Chapter 11

2190 Words
Chapter 11 Grand Duelist ZIE "I would like to introduce these people who will help you in your training regime." seryosong wika sa akin ni Professor Yuki habang nasa harapan ko ang apat na mga kaklase ko. Nakangisi sa akin si Ki na para bang inaasahan niyang mangyayari ang mga ito. Hindi ko alam kung anong purpose niya kung bakit tutulungan niya ako sa aking training regime. Nasa kanan niya ang isang babaeng may kinky ang kulot na hanggang chin length ang haba. Tumango lamang siya at bumalik na sa kanyang pagbabasa ng isang makalumang libro na mukhang nanggaling pa noong medieval times. Nakangiti sa akin ng maaliwas ang isang lalaki na may kulay black tattoo na mukhang marka sa kanyang noo. Habang isang babaeng pamilyar ang mukha ang nasa pinakagilid. Ang babaeng nagtanggol kay Grace kanina. Siya 'yung babaeng may kulay reddish brown na buhok habang pakiramdam ko naman ay nagbabaga ang kanyang red orange na kulay ng mga mata. "Mukhang kilala mo naman ang isa sa kanila kaya itong tatlo na lang ang ipapakilala. Itong si kulot ay si Miss Adroit, tutulungan ka niya sa'yong Intelligence Training Regime. Itong lalaking may tatoo ay si Mr. Nathrezim, tutulungan ka niya na gising ang mahika mo at sa Ability Training Regime mo. Ito naman si red hair ay si Miss Bold, tutulungan ka niya sa Spell Training Regime. Habang si Mr. Valor ay tutulungan ka sa Defensive at Physical Training Regime." Tumango ako "Professor Yuki, paano naman po sa aking Agility Training Regime?" nagtatakang tanong ko. "Nakausap ko na ang kaklase mong tutulong sa'yo para sa Agility Training Regime mo, hindi lang siya makaka-attend ngayon. By the way, nag-drop by lang sila pala ipakilala ko. Ibinigay ko na sa kanila ang schedule ng iyong training regime." dagdag pa ni Professor Yuki. Inabot niya sa akin ang isang folder na naglalaman ng aking training regime schedules. Nakalagay doon ang araw at oras kung kailan gagawin ang specific training regime. Gusto ko sanang mag-part time job dahil ayaw kong na-sstock kakatambay sa dorm kapag tapos na ang klase. Kaso hindi ako makapag-apply dahil sa training regime na 'to na ginaganap tuwing paggabi na.  SPECIAL TRAINING REGIME Name: Mondragon, Zirconium Zeitgeber Azarcon Affinity: Mind Invasion Magic Class: 1-A Trainor: Kayabashi, Yukito Support: Natividad, Maria Divina Gracia Theresa SCHEDULE MW 5:00 PM - 6:30 PM (Physical Training Regime with Mr. Lordenn Voltzkii Valor) MW 6:30 PM - 8:00 PM (Defensive Training Regime with Mr. Lordenn Voltzkii Valor) TF 5:00 PM - 6:30 PM (Agility Training Regime with Miss Juno Creus Lao Sommeroux) TF 6:30 PM - 8:00 PM (Ability Training Regime with Mr. Arcanius Atom Nathrezim) TH 5:00 PM - 8:00 PM (Spell Training Regime with Miss Mikaela Beatrice Bold) SAT 5:00 PM - 8:00 PM (Intelligence Training Regime with Miss Dexterous Gene Adroit) Matapos nilang magpakilala ay nag-alisan na rin sila maliban kay Ki at Grace. Lunes pala ngayon kaya si Ki ang tutulong sa akin para Special Training Regime ko. Nanatiling nanonood sa amin si Professor Yuki habang si Grace naman ay nakaupo sa isang silya, ilang metro ang layo sa amin at pinapanood ang pag-wawarm up at stretching namin ni Ki. "Itong mga techniques na ituturo ko sa'yo ay nanggaling mismo sa angkan namin. Noon, kami-kami lang ang dapat matuto nito pero nag-decide ang Papa ko na ituro na rin ito sa iba para mas lalong lumaganap ang mga techniques na 'to. Sinasabi ko sa'yo, hindi mo magugustuhan ang training mong 'to." natatawa ngunit may halong pagkaseryosong paalala sa akin ni Ki habang nag-sstretching. "Ordinaryong physical combat training ang gagawin natin dahil nga hindi pa nagigising ang mahika sa katawan mo. Habang hindi ka pa nakakagamit ng magic, itong physical combat training ang pupwedeng maging alternative mo. Sa mundo natin, hindi lang dapat tayo nag-rerely sa ating taglay na mahika." dagdag paliwanag niya pa. Hindi ko talaga maiwasan na mamangha sa mga sinasabi niya. Kahit na medyo boploks siya sa mga tipikal na subjects ng Academy may mga bagay talagang na forte niya. Katulad ng sinabi ko noon nung nasa loob kami ng aking kwarto sa dorm habang pinagmamasdan ang libro tungkol sa royal family, he has a sharp and critical mind. Hindi ko maipagkakaila na talagang may laman ang mga sinasabi niya. I really get his point. Ito rin ang naisip kong alternative noong nakaraan habang hindi pa ako nakakagamit ng anumang magic tricks. Na kailangan kong mag-rely sa sarili lakas ng katawan ko. Na kailangan kong matutong lumaban gamit ang aking mga kamay o mga paa. "Ito ang pinaka-basic na technique na kailangan mong matutunan at kapag nagawa mo na ay maaari mo na 'tong mai-apply o mai-combine sa iba pang techniques na ituturo. Huminga ka ng malalim." utos niya. Sinunod ko ang gusto niya. Pumikit ako at dahan-dahan na huminga ng malalim. Ramdam na ramdam ko ang pangangatog ng katawan ko hindi dahil sa takot ako kung hindi dahil sa na-eexcite ako sa matututunan ko sa kanya. Hindi talaga ako nagkamaling i-entertain niya. Hindi talaga ako nagkamali na maging mabait sa kanya lalo na't nakakakuha ako ng magagandang benepisyo sa kanya. "Suntukin mo ang tiyan ko." nakangiting wika niya. Tumagalid ang ulo ko "Ha? Bakit naman kita susuntukin sa tiyan? Baka masikmuraan kita at baka masuka ka." nagtatakang sagot ko. Sumilay ang ngisi sa mukha niya "Trust me, I will take all the blame for myself. Now, suntukin mo ang tiyan ko gamit ang lahat ng lakas mo." Gusto ko sanang tumanggi sa sinabi niya ngunit wala akong magawa dahil pinapanood kami ni Professor Yuki. Mukhang kampante siyang i-train ako ni Ki. Huminga ako ng malalim at ipinusisyon ang aking kamao. Ilang sandali pa ay dahan-dahan kong nilagay ang aking pwersa sa balikat, pababa sa braso at patungo sa kamay ko. Mabilis kong sinuntok ang tiyan ni Ki gamit ang lahat ng lakas ko. "K-kisama!" napahiyaw kong saad dahil ramdam na ramdam ko ang paglagatok ng aking mga buto sa ibaba ng mga daliri. Halos mangiyak-ngiyak ako sa sobrang sakit dahil sa pagsuntok sa kanyang mala-bakal na tiyan. Alam kong hindi niya ginamitan ng mahika iyon ngunit pakiramdam ko ay nag-backfire lang sa akin ang pagsuntok ko sa tiyan niya. Sumilay ang dugo sa mga butong 'yun na pakiramdam ko ay na-fracture o nadurog sa pagsuntok ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina "Anong suntok 'yun? Para lang akong kinagat ng langgam!" pang-aasar niya sa akin. Umismid ako "Iniinsulto mo ba ako? Pumunta ka lang ba rito para sabihin sa akin ang mga salitang 'yan?" sarkastikong sagot ko sa kanya. Huminto sa siya pagtawa bago magsalita "Alam mo ba kung bakit halos hindi ko naramdaman ang suntok mo kahit na binigay mo na ang buong lakas mo? Pare, sasabihin ko sa'yo na hindi ka physically fit. Kaya kahit pakiramdam mo ay binigay mo na ang buong lakas mo, walang impact sa katawan ko dahil physically fit ako." seryosong pagpapaliwanag niya. Kumunot ng bahagya ang noo ko "Paano mo nasabing hindi ako physically fit?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking mga braso. Mabilis niya rin na tinampal ang tiyan ko. Umiiling-iling siya na habang sinusuri ang katawan ko. "Simple lang, hindi firm ang mga muscles mo kaya walang impact sa akin ang suntok mo. Kaya nandito ako ngayon para gawin physically fit ang katawan mo. Gagawin natin 'yun dahil para may alternative ka at para kapag nagising na ang mahika mo ay kayanin na ng buong katawan mo." dagdag paliwanag niya pa. I looked at him puzzled. Ibig sabihin totoo 'yung mga nababasa ko sa mga cliche fantasy stories sa w*****d na kapag hindi physically fit ang isang tao, kapag nagising ang mahika nito ay hindi kakayanin ng katawan ang impact ng mahikang 'yun. "Tama si Mr. Valor, dahil late bloomer ka at hindi pa nagigising ang mahika mo ay kinakailangan mong maging physically fit. Bakit? Sa kadahilanan na kailangan mag-adjust ang katawan mo para sa mahika mo." seryosong wika ni Professor Yuki na patuloy na nanonood sa amin ni Ki. Tumango-tango ako dahil naiintindihan ko ang sinabi niya. May laman ang sinabi ni Professor Yuki na late bloomer ako. Alam kong 'yun ang term na ginamit niya upang hindi maghinala sina Ki at Grace na hindi ako taga-rito at walang kititing na kaalaman sa simpleng paggamit ng mahika. Sabi sa akin ng matandang este Lolo na kaya ako bumalik ng otomatiko sa mundong ito dahil nawala na ng bisa aking sealing magic na nag-seal sa mahika ko sa loob ng ilang taong kong pamamalagi ng normal sa Pilipinas. Kaya naiintindihan ko kung bakit walang mga signs na may mahika ako habang normal akong namumuhay. Ngayon ay naisip kong kaya hindi pa nagigising ang mahika ko dahil kinakailangan munang maging handa ang katawan ko na gisingin at tanggapin siya. Dahil kung hindi pa handa ang aking katawan maski ang aking isipan ay magdudulot lang 'to ng matinding backfire sa akin. Ayaw ko naman na mangyari 'yun kaya gagawin ko ang makakaya ko sa Special Training Regime na 'to. "Ready ka na ba sa mga pahirap na ipapagawa ko sa'yo? Handa ka na bang matuto?" natatawa ngunit may halong pagkaseryosong saad sa akin ni Ki. Ngumiti ako "Handang-handa na. Inaasahan kong marami kong matututunan sa inyo." Lumipas ang ilang oras ng aming physical combat training regime. Iba't-ibang basic combat techniques ang itinuro sa akin ni Ki. Halos lumumpasay ako sa sahig kapag nasusuntok o natatadyakan niya ako. Dalawang type ng combat training ang tinuturo niya, una ang paggamit ng mga kamay at pangalawa ang paggamit ng paa. Ngkakaroon lang kami ng mga ten minute break pero balik na rin kami kaagad sa pag-ttraining. Salitan si Professor Yuki at Ki sa pag-ttrain sa akin. Habang si Grace ay nanonood lamang sa ginagawa namin. Minsan ay nagbibigay siya ng mga suggestions at tips sa akin na nabasa niya raw sa libro at sa internet. Hindi namin namalayan na gabi na pala sa labas at tanging ang ilaw ng buong training room ang nagbibigay liwanag sa amin. Lupaypay akong umupo sa sahig dahil sa sobrang pagod. Pakiramdam ko ay latang-lata ang mga braso't binti ko. Pawis na pawis ang buong katawan ko. Ilang sandali pa ay nakita kong tumakbo papalapit sa akin si Grace at inabutan ako ng dalawang tumblr. "I-itong tumblr na kulay blue ay tubig ang laman tapos itong pula naman ay isang energy drink na ibinigay sa akin ni Dex para sa special training regime mo." nauutal at nahihiyang saad sa akin ni Grace. Ngumiti ako "Maraming salamat, pakisabi sa kanya nagpapasalamat ako sa energy drink na binigay niya. Saka maraming salamat sa pag-sstay dito kahit na gabi pa." pa-inosenteng sagot ko sa kanya. Bahagya siyang yumuko at kinutkot ang mga pudpod na niyang mga kuko "H-hindi ayos lang, saka natutuwa akong makita na ang laki na ng improvement mo kahit na last week ka lang nagsimula sa special training mo. W-willing ako tulungan ka hanggang sa magising na ang mahika mo." dagdag niya pa. Ginulo ko ang ibabaw ng buhok niya "Basta maraming salamat, hayaan mo makakabawi rin ako." Gulat na humarap sa akin si Grace habang pinagmamasdan ako gamit ang kanyang kulay gintong mga mata. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang bilugang pisngi. Bakit kaya? Naiinitan kaya siya kaya namumula? Baka naman may sakit siya? Teka, ano bang pakialam ko sa kanya. Bahala siya, kaya naman niyang i-heal ang sarili niya. Pinunasan ko ang aking pawis habang nag-didiscuss si Professor Yuki tungkol sa ginawa ko ngayong training. Naka-point out ang aking mga mali at mga tamang nagawa. Binigay niya rin sa akin ang isang pirasong papel na nakasulat doon ang mga bagay na kailangan kong i-improve sa aking Physical Training Regime. Nagpaalam na siya sa amin at sabay-sabay na kaming lumabas nina Grace at Ki sa loob ng training room. Tahimik na nasa kanang tabi si Grace habang si Ki naman ay nagsalita na nasa kaliwang bahagi ng katawan. "You did a great job man! Hindi ko ine-expect na may talent ka sa isang physical combat training! Akala ko puro aral lang ang alam mo." natatawa at napaka-straight forward niyang saad sa akin. Tumawa ako ng mahina "Syempre, nagpapasalamat ako dun sa nagtuturo sa akin. Ang galing eh, akala ko wala ka rin alam sa mga ganitong bagay kasi ganyan ka sa loob ng classroom." pambabalik ko sa kanya ng insulto. Tinawanan niya ako at mahinang binatukan "Kaya naman turuan mo ako sa mga subjects natin. Nahihirapan kaya akong mag-memorize. Saka tanggap ko na talaga na mahina 'tong kokote ko." natatawang pang-iinsulto niya sa sarili niya. "H-hindi! M-mali ka! A-alam mong matalino ka rin gaya ni Zie. S-siguro hindi nga lang sa academics pero sa ibang bagay naman ay magaling ka. K-katulad kanina, matalino ka sa physical combat training." nahihiya at nauutal na pasok naman ni Grace. "Talaga?! May pag-asa pa pala akong tumalino! Kaya Pare! Huwag mong kalimutan na tulungan ako. Hindi naman ako mahirap turuan." dagdag pa ni Ki. Tumango ako "Oo ba, kaso asahan mo na hindi ako magiging mabait sa'yo. Totorturin ko 'yang utak mo katulad ng pag-torture mo sa katawan ko. 'Yung tipong ikaw na 'yung aayaw sa akin kasi mahirap akong magturo." natatawang pang-aasar ka. "Sira ka talaga, oo nga pala anong pangalan ng magandang binibini na nasa tabi mo Pare? Wala ka man lang bang balak ipakilala ako?" malambing na sabi sa akin ni Ki habang sinisiko-siko ako. Ito nanaman siya, inaatake nanaman ng sakit niya. Gumagana nanaman ang radar niya sa mga chicks. Teka? Bakit ba ako nangingialam? Paki ko ba sa buhay niya. Ganyan na siya eh, anong magagawa ko? "A-ano, Grace ang pangalan ko. N-natutuwa akong makilala ka, Ki."  - To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD