Chapter 10

2175 Words
Chapter 10 Pain ZIE "Ano ba 'yan. Umang-umaga ang lakas nanaman mang-badtrip nitong si Leichtenstein. Hanggang ngayong college ay puro pambubully ang alam. Palibhasa kasi malakas ang kapit dito at kakaiba ang mahikang taglay kaya kung makaasta akala mo kung sinong santa-santita." rinig kong bulong ng isa kong kaklaseng babae sa ibaba habang pinagmamasdan ko ang labas na bahagi ng Academy. "Oo nga eh, feeling bratinela nanaman si Ate Gurl. Hyper nanaman at mukhang nakawala sa kanyang hawla. Naghahasik nanaman ng lagim ang demonyitang 'yan." sagot ng kausap niya. "Korek ka dyan gurl. Mukhang nasaniban ng masamang espiritu. Charot lang baka marinig pa tayo." Hindi ako pamilyar sa pangalan niya. Lunes na at siya siguro 'yung kaklase kong pa-importante na hindi raw pumasok nitong first week ng klase. I beg to agree sa sinabi ng babae sa ibaba ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit laganap hanggang dito ang bullying. Nasa college na ang nasa loob ng classroom na ito. Basically, ang range ng edad ay nasa 15-17 dahil kami ay mga freshmen pa lang. Kapag nasa ganyan edad na ay dapat unti-unti na rin na nagbabago ang personality at behavior ng isang tao. Well, naalala ko nga pala na ang maturity ay wala sa edad. Hindi naman kasi porke dalaga na ay kailangan matured na kaagad. Isang example ang babaeng tinutukoy nila. Hindi pa ata nakakahanap ng katapat kaya ang lakas ng loob mang-bully. Agad akong napalingon sa kabilang direksyon ng classroom nang makarinig ako ng komosyon. Kitang-kita ng mata mata ko kung paano binuhusan ng isang babaeng may mahabang buhok at balingkinitan ang katawan ang ulo ni Grace ng isang mainit na kape. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Grabe! Ang lakas ng loob niyang magbuhos ng mainit na kape sa isang tao! "You deserved it b***h. Bastos ka kasi, kanina pa kita pinapaalis sa upuan mo. Don't you know me? I'm the Queen of this Academy. Isaksak mo sa kokote mo ang pangalan ko." malditang wika nito habang dinuduro-duro ang sintindo ni Grace. Pakiramdam ko ay malalaglag na ang panga ko sa sahig nang mabilis na pumula ang mukha at leeg ni Grace dahil sa paso ng mainit na kapeng ibinuhos sa kanya. Bigla kong naalala ang ginawa sa akin ng isa ko pang kaklase hambog na Hari daw ng Academy na ito dahil Anak daw siya ng Presidente ng Academy. Hindi naman ako umimik at nanatiling nanood sa gagawin nila. Laking gulat ko nang may isang babaeng may mahaba rin na buhok ngunit kulay reddish brown ito na sinamahan nang nakaka-intimidate na kulay red orange na mga mata. Mabilis niyang tinadyakan ang likod nung babaeng nagbuhos ng mainit sa kape sa ulo ni Grace. Napanganga ako ng tuluyan ng bumulusok ang katawan ng babaeng iyon sa kanto ng isang table. "How could you-----" impit na hiyaw ng babae. Hindi pa natinag ang isa at mabilis na lumapit sa hindi makatayong katawan ng babae at kinuwelyuhan ito. Kitang-kita ko ang panlalaki at paninindak sa tingin niya. Ngayon ko lang nakita ang babaeng ito, baka isa rin siya doon sa madalas ma-late sa klase kaya ngayon ko lang siya napansin. "Hindi ka na talaga nadala no? Hanggang kailan ka aakto ng ganyan? Bobo ka na nga kung anu-ano pang kagagahan ang ginagawa mo." nanggigigil na wika ng babae habang mariin na kinukwelyuhan ang babaeng hindi makatayo sa lakas ng pagkakatadyak sa likod niya. Pakiramdam ko nga ay parang nabali ang kanyang spinal column sa lakas ng babaeng may mapulang mga mata. Nakakatakot pala ang babaeng 'to. Sa kabilang banda naman ay dinala ng iba kong kaklaseng babae ang palabas ng classroom si Grace. Ang President namin ay mukhang pumunta sa Disciplinary Office upang i-reklamo ang pambubully nitong babaeng ito na nakalampaso sa sahig. Habang nagsisigawan at nagbabatuhan naman ng mga barya ang iba kong kaklaseng lalaki na animo'y nanonood ng isang sabong. Ang ibang babae naman ay nagbubulungan lang at ako ay nanonood lang sa susunod na gagawin nila. "Ano bang paki mo? Saka ang kapal ng mukha mong hawakan ang damit ko! Mahirap ka lang-----" napahinto sa pagsasalita ang malditang nakalampaso sa sahig nang magsalita ang babaeng may mapulang buhok at mga mata. "Ay oo nga pala mayaman ka. Isa ka nga palang tipikal na spoiled brat. Isang tipikal na mayaman na walang class. Excuse me, ngayon lang ako nakakita ng isang mayaman na warfreak. Eww, wala ka sa behavioral level nila. Oh my God?! Don't tell me you're mentally unstable?! Do you have a severe brain abnormality?!" sarkastiko at mapang-asar na sagot niya sa babae. Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya o hindi kasi nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi niya. Oo nga, nakuha ko ang point niya. 'Yung mga naging kaklase ko naman na sobrang yaman kahit na spoiled brat ay hindi naman ganyan makaasta. Totoo nga ang sinabi niya, nagmumukhang walang class ang mga ganyang mayayaman. Naalala ko na, siguro 'yung background story niya ay 'yung katulad ng mga cliche stories sa w*****d na nakukuha ang gusto kaya ganyan ang pag-uugali. Matapos ang ilang minuto ay pinatawag ang iba kong kaklase naka-witness sa nangyari ng isang staff ng Disciplinary Office. Lalo na 'yung dalawang babaeng nagrambulan kanina. Bilang na lang sa daliri ang natira sa loob ng classroom. Inaya naman akong kumain ni Ki sa Cafeteria kaya sumama na ako. "Hmm, ang sarap talagang sumipsip ng lollipop kapag natapos kang kumain." saad ko kay Ki habang nakasuksok sa aking bibig ang isang strawberry cream flavored lollipop. Tumawa siya ng mahina "Grabe ka Pre! Nakakailang lollipop ka sa isang araw? Baka magka-tonsil ka niyan. Nga pala, salamat at hindi mo na pinakita kay Sir Yuki ang natagpuan kong document sa library." Umismid ako "Brad, may sasabihin ako... Matagal na akong may tonsils, baka tonsilitis ang tinutukoy mo? Huwag kang mag-alala immune na ako sa sakit na 'yun. Baka nakakalimutan mo na hindi ikaw ang naghanap nun?" natatawang sagot ko. Mag-aalas singko ng hapon nang sabay kami ni Grace na pumunta sa training room para sa aking traing regime. Alam kong naghihintay na sa akin doon si Professor Yuki. Natuwa naman ako na ayos na si Grace. Sabagay bakit ba ako mag-aalala? Kaya naman niyang i-heal ang paso niya dahil sa babaeng umatake sa kanya kanina. Parang walang nangyari, balik siya sa normal niyang ginagawa na pagkukutkot ng kanyang mga pudpod ng mga kuko. "G-grabe talaga, natakot ako ng sobra sa babaeng 'yun. W-wala naman akong ginagawa sa kanya para i-bully niya ng ganun." nauutal at nahihiyang saad sa akin ni Grace. Kitang-kita ko sa kanyang mga kulay gintong mga mata ang takot. Hindi ko naman maipagkakaila na mag-iimprint talaga sa ating utak ang bawat traumatic experiences na naranasan natin sa buhay. Itong mga traumatic experiences na ito ay maaaring maging dahilan kung bakit ganito o ganyan ang pag-uugali ng isang tao. Ngayon nahihinuha ko na kung bakit madalas mag-stutter magsalita sa Grace. Maybe she was bullied before. Bullying has a very impact in our behavior. Karamihan sa lahat ng biktima ng bullying ay may tatlong kinababagsakan o outcome ito. Una, katulad ni Grace na nawalan ng confidence sa sarili at para bang parating tako. Pangalawa, ang maging bully rin sa ibang tao at ang panghuli ay ang ma-overcome ito. Marami akong kilala sa Pilipinas na nagpakamatay dahil lamang sa bullying. Sa pagkakaalala ko kanina, ay nagkaroon ng community service ang dalawang nag-away sa classroom. Suspended din sila ng isang araw sa klase. "Bakit hindi mo naisipan na ipagtanggol ang sarili mo kanina? Bakit hinayaan mo na buhusan ka niya ng mainit na kape?" mahinahon kong tanong. Huminga siya ng malalim na para bang kumukuha pa ng lakas ng loob upang sagutin ang tanong ko. Hinahangin pakaliwa ang kanyang hanggang balikat na haba ng buhok. Habang ang buong paligid naman ay kulay kahel na dahil nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Unti-unti na rin na umiihip ang pang-gabing simoy ng hangin. "N-noong nasa elementary pa ako, lagi akong binubully ng mga kaklase ko. L-lagi nilang sinasabi sa akin na isa lang akong Anak ng Ampunan. L-lagi nilang napapansin ang pananalita ko kaya hindi ko maiwasan na mautal-utal kapag may kausap ako. P-pinagtitripan nila ako na umaabot sa certain extent na hindi lang verbal abuse ang ginagawa nila sa akin, physical abuse na rin." nahihiyang pagpapaliwanag niya habang pinagmamasdan ang malaking araw na kalahati na lamang dahil lumubog na ang ibabang parte nito. Ang galing ko talagang manghula. Sabi ng mga idol kong Psychologist, childhood or traumatic experiences shapes the behavior, personality and attitude of a person. Ibig sabihin, kung ano ang mga naranasan natin noong mga bata pa tayo ay maaaring makaapekto sa pag-uugali natin ngayon. Katulad ng sinabi ko kanina, pati na rin ang traumatic experiences ay nakakapagpabago ng behavior ng isang tao. "G-gusto kong sagutin ang tanong mo. N-naalala ko noon na kapag pinatulan mo ang isang taong bully, mas lalo ka raw nilang i-bubully. I-iyon din ang sinasabi ng mga Sister na nag-aalaga sa akin. K-kaya as much as possible ay mas iniintindi ko ang mga taong ito. H-hindi ko alam kung anong dahilan o karanasan nila kung bakit sila naging bully. H-hindi ko ba nasabi sa'yo na gusto kong kumuha ng course ng Psychology?" nakangiting wika niya sa akin. Napataas ang kilay ko. A-ano? Tama ba ako ng naririnig ko? May normal na subject dito? Anak ng teteng naman oh! Kung may Psychology naman pala sa mundong 'to ay sana dun na lang ako nag-aral! Hindi ko na sana kailangan pang pahirapan ang sarili ko sa training regime na 'to para magising ang mahika ko. Pupwede naman pala akong mamuhay ng normal sa mundong 'to. Bakit hindi sinabi sa akin ito ng matandang este ng Lolo ko? Humanda siya sa akin mamaya. "Bakit 'yun ang gusto mong kunin? Akala ko ba ay pangarap mong makapagtapos sa Academy na 'to." nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina "O-oo tama ka naman sa sinabi mo. A-ang balak ko kasi matapos kong makapagtapos sa Academy ay papasok ako sa isang University at mag-tetake ako ng Psychology course. A-after nun ay papasok ako sa kumbento namin." nauutal at nahihiyang pagpapaliwanag niya. Tumagilid ang ulo ko sa sinabi niya "H-ha? Anong ibig sabihin na papasok ka sa kumbento? Mag-mamadre ka ba?" Tumango siya sa tinanong ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay bumagsak sa madamong sahig ang panga ko. Sayang naman ang ganda niya kung papasok siya sa kumbento. Hindi pwede, hindi siya pwedeng pumasok dun. Sayang talaga, maraming lalaking mukhang nagkakandarapa sa kanya. Lumunok ako ng mariin, ano ba 'tong sinasabi ko? Ano namang pakialam ko kung pumasok siya sa kumbento? Papasok lang naman siya, saka sa pagkakaalala ko pwede naman silang lumabas bilang Madre. Sayang, nakakapanghinayang ang ganda niya kapag simbahan lang ang nakinabang. Ha?! Sinabi ko bang maganda siya? Puyat lang siguro ako kaya kung anu-anong adjectives ang nasasabi ko sa kanya. Normal lang naman ang itsura at katawan niya, walang nag-sstand out maliban sa kanyang kulay gintong mga mata. "B-bakit parang gulat na gulat ka? A-ayaw mo bang pumasok ako doon?" nauutal at mahina niyang sagot habang nakayuko at kinukutkot ang kanyang pudpod ng mga kuko. Nanlaki ang mga mata ko "Ha? Paano mo naman nasabi? Saka kung iyon talaga ang pangarap mo edi go..." pa-inosenteng sagot ko habang kinakamot ang aking batok. Bakit may isang parte ng utak ko na nagsasabi na pigilan ko siyang pumasok sa kumbento. Teka! Ano ba 'tong mga pumapasok sa isip ko, kung anu-ano na lang! Ang dami ko na ngang kailangan gawin tapos maii-stress pa ako sa kanya?! Gusto ko nang sampalin ang sarili ko para magising na ako sa halusinasyon at delusyon na nararanasan ko. "N-nakikita mo ba 'yung Bloodstone?" tanong ni Grace habang tinatanaw sa hindi kalayuan ang isang mataas na pole kung saan nakalagay ang nagliliwanag na bilog na bato sa ibabaw nito. Tumango ako "Ano bang meron sa Bloodstone na 'yan?" nagtatakang tanong ko. Tumawa ng mahina si Grace "A-ang kwento sa akin ni Sister noon na ang Bloodstone ay ginawa sa pagagamitan ng pag-emit ng natitirang kapangyarihan ng Huling Hari noon ng bansang Silkwood na si Alexander Aldan Louisenbarnn. G-ganun din ang ginawa ng Huling Reyna na si Siluca Cornello-Louisenbarnn. I-inilagay nila ang kanilang mahika sa isang bato na ipinamana sa kanyang Anak na si Alastor Cornello Louisenbarnn, ang kasalukuyang Presidente ng bansa natin." nauutal at nahihiya ngunit puno ng impormasyong pagpapaliwanag ni Grace. Gusto ko pa sanang magtanong nang bigla namin narinig ang malakas na tumunog ang aking phone. Hala! Patay kami! Saktong alas-singko na ng hapon. Kailangan na namin makapunta sa training room para aking training regime. Ano nanaman kaya ang ipapagawa sa akin ni Professor Yuki? Na-eexcite ako dahil gusto ko nang matutunan gamitin ang mahikang taglay ko. Bago kami tumalikod ay muli kong pinagmasdan ang Bloodstone na nakalutang sa ibabaw ng pole. Hindi nga mapagkakaila na pareho ng kulay nito ang aking mga mata. Hindi ko rin maipagkakaila na ito rin ang dahilan. Ang Bloodstone na ito ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang mga probinsya ng bansang Silkwood noon. Ang magulo para sa akin ay ang dahilan kung bakit ginawa ito. Ano kayang purpose niyan sa mundong 'to? Saka kung mahalagang bato 'yan na pagmamay-ari ng matanda este ng Lolo ko, bakit naka-display lang 'yan dyan? - To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD