Chapter 41

2209 Words

Chapter 41 Anger like Fire ZIE Apat na taon na ang lumipas nang mawala ang mga magulang ko. Naalala ko wala pang ilang araw matapos nilang ilibing dalawa ay dinala ako ng aking mga kamag-anak sa aking father-side sa isa kong tiyahin na sugo ng diablo. Apat na taon ko na rin nararanasan ang impyerno sa puder niya. "Ang kupad-kupad mo naman kumilos bata ka! Nagugutom na 'tong mga anak ko, hindi pa rin tapos magluto!" rinig kong sigaw ng aking tiyahin mula sa tindahan ng kanyang bahay. Sumimangot naman ako dahil pilit niya akong pinagluluto ng pritong itlog. Ilang beses na akong natalsikan ng mainit na mantika sa balat kaya naman parang takot na takot akong magprito. Kapag nakita nagtitilamsikan ang mantika nangingilabot na ang buong kalamanan ko. Muling suminghal ang halimaw kong tiyah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD