Chapter 40 Swatted Lies ZIE "Mama! Papa! I got stars from my class!" nakangiting kong sabi habang ipinapakita kay Mama at Papa ang mga tatak ng kulay asul na bituin sa aking balat. Ilang beses kasi akong tinawag ng aming teacher at pinasagot ng mga assignments sa klase. At dahil tama ang karamihan sa aking mga sagot, tinatakan ako ng aking teacher ng limang stars. Ibinaba ni Papa ang kanyang dyaryong binabasa at agad na ginulo ang aking buhok habang nakangiti. Kita at pansin ko sa kanyang mata at mukha ang labis na tuwa dahil sa mga stars na nakita niyang nakatatak sa braso ko. Si Mama naman ay tumango-tango lamang at marahan na kinurot ang aking kaliwang pisngi. "Iba talaga itong anak ko! Akalain mo 'yun, apat na taon ka pa lang pero ang tatas mo ng magsalita ng English! Naku! Noong

