Chapter 13

2236 Words
Chapter 13 Easy Pay ZIE "What the hell did happen?!" nagtatakang wika sa akin ni Ki habang nakaupo kami sa mga upuan ng training room. Umiling ako "Hindi ko alam, nawalan na lang din ako ng malay eh." pa-inosente at nagmamaang-mangan kong tanong. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Pakiramdam ko ay nabato ako sa kinapupwestuhan ko nang makita ang correspondent dummy ko. Karamihan sa mga kaklase ko ay gulat din sa nangyari, walang makapagsabi kung ang anong dahilan ng pagkawala nila ng malay. Hindi nila alam kung kaninong mahika nanggaling ang mga pinkish white small light bolts na nakatarak sa mga noo nila. Ilang sandali pa ay pumasok na si Professor Yuki dala ang isang flash drive at sinaksak niya ito sa kanyang laptop. Mukhang i-rereveal niya sa amin ang mga nangyari kanina kaya naman mariin akong napalunok. Hindi ko inaasahan na ganun ang mahikang taglay ko, buong akala ko kasi ay hindi rin marunong gumamit ng mahika ang correspondent dummy ko. Bakit ba kasi naniwala ako sa sinabi ni Ki? "You all failed at tinalo lang kayo ng iisang niyong kaklase." seryosong wika ni Professor Yuki habang inaayos ang projector. Nagbulungan ang mga kaklase ko sa sinabi niya. Alam kong alam niya kung sino ang may kagagawan at kung sinong dummy ang tumalo sa aming lahat. Simula nang tamaan ako sa noo ng pinkish white small light bolt na nanggaling sa dulo ng mga daliri ng correspondent dummy ko ay nawalan na ako ng malay. Ngunit nagtataka ako kung bakit hindi maalala ng mga kaklase ko ang nangyari sa loob ng forest terrain kanina, mukhang ako lang ang nakakaalala sa kanila. Bakas na bakas ang pagkalito sa kanilang mga mukha. Ako naman ay nanatiling naka-poker face at nagmamaang-maangan na wala rin maalala. Kailangan kong maki-go-with-the-flow. Ang idadahilan ko na lang kapag nakita nilang nakita ko ang aking correspondent dummy ay sasabihin wala rin akong maalala sa nangyari katulad nila. Mind Invasion, ang mahikang ito ay kayang kontrolin at pasukin ang pag-iisip ng isang tao. Hindi kaya ang spell na ginamit ng correspondent dummy ko ay related sa memory kaya wala silang maalala sa nangyari? Ilang sandali pa ay naka-project na sa harap ang isang malaking screen na animo'y pang-sinehan. Naka-divide ito sa limang columns at apat na rows. Bawat boxes ay iba-iba ang point of view. "Oh my God..." gulat na wika ni Ki. Pinanood ko ang nangyari sa activity kanina. Karamihan sa amin ay hindi nahiwalay at hindi napunta sa ibang bahagi ng gubat liban sa akin at doon sa nakasalubong kong kaklase kanina habang tumatakas sa dummy ni Miss Bold. Na-corner ng karamihan ng mga dummy ang mga kaklase ko kaya sila napapagitnaan. Ilang sandali pa habang tumatakbo ako papalayo kay Miss Bold nang mapansin kong may lumipad na isang pinkish white light bolt mula sa itaas ng puno at tumama sa noo ni Grace. Ang ikinagulat ko pa ay ang biglaang pag-ricochet o ang pagbanda ng pinkish white small light bolt na 'yun sa iba ko pang mga kaklase na animo'y gumawa ng isang pinkish white zigzag lines. Lahat ay tinamaan sa noo dahil para itong kuryente sa bilis at kailangan nakatuon ang atensyon upang mapansin. Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko sa napanood nila. Maski ako ay halos malaglag ang panga sa sahig sa sobrang gulat. "Holy f**k, sino sa mga kaklase natin ang may ganyang mahika? Wala pa akong nakitang ganyang klase ng magic." nagtataka at gulat na gulat na sabi ni Ki sa tabi ko. Napalunok ako at nanatiling tahimik habang pinapanood ang mga kaklase ko na unconscious na ngunit nakatayo lang. Labing-walo silang may mga pinkish white small light bolts sa noo nila na tumagos sa likod ng kanilang ulo. Napasinghap ako dahil malapit na nilang makita kung sino dummy ng kaklase nila ang may gawa nun kaya hindi sila nakapasa sa activity na ito. Ilang sandali pa ay nahati sa tatlo ang screen, ang nasa taas ay 'yung gitnang parte ng gubat kung saan nagkukumpulan ang mga walang malay kong mga kaklase, pangalawa ay 'yung screen ko na tumatakbo patakas sa dummy ni Ki habang 'yung nasa ibaba ay 'yung screen ng kaklase kong kinakalaban ang kanyang sariling correspondent dummy. Wala pang ilang segundo ay nahati na sa dalawa na lang ang screen, nawala na 'yung pangatlo dahil natalo ng dummy 'yung kaklase ko. Kaya ang natira ay 'yung screen kung saan mga walang malay ang mga kaklase ko at ako na nagtatago sa likod ng malaking katawan ng puno. "Bakit ka nagtatago sa katawan ng punong 'yun?" takang tanong sa akin ni Ki. Hindi ako sumagot at nanatiling pinagmasdan ang screen. Nagsigawan ang mga kaklase nang makita nila ang nasa itaas ng puno. Ang correspondent dummy ko. Tumaas ang balahibo ko nang makita na itinutok nito na parang baril ang kanyang dalawang pinagkidit na daliri sa noo ko. Kitang-kita sa screen ang gulat na gulat kong mukha. Ilang sandali pa ay naglabas na ang correspondent dummy ko ng pinkish white light na gawa sa enerhiya sa ibabaw ng mga daliri niya. Wala pang isang segundo ng ibato niya na parang bala ang pinkish white light na liwanag kung saan mabilis itong tumama sa noo ko na agad tumagos sa aking ulo. Nawalan na rin ako ng malay matapos nun. At dahil wala nang conscious, lahat kami ay otomatikong nawala sa forest terrain at na-teleport palabik dito sa training room. "Who did you do that?" gulat na tanong sa akin ni Ki. Umiling ako at hinarap siya "Walang akong ginawa, wala nga akong maalala sa nangyari kanina. Alam mo naman na hindi pa nagigising ang mahika ko. Kaya maski ako ay nagulat dyan sa napanood ko." nagmamaang-maangan kong sagot. "Jesus! I never thought that your magic would be that cool. Nice one, bro. Ang correspondent dummy mo lang naman ang nagpawalang-malay sa ating lahat kaya bagsak tayo sa activity na ito. Your magic is a troublesome." natatawa at pabirong dagdag pa ni Ki habang tinatapik ang kanang braso ko. Nilingon ko ang mga kaklase kong nagbubulungan at pinagmamasdan ako. Ngunit isang pares ng mga mata ang nakakuha ng atensyon ko. Galit na galit ito at mukhang handang-handa na akong saktan paglabas ko ng training room. Ang kulay pulang-pula niyang mga mata ay animo'y magangain ng isang tao. Siya lang naman 'yung nagsabing siya ang Hari ng Academy na ito. Isa sa mga nawalan ng malay dahil sa mahika ko. "Okay, listen class. Hindi ko rin inaasahan na makikita ko ang mahikang taglay ni Mr. Mondragon. Hindi niya rin kasalanan kung bakit bumagsak kayong lahat sa activity na ito. Ngayon alam kong natuto na kayo, kaya as much as possible sa mga susunod natin activity ay unahin niyong hanapin ang dummy niya." seryosong wika ni Professor Yuki matapos niyang patayin ang screen ng projector. "Professor Yuki, ano po ba ang magic na taglay ni Mr. Mondragon? Nakakapagtaka po kasing hindi naman po ito nagdulot ng matinding magic damage sa amin feeling ko nga po ay wala itong epekto sa katawan ko ngunit mayroon sa pag-iisip ko." tanong ng isa kong kaklaseng babae sa harap. Huminga ng malalim si Professor Yuki bago magsalita "Sa mga hindi nakakaalam, ang mahikang taglay niya ay ang Mind Invasion. Isang hyrbid type magic na galing sa pinagsamang mahika. He possessed hybrid type magic because of his genes. Kaya niyang kontrolin at pasukin ang isipan ng isang tao. And yeah that's true, the spell that the dummies used against to all of you is a disaarming spell. Alam niyo naman na karamihan sa mga disarming spell ay walang mga magic damage." maayos na pagpapaliwanag niya. "Hindi ko alam na pupwede pa lang magkaroon ng hybrid type magic. Saka, jeez! Bigla akong kinabahan sa mahikang taglay mo! Kaya mo pa lang kontrolin at pasukin ang isipan ng isang tao. Ang galing mo bro! Partida! Disarming Spell pa ang ginawa mo kanina." natatawang saad ni Ki habang tinatampal ang aking kanang braso. Muling nagsalita si Professor Yuki "At ang nangyari kanina? Ipapaliwanag ko. Unang-una hindi basta-bastang magic ang taglay niya. Hindi ito 'yung ordinaryong Mind Magic na kaya lang bumasa ng isip ng isang tao. Iba ang mechanics ng mahika niya, bago niya makontrol at mapasok ang isipan ng isang tao kinakailangan niya muna ibato ang isang pinkish white small light bolt sa mismong noo ng target." dagdag pa niya. Napasinghap ang mga kaklase ko sa paliwanag ni Professor Yuki. Masko ako ay napaupo ng maayos at inilabas ang aking notes upang i-chatdown ang mga sinabi niya. Nabasa ko na 'yung pinkish white small light bolt sa librong binigay niya sa akin ngunit ang hindi ko inaasahan na kinakailangan pang ipatama ko ang aking spell sa noo ng mga target. "Dahil ang isipan ng tao ang inaatake ng mahika niya, kinakailangan na sa mismong noo kung saan dadaanan ng liwanag ang utak ng isang tao upang gumana ang spell niya. Isa rin sa mga passive spells ng mahika niya ang pagbanda o pag-ricochet nito sa ibang tao sa paligid." "Holy f**k, did you know how convinient your magic is?" gulat at natatawang saad ni Ki sa aking gilid. Ngumiti ako "Ikaw kanina ka pa nagmumura, hindi po ako sanay na may nagmumura sa paligid ko." pa-inosenteng saad ko. Tinakpan niya ang bibig "Opps, sorry. Masyado lang akong na-amaze sa mahikang taglay mo. Hindi na ako makapaghintay na magising ang mahikang nananalatay dyan sa katawan mo. Kaya mag-training ka na ng double time para mas lalong mapabilis 'yun! Excited na ako, Pare! Dapat ako 'yung unang makakita ng magic mo!" dagdag niya pa. "Ibig sabihin Professor Yuki, ang weakness ng mahika ay ang pag-miss o kapag sa ibang parte ng katawan ng target tumama ang pinkish white small light bolt niya?" tanong ni Miss Adroit, 'yung babaeng kinky ang pagkakakulot at may kaunting breakouts sa muka na mag-ttrain sa akin sa Intelligence Training Regime. Umiling si Professor Yuki "Personally? I don't know. Maybe yes, maybe no. Hindi ko pa alam ang capabilities ng mahika ni Mr. Mondragon. Kasalukuyan pa namin na ginigising ang mahika niya. We'll see." sagot naman niya. Huminga ako ng malalim dahil alam kong pinagmamasdan ako ng mga kaklase ko. Inaasahan ko nang magagalit sila sa akin kasi ako ang may kasalanan kung bakit hindi sila nakapasa sa activity na ito. "Isn't it unfair Professor Yuki? Recorder pa rin po ba ang activity na ito? Hindi po namin inaasahan ang nangyari at wala kaming kaalam-alam sa mahikang taglay ni Mr. Mondragon. Kaya sana Professor, bigyan niyo pa kami ng isa pang pagkakataon. Saka Professor Yuki, are you sure na 50% lang ang taglay na magic powers ng mga dummies na 'yan?" mahinahon na saad ni Miss Bold kay Professor Yuki na ikinagulat ko. Inilagay ni Professor Yuki ang kanyang mga daliri sa ibaba ng kanyang baba "Yeah, I will consider this as a mock activity. Magkakaroon ulit tayo ng same activity kapag nagising na namin ang mahika ni Mr. Mondragon. You will not be graded today. By the way, want me to show my evidences about these dummies?" sagot niya habang tinuturo ang mga dummies na naka-off na. Lumingon sa akin si Miss Bold at kinindatan ako na para bang she save my ass there. Well, she save the whole class instead. Mabuti na lang at naisip niya 'yun at mabuti na rin ay naging considerate naman itong terror namin na adviser. Bagsak na nga ako sa Magic Assessment Test tapos bagsak pa ako rito sa pangalawang activity na ito. Nagsigawan naman sa tuwa ang mga kaklase ko liban sa isang tao sa likod na mukhang init na init nang banatan ako. Ang lakas ng loob niyang umasta ng ganyan sa loob ng Academy na ito. Wala akong pakialam kung Anak siya ng Presidente ng Bloodstone Academy. Baka ipakain ko sa kanya na ako ang matagal nang nawawalang Apo ng Presidente ng New Silkwood. Baka ingudgod ko siya sa impormasyon na ang dugong nananalaytay sa katawan ko ay Louisenbarnn. Tignan ko lang kung makaasta pa siya ng ganyan. Bilang pang-aasar ay maliwanag ko siyang ningitian at bago pa siya maka-react ay ibinaling ko na sa iba ang atensyon ko. Nakita kong naka-thumbs up si Grace sa akin na nakaupo sa kabilang side ng training room. Nagulat ako ng magsalita siya. "A-ang galing ng magic mo!" saad niya na kahit hindi ko marinig ang sinabi niya dahil sa mga nag-iingay kong mga kaklase ay nabasa ko sa pagagamitan ng lip read. Tumango ako at tinignan ang katabi ko nagsasaya dahil hindi graded ang activity namin ngayon. Tama lang 'yun! Saka ang unfair din sa akin kasi wala akong magamit na magic tricks kaya gagawin ko na ang makakaya ko upang magising ang katawan ko sa lalong madaling panahon. Ilang sandali pa ay na-dismiss na kami ni Professor Yuki. Lalabas na sana kami ni Ki nang lapitan kami ni Mr. Nathrezim, siya 'yung mag-ttrain sa akin sa Ability Training Regime. Ibang tatoo nanaman ang naka-drawing sa noo niya. Mukhang pang traditional dahil kakaiba ang stroke na ginamit. "Zie, kinakailangan mo nang gisingin ang mahika mo. Karamihan sa mga kaklase natin ay nagtataka pa rin kung bakit na nakapasok o nakapasa sa Academy na ito kahit hindi pa nagigising ang mahika mo." kalmado at nakangiti niyang saad. "Tutulungan mo ba ako? Hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh? Hindi ko alam kung handa na ang katawan ko para sa paggising ng mahika ko." pa-inosenteng saad ko. Tumango siya "Ayos lang, hihintayin ko ang go signal nina Professor Yuki at nitong si Ki kung physically fit ka na. May alam akong isang awakening spell para magising na ang mahikang nananalaytay dyan sa katawan mo."  - To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD