Chapter 12

2233 Words
Chapter 12 Dummies ZIE "Good morning class, we have our first activity this week." seryosong saad ni Professor Yuki habang nasa loob kami ng training room. Agad akong napalunok ng dahil sa mga mannequins o tinatawag na dummies ang nasa harap namin. They're all faceless. Hindi mo rin malaman ang gender dahil walang boobs o bayag kahit na nakahubad ang mga ito. I think they're made from rubber kasi mukhang malambot sila. Iba ito sa mga dummies na nilabas ni Professor Yuki noong nag-Magic Assessment Test kami. Huminga ako ng malalim dahil sa kaba. Unang-una ay nanlalambot pa rin ang mga kalamnan ko. Kahit na na-heal ako ni Grace at uminom ako ng energy drink ay nararamdaman ko pa rin ang pangangalaw ng buong katawan ko dahil sa training regime namin ni Ki kagabi. Pangalawa, wala pa rin akong kaalam-alam sa paggamit ng magic tricks kaya pakiramdam ko ay mapapahiya nanaman ako. "Professor Yuki, para saan po ang mga dummies na nasa harap namin?" tanong ng isa kong kaklaseng babae. Mabilis kong pinagmasdan ang paligid. Agad kong natanaw sa harap ang babaeng si Miss Bold, siya 'yung may reddish brown na buhok at red orange na mga mata. Nasa tabi naman ni Grace si Miss Adroit na tropa niyang nagbigay sa akin ng energy drink, siya 'yung kinky ang pagkakakulot at may ilang breakouts sa mukha. Habang si Mr. Nathrezim ay nasa likod na animo'y nagmemeditatae, may ibang tatoo nanaman ang naka-drawing sa noo niya. Natanaw ko rin ang grupo ng mga pa-importante kong mga kaklase. Hindi ko maiwasan na mapadila dahil dikit na dikit 'yung boobs ng babaeng nambully kay Grace nung nakaraan doon sa lalaking nagsabi sa akin na siya raw ang Hari ng Academy na ito. Napaismid ako, totoo nga 'yung sinabi ni Miss Bold na walang class 'tong si Liechtenstein. Ang yaman nga, hindi naman umaakto sa pang-mayaman ang pag-uugali. Nakakahiya kaya. "I will explain the mechanics of this activity. Mayroon kayong 20 minutes para hanapin ang mga dummy na ito. Kinakailangan niyong matalo ang corresponded dummies ninyo." pagpapaliwanag niya. Lahat kami ay napasinghap sa sinabi niya. Paanong kailangan namin matalo ang corresponded dummies namin? Hindi ko maintindihan kaya tahimik pa rin akong sinisipsip ang aking strawberry cream flavored lollipop. Ilang sandali pa ay nagpatuloy sa pagsasalita si Professor Yuki. "Kailangan niyong mahanap at matalo ang mga corresponded dummies niyo para makakuha ng perfect points para sa activity na ito. Pero hindi naman ganun kadali 'yun, kaya kumuha kayo ng isang hibla ng mga buhok niyo." dagdag niya pa. Tumango na lamang kami at kumuha ng isang strand ng buhok ko. Para saan kaya itong strand na 'to? Don't tell me ipapakain niya sa amin 'to? Hindi kaya 'to natutunaw ng tiyan kaya napaka-imposible naman. "Ngayon, lumapit kayo sa mga dummies sa harapan at ilagay niyo sa bibig niya ang strand ng buhok niyo." Mabilis nag nagpulasan ang mga kaklase ko at dali-daling nagpuntahan sa mga dummies sa harap. Nagkipagsiksikan ako at agad na sinuksok sa nakangangang bibig ng isang dummy ang strand ng aking buhok. May 20 dummies ang nasa harap namin kaya lahat kaming magkakaklase ay may mga corresponded dummy. Nang magsibalikan kami sa mga upuan namin ay napanganga ako dahil unti-unting nagbago ang itsura ng mga dummy. Halos mapatakip ako ng aking bibig sa nakita. Ang lahat ng dummy ay kamukha naming lahat! May mga mukha na sila, may katawan na kasing laki rin ng mga katawan namin. Gulat na gulat din ang iba sa nakita nila. Siguro ngayon lang din sila naka-encounter ng ganitong dummy sa buong buhay nila. Mas lalo naman ako, hindi ko man lang inisip na may ganitong technology sila sa mundong 'to. "They're all like you, they have your DNA's. Kinakailangan niyong hanapin ang mga corresponded dummies niyo at kailangan niyo silang talunin. Inuulit ko ay may 20 minutes lang kayo na gawin ito. Ang sino mang sa inyo ang hindi makakatapos sa activity ay makakakuha ng 3.25 at alam niyo naman na ang interpretation dyan ay 5.0 na." dagdag pa ni Professor Yuki. Tumahimik ang buong klase dahil sa sinabi niya. Kahit ako ay halos matameme dahil. Sa college, ay gumamit ng ganyang grading system. ang 3.0 na grade sa college ay katumbas ng 75 o pasang awang palakol na grade sa elementary at highschool. Kapag bumaba sa 3.25 ang grade, otomatikong nagiging 5.0 ito dahil ang 3.25 ay bagsak. Sa dalawang taon ko sa kolehiyo ay hindi bumaba sa 2.0 ang grade ko kaya ayaw ko naman na makakuha ng 5.0 sa mundong 'to. Never pa akong bumagsak sa mga subjects ko nung nasa Pilipinas pa ako. "At huwag niyong kalimutan ang paalala ko. Hindi niyo maaaring atakihin ang mga dummies na correspondent ng mga kaklase niyo. May mga sensors na nakakabit sa mga dummies at kapag inatake ito ng iba ay otomatikong mag-sesend ito ng signal sa akin. I will deduct points sa mga gagawa nun. Isa pa, they possessed your magic kaya mag-ingat kayo." seryosong paglaliwanag ni Professor Yuki. Walang lumabas na boses sa mga bibig ng mga kaklase ko. Alam kong gusto nilang magreklamo ngunit mas nakikita ko ang isang apoy sa kanila. Isang apoy na kumalat sa mga katawan nila. Ang apoy na 'yun ay tinatawag na excitement. Ramdam na ramdam ko sa paligid ang matinding excitement sa activity na ito. "Yes! Makakagamit na rin ako ng matinding mahika sa activity natin na 'to. Kating-kati na 'tong mga kamay ko na magamit sa isang activity ang mahika ko." rinig kong wika ni Ki sa gilid ko na mukhang excited na sa mangyayari. Hindi ko naman maiwasan na mapaikot ang aking mga mata dahil alam kong susundan nanaman ako ng kamalasan ngayong araw. Napalunok ako ng mariin. Paano ko lalabanan ang aking corresponded dummy? Kailangan kong mag-isip ng plano. "Pare, kanina ka pa mukhang natatae, masakit ba tiyan mo? Ano bang iniisip mo?" mahinang tanong sa akin ni Ki. Huminga ako ng malalim bago magsalita "Ano kasi, iniisip ko kung paano ko matatalo ang corresponded dummy ko. You know, hindi pa nagigising ang mahika ko kaya hindi ko alam ang gagawin ko sa activity na ito ngayon. Baka mapahiya lang ulit ako." Tumawa siya ng mahina "Madali lang 'yan, hindi mo ba naiisip na pupwede mong matalo ang dummy mo. Hindi mo ba naaalala na hindi pa nagiging ang mahika mo? Kaya huwag kang mag-alala dahil wala namang mahika ang corresponded dummy mo. Puwede mong matalo 'yung dummy mo sa pamamagitan ng basic physical combat techniques." pagpapaliwanag ni Ki. Napatango ako, kahit kailan talaga ang lalaking ito. Nakakamangha talaga ang pagiging sharp at critical minded niya. Mukhang chill chill lang ang alam pero ang daming laman ng bibig. Iyon nga lang at walang alam sa Academics pero sa mga ganitong panahon ay maaasahan ko ang isang ito. Siguro kailangan ko lang alalahanin ang mga natutunan kong mga basic combat techiques sa kanya kahapon. "As what I've said, they possessed your magic dahil sa nakuha na nila ang DNA's niyo. Naging kamukha niyo na rin sila ngunit malalaman niyo pa rin na dummy sila dahil puti lang ang kulay ng mga mata nila. This is your first time your dealing with these dummies right? Don't worry, they only have 50% of your magical power. I know it would be easy to all of you." litanya pa ni Professor Yuki habang nakaupo sa ibabaw ng teacher's table ng training room. "Okay, enough with the instructions. You will be teleported into a forest terrain. You will start now, so beyond and surpass your limits." dagdag niya pa. Ilang sandali pa ay may pinindot siyang isang remote control at sa isang kisap ng mata ay nagbago na ang buong lugar. Totoo ang sinabi ni Professor Yuki, we were teleported into a forest terrain. Mayabong ang mga puno na may malalaking sanga at kulay luntiang mga dahon. Mataas na ang araw kaya natatakpan ng mga anino ng malalaking puno ang isang daan. Tahimik ang buong paligid. Ang tanging naririnig ko ay ang pagtangay ng hangin sa mga dahon ng puno. Tinignan ko ang aking relo, may labing-limang segundo na ang lumipas nang makarating ako rito. Kailangan ko nang kumilos. Dali-dali akong dumaan sa gilid ng mga puno, mahirap na baka kapag sa mismong daan ako dumaan ay may mga makasalubong akong mga dummy. Ingat ang aking mga yapak sa mga tuyong dahon at maliit na sanga na natatapakan ko. Hindi pa ako nakakalayo ng ilang metro nang unti-unti kong makita na naging kulay kahel ang paligid. Agad kong nilingon ang aking likod, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang malaking bola at nagbabagang apoy na patungo sa direksyon ko. Agad akong nagpagulong-gulong sa gilid upang hindi tamaan ito. Nagkaroon ng malakas na pagsabog dahil sa malakas na impact nang tumama ito sa lupa. Napaubo ako dahil naging maalikabok ang buong paligid. "K-kisa..." nauubo kong saad habang dahan-dahan na tumatayo. Kahit na hindi ako tinamaan ng impact ng bolang apoy na tumama sa lupa ay nagkaroon ako ng ilang paso sa braso at binti. Akala ko ba 50% lang ang dinadala na magical power ng mga dummies na 'to? Eh mukhang kayang-kaya na akong patayin ng bolang apoy na 'yun. Ngayon alam ko na kung sino ang nagtataglay ng mahika ng Apoy. Pinagmasdan ko ang babaeng dummy na may reddish brown na mahabang buhok habang nagbabaga naman ang kanyang red orange na kulay ng mga mata. Siya 'yung kumamawa sa Leichtenstein nung nakaraan. Siya si Miss Bold. Hindi ko inaasahan na ganito kalakas ang magic power niya. Dahil sa sobrang kaba ay agad na bumuhos sa katawan ko ang adrenaline hormones kaya kumalat na ang adrenaline rush sa katawan ko. Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanya nang mapansin ko sa harap na may nakikipaglaban sa isang dummy. Hindi ko kilala kung sino 'yung kaklase ko na 'yun pero ang mahika niya ay ang paggamit ng mga malalaking ugat sa paligid. Hindi ko na siya kinausap at nilampasan na. Bahala siya kung makita siya ng dummy ni Miss Bold. Nagpatuloy lang ako sa maingat kong pagtakbo upang hindi ko makuha ang atensyon ng mga dummies sa paligid. Ilang sandali pa bago ako makalapit sa isang puno ay kitang-kita ko kung paano bumagsak sa harap ng balikat ko ang isang napakabigat na espada. "K-kisa..." mahinang ungol ko habang pinagmamasdan ang bumulwak na dugo sa aking balikat dahil sa hiwang ginawa ng malaking espada. Nilingon ko kung sino ang gumawang dummy at nanlaki na lang ang mga mata ko ng makita ang dummi ni Ki na nakatayo sa isang malaking sanga ng puno. Nakalimutan ko na kaya niya nga palang mag-summon o magpalabas ng mga weapons gamit ang mahika niya. Tinignan ko ang relo ko, may 14 minutes na lang akong nahapin ang corresponded dummy ko at talunin ito. Kailangan ko nang makalayo sa dummy ni Ki at kailangan ko nang mahanap ang dummy ko. Time is running fast kaya mag-dodouble time na ako. Hindi ko na pinansin ang dummy ni Ki at mabilis na nagtago at tumakbo patungo sa hilaga ng gubat. Sinundan ko lang sa gilid ang daan na tumutungo roon. Matapos ang ilang minuto ay may natatanaw akong mga tao sa hindi kalayuan. Mukhang isang open space 'yun kaya nandoon ang karamihan. Agad akong lumapit sa kanilang lokasyon upang hanapin kung baka nandoon ang corresponded dummy ko. Pero laking gulat ko habang naglalakad papalapit sa kanila ay hindi gumagalaw ang mga kaklase ko. Alam kong hindi sila ang dummy at alam kong mga kaklase ko 'yun kaya nakakapagtaka naman kung bakit hindi sila gumagalaw. "N-nani?" gulat kong saad habang pinagmamasdan ang buong paligid. Karamihan sa mga kaklase ko ay nasa gitna at pinalilibutan ng mga dummy. Agad kong nilinawan ang mata ko at nagtago sa malaking katawan ng isang puno. Tinitigan kong mabuti ang mga kaklase ko, lahat sila ay may pinkish white small light bolt sa noo nila na tumagos sa likod ng mga ulo nila. Sino sa mga kaklase ko ang may ganyang mahika? Paano niya napahinto ng ganyan ang mga kaklase ko? Kinabahan ako bigla, isa siguro 'yan sa mga kaklase kong pa-importante na na-late kaya hindi ko nakita ang mahikang taglay nila. Wala namang ginagawa ang mga dummy na nakapaligid sa kanila. Si Ki at Grace ay pawang mga tulog dahil nakapikit ang mga mata. Mayroon din silang pinkish white small light bolt sa mga noo nila. Agad ko silang binilang, 18 silang lahat. Ako ang isa at 'yung isa pa ay 'yung nakasalubong ko kaninang nakikipaglaban sa corresponded dummy niya. That magic is a troublesome. Kaya niyang patulugin ang isang tao gamit ang maliit na liwanag na 'yun. Sino kaya ang nagmamay-ari ng mahikang 'yan. Akmang tatalikod na sana ako nang makarinig ako ng isang kaluskos sa itaas ko. Nagbagsakan sa harap ko ang ilang piraso ng sariwang dahon. Lumunok ako ng mariin at dahan-dahan kong nilingon kung sinong dummy ang nasa taas ko. "I-itsu no mani?" nauutal kong saad. Kitang-kita ko ang sarili kong nasa itaas ng puno na pirmeng nakaupo. Nakasuksok ang isang lollipop sa loob ng bibig niya habang nakaturo sa akin ang dalawang daliri niya na animo'y ginawa niyang baril. Ilang sandali pa ay naglabas ng maliit na pinkish white na liwanag na gawa sa enerhiya ang dulo ng mga daliri niya. Gumawa ito ng mahina ngunit matining na tunog. Halos mapaupo ako sa lupa habang dahan-dahan na umaatras palayo sa aking corresponded dummy. Bago pa ako maka-react upang makatakbo, dali-dali niyang binato sa aking noo ang isang pinkish white small light bolt. Ilang sandali pa ay mabilis na nagdilim ang paningin ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko ng harapan ang mahikang natutulog sa katawan ko. - To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD