Kahit ipaglaba pa kita, ipagluto, ilibre, ipaglin---
" You sure of that? Talagang kahit ano?
" Of course...Kahit ano basta wag lang masama at malaswa!" maagap kong sagot.
" Kahit alilain mo pa ako ng isang buong araw payag ako!" I added
" Ok then, Let me be close to you."
"Hey what? Did I heard it right? I met his eyes making sure if he really means what he says. But he never cut his eyes on me. " Close to him? does he know what he's really asking for? Nonono... I maybe just misunderstood it. It's impossible."
" So? Is it a deal?" he asked.
" Y---yeah...I think so..." wala sa isip kong sagot
" Great." he smirked
I was stunned looking at him. His words still echoed inside my ear. Parang ayaw talagang mag sink in sa utak ko ng hinihinging kondisyon nito." Was it really right, para kasing may mali." I breathe so deep.