SURPRISING DAY

1902 Words
Chapter 10 Halos madaling araw na kami nakauwi ni Hazel kaya hinatid nalamang nila akong dalawa ni Mark. Kagaya ng dati, napasarap nanaman ang bonding namin at kwentohan kaya hindi nanaman namin namalayang late na pala. Kahit papaano'y malaking bagay din naman iyong mga ganoong pagkakataon sa akin, lalo na ngayong kailangan ko talaga ng kausap. Kahit papaanoy guminhawa ang pakiramdam ko ng mag usap kaming dalawa. Yon ngalang, may ilang mga bagay akong hindi ipinagtapat dito, at sa palagay koy hindi padin naman ako handang ipaalam sa kanya ang lahat ng nangyari noong araw na yun, lalo ng gabing iyon. Dahil alam ko sandamakmak na sermon nanaman ang aabutin ko dito pag nalaman niyang nagawa kong magwala at makipag one night stand sa lalaking noong araw na yun ko lamang nakilala. And speaking of," Kamusta na kaya yong lalaking yon? Naaalala pa kaya ako non? Nonono Jillian, forget about him at saka wag mona nga siyang isipin. I'm sure hindi ka iniisip 'non. singhal ko sa sarili. "Ano ba naman yan pabigla bigla nalang siyang sumusulpot sa isip ko!" Napabuntong hininga ako ng malalim matapos ang pakikipag diskusyon ko sa utak ko. Ewan ko ba kung bakit sa dami dami ng pwedeng sumingit sa mga isipin ko ay yong lalaking iyon pa, na hanggang ngayon hirap na hirap akong tanggalin sa utak ko. Minsan nakakainis na, pero talagang hindi ko mapigilang itanong sa sarili kong bakit ako naging ganon karupok sa lalaking yon, at kung bakit niya ako pinatulan? o sadya lang bang kulang ito sa taste o baka naman talagang ugali na talaga niyang sumiping sa kung kani kaninong babae. "Hay ewan! basta tapos na yon at ayaw konang maalala. Anyway malabo narin namang makita ko pa ito ulit." naisaloob ko. Pagkatapos ng malalim kung pag iisip, unti unti ng hinila ng antok ang aking diwa kaya nagpatianud nalamang ako sa tuluyang pagpikit ng aking mga mata. ************ Isang panibagong araw na nanaman ang dumating para kay Jillian. Masyado naging mahimbing ang kanyang pagtulog kaya hindi na niya namalayan ang paulit ulit na pagtunog ng kanyang alam clock. Imbes na alas 5:30 ang gising niya ay nagising siya ng alas 7:00 ng umaga. Kaya nagmamadali na siyang kumilos at hindi na kumain pa ng agahan. Pagkatapos niyang maligo ay agad na siyang lumabas at nagmamadaling pumara ng taxi. " Oh my God, bakit ba kasi napasarap ako ng tulog eh," naiinis kong sabi sa sarili. Alas 8:00 ang pagsok niya sa trabaho araw araw, ngunit dahil narin sa traffic at mga unexpected na abirya sa daan ay laging nag aadvance ng dalawang oras si Jillian sa oras ng pagbyahe papunta sa office. Halos trenta minutos kasi ang regular niyang byahe papunta ng opisina. " Manong paki bilisan naman po" pakiusap nito sa driver ng taxi. " Naku hija, pasensya kana pag mas binilisan ko pa ito eh, baka madisgrasya na tayo niyan." wika ng driver Tiningnan ko ang pambisig na relo, halos 30 minutes nalang at male late na ako kaya lalong hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Para na akong kinakati sa puwit sa sobrang likot ko at panay pa ang dungaw kong saang banda na ako. At sa kasamaang palad, nagsimula na ngang mag usad pagong ang takbo ng mga sasakyan sa paligid namin ng dahil sa traffic, kaya mas lalo akong hindi na napakali. "s**t! ito na ngabang sinasabi ko eh." Bakit ba kasi nagpuyat sa kakaisip kagabi eh." naiinis kong sabi sa sarili Mabuti nalamang at pagkaraan lamang ng limang minuto ay naka usad na kami. " Heto pong bayad ko manong, sa inyo na ho ang sukli " Nagmamadali akong lumabas ng taxi at halos takbuhin ko na ang loob ng elevator sa sobrang pagmamadali... " Oh s**t, pasensya na po hindi ko po sinsadya." hingi ko ng pasensya sa taong nakabangga ko. Medyo napalakas ang impact ng pagkakabunggo ko sa kanya kaya nahulog ang ilang mga gamit ko. Agad itong nag squat para tulungan ako, napatigil ako bigla ng maamoy ang pamilyar nitong pabango.I paused for a moment, I remember someone having the same scent. In my mind, I know I've already smelled this manly scent before, but then I just ignored it, maybe it was just my imagination. Nang makuha kona ang lahat ng mga gamit ko, hindi na ako nag abala pang tingnan ang mukha ng taong nakabunggo ko bagkus ay tumalikod nalamang ako agad, at walang lingon lingon na humingi ng paumanhin at nagpasalamat ulit dito. Nang makapasok ako sa elevator nakita kopa itong may pinulot sa sahig at napatda ako ng mag angat ito ng mukha at tumingin sa direksyon ko bago magsara ang lift. His smell and his familliar face suddenly loss my consciousness for awhile."Nonono Jillian, its impossible!" Ewan ko, ngunit bigla akong nakaramdam ng sobrang kaba sa dibdib. His face suddenly flashes in my mind and all the things that happened that night, parang kaboteng bigla nalang nagsulputan ang lahat lahat. " No I'm just overthinking " pagkakalma ko sa sarili. Sa sobrang pag iisip ko, lumagpas ako ng floor kaya naghintay pa ako para makarating ulit sa floor na pupuntahan ko. Wala sa sariling inihakbang ko ang mga paa palabas ng elevator. Nang makalabas na ako, saka lamang ako nahimasmasan at tuluyang nakabawi sa pagkawala sa kasalukuyan. Napatingin ako sa wrist watch ko at namilog ang mga mata ko ng makitang halos 10 minutes na akong late kaya napatakbo nanaman ako sa sobrang pagmamadali. " Hi May good morning, dumating naba si sir Steven?" hinihingal kong tanong sa receptionist namin. " Oo kani kanina lang... at may kasama pang gwapo sa loob, grabe hindi ako makapaniwalang may napaka gwapo palang pinsan si sir Steven. Halos himatayin ako kanina ng tanungin niya ako kung saan ang opisina ni sir? " kinikilig nitong sabi " Talaga...? " kumunot ang noo ko sa sinabi nito." Sino naman kaya yon?" " O sige, pasok na ako magpapaliwanag pa ako kung bakit ako na late" " Teka Jillian, pwede bang pasuyo? Alamin mo naman ang pangalan niya para sakin oh " Kumikislap kislap pa ang mga mata nito habang sinasabi niya yon sakin. " Hay naku ginawa mo pa talaga akong imbestigador " natatawa kong sabi dito. Umalis na ako at umiiling iling na iniwan ito. " Jillian yong pangalan ha" pahabol nito. " Ok susubukan ko..." Nasa pinto na ako ng opisina ng bigla akong mapahinto. Mga ilang segundo rin akong nakatitig sa door knob bago ko napagpasyahang kumatok dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwag ang unang beses kong pagka late sa trabaho. " Oh, Miss Castillo come in, mabuti naman at nandito kana. Your just in time. nakangiti nitong bungad sa akin. " Pasensya na po kayo sir medyo na late po ako kasi---- " Its ok, kararating ko lang rin naman. " Dumako ang mga mata ko sa lalaking nakaupo sa couch at tila may kinakausap sa kanyang cellphone. Nakatalikod ito sa direksyon namin kaya hindi kopa makita ang mukha nito. " Oh, by the way, we have a visitor here, will you make us some coffee? nakangiti nitong sabi. " Right away sir?" agad akong tumalima. Pagpasok ko sa loob narinig ko ang tawanan nilang dalawa. Ewan ko ba, pero parang may ka boses ang kausap nito. " Hay naku, focus Jillian, nasa office kana kaya mag focus kana ok?" paalala ko sa sarili. "Here's your coffee sir..." sabay lapag ko ng mga tasa sa table. " Thanks Jillian. By the way I'd like you to meet my cousin. Pagkatapos kung ilapag sa table ang dalawang tasa ng kape ay agad akong nag angat ng tingin sa direksyon ni sir Steven at ng lalaking nasa tabi niya. "Jillian this is Brenth Lhexis Villazandre my cousin." nakangiti nitong pagpapakilala sa katabi..." And Brenth, this is Jillian Castillo, my executive assistant. My eyes widened in shock, as it slowly lifted its face at me. Para akong tangang nakatingin lang dito at nakatulala. Pakiramdam ko ng mga oras na yon, para akong binuhusan ng maraming tubig na may maraming yelo. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko o ilusyon lamang. Ni hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa pagkakatitig sa kanya. Sinubukan kung pimikit at kumurap baka sakaling mag iba ang larawan ng taong nasa aking harapan pero talagang siya parin ang nakikita ko. " Nice to see you again Miss Castillo" sabay lahad nito ng kanyang mga kamay. Saka lamang ako nakabawi sa aking pagkabigla ng marinig ko na itong magsalita at makita ang kamay nitong nilalahad sa aking harapan. Kaya wala na akong choice kundi tanggapin iyon. " Again, so magkakilala na pala kayong dalawa?" kumunot ang noo ni sir Steven na parang nagtataka sa narinig. Nabigla ako sa tanong na iyon ni sir Steven, kaya sa sobrang kaba ko bigla kong nahugot ang aking mga kamay mula sa pakikipag daup palad kay Lhexis. "Yeah, I've already meet her at---- " At the lobby sir, s---sakin po siya nag tanong kung nasaan po ang office niyo.." nagkanda utal utal kong putol sa sasabihin pa sana nito. Tiningnan ko siya sa mga mata na animoy nakikiusap ako sa kanyang sumang ayon nalamang sa aking sinasabi. He meet my eyes at sinalubong namin ang mata ng isat isa. Ngunit kalaunan ay ako rin ang unang bumawi dahil parang hindi ko matagalan ang animoy nagbabaga nitong mga tingin sa akin. " Yeah, we meet at the lobby." pag sang ayon nito. Mas diniinan pa nito ang salitang lobby na para bang sinasadya nitong ipamukha sa akin ang kasinungalingang iyon habang nakangiting nakatingin sa mga mata ko. Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay lumabas na sa kanyang bibig ang mga katagang binitawan. Kahit sobrang lamig ng temperatura sa loob ay ramdam ko parin ang pawis sa aking noo. "Oh, I see..." wika ni sir Steven " Nice meeting you sir..." sabi ko kay Lhexis at agad na akong umalis sa kanyang harapan. "I'll just excuse myself for awhile, kapag may kailangan pa po kayo tawagin niyo lang po ako sir Steven... " "Ok, Jillian thanks for the coffee." nakangiti nitong sabi. In my peripheral vision, I saw Lhexis eyes were still on me. Parang wala itong balak na magbawi ng tingin kaya hindi kona ito tiningnan pa at walang lingon lingon na akong lumabas at pumunta sa table ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang magtrabaho sa mga oras na ito. I don't even know kung makakapag focus paba ako. Mula ng magtama ang mga mata namin nakaramdam ako ng sobrang kabang hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito nalang katindi. His eyes were like a flame, parang nakakapaso sa kunting titig lang. Pakiramdam ko parang unti unti akong natutusta sa harapan niya. " My God, what have I done? Sa dinami dami ng lalaking pwede kong maka one night stand sa mundong 'to, bakit sa pinsan pa talaga ng lalaking pinakamalapit sakin? What if he told him the truth? s**t! Nonono, hindi pwede 'to!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD