Chapter 9
Critical Mind
ZIE
"Basically, ang mahika ay nanggaling mismo sa katawan ng tao Mr. Mondragon. Lahat ng tao sa mundong ito ay biniyayaan ng iba't-ibang uri ng mahika. Pero bago tayo pumunta sa iyong Spell Training Regime, kailangan mo munang pagdaan ang mga ito upang mas maging madali sa'yo ang paggamit ng mahika." seryosong wika ni Professor Yuki habang nasa loob kaming dalawa ng training room sa fifth floor ng Academy building.
Kulay kahel na ang buong paligid dahil ang sinang ng araw ay dumadaan sa pader na gawa sa salamin. Hindi na nagkaroon pa ng klase kaninang hapon pero hindi pa rin ako nagkaroon ng pagkakataon na tignan man lang ang mga pictures na nakita ko kanina sa library. Wala akong balak ipaalam iyon kay Professor Yuki. Pananatilihin ko muna sa sarili ko ang impormasyong 'yun.
"Mag-warm up ka muna at pagkatapos mo ay gawin mo itong Physical Training Regime mo. Ang nilalaman nito ay mga physical exercises upang mas madaling maipalabas ang iyong mahika. Sa palagay ko ay natutulog pa ang mahika sa iyong dugo kaya gigising muna na ito. Hindi pwedeng kitang biglain dahil hindi kakayanin ng katawan mo." dagdag pa ni Professor Yuki.
Tumango ako at desido na. Alam kong mahirap dahil hindi ako ganoo ka-physically fit at napaka-rarely kong mag-exercise. Gagawin ko ang lahat ng ito upang magising na ang mahika ko. Hindi na akong pwedeng magpapetiks-petiks pa. Kailangan matuto na akong gumamit ng mahika sa lalong madaling panahon.
Nagsimula na akong mag-stretching at mag-warm up. Ilang minuto ang lumipas ay nag-umpisa na ako. Hindi ko maiwasan na mapalunok ng mariin habang pinagmamasdan ang una kong gagawin. 50 push ups? Seryoso? Eh naalala ko nga noon na sa mga PE subjects ko ay hindi na lumagpas sa sampu rounds lang ang kaya kong i-push up. Bahala na si Batman, gagawin ko na lang kahit na mahihirapan ako.
Nakasalalay dito sa training na ito ang reputasyon ko. Ayaw kong dumating ang susunod namin na Magic Assessment Test o anu mang activity na related sa paggamit ng mahika ay wala pa rin akong alam. Hindi ko na hahayaan pa na mapahiya ako. Ayaw ko nang mapahiya ulit kaya fight, fight, fight lang.
Matapos ang ilang push-ups ay iba't-ibang pang physical training excersises ang pinagawa sa akin ni Professor Yuki. Lingid sa akin kaalaman na nasa loob pala ng training room si Grace. Hindi ko alam kung anong purpose niya kung bakit siya narito. Nandito ba siya para panoorin ang paghihirap ko?
"Mr. Mondragon, isinama ko si Miss Natividad para i-heal ang mga muscles mo. Hindi ka pwedeng magkaroon ng muscle fatigue dahil baka hindi ka makapasok. Simula ngayon hanggang sa kadulu-duluhan ng training regime mo ay nandito siya upang suportahan ka." wika ni Professor Yuki.
Napatango ako sa sinabi niya. Napangiti ako kahit papaano kasi kahit na sumasabak ako sa training ay hindi naman ako makakaramdam ng anumang pagtitiis pagkatapos nito. Edi may instant healer pala akong kasama. Ayos 'yan, laking pakinabang talaga ng babaeng ito. Hindi ako nagsisisi na hindi siya i-entertain. Nahuhulaan kong marami siyang magiging benefits sa akin. Kaya mas pag-iigihan ko pa ang pagsisinungalin at pag-arte ko sa harap niya.
"A-ano Zie, asahan mo na simula ngayon at sa mga susunod mong mga trainings ay nandoon ako upang i-heal ang katawan mo. K-kahit sa ganitong paraan ay makatulong ako sa'yo. G-gagawin ko ang makakaya ko upang matulungan ka." nauutal at nahihiyang sabi niya.
"Maraming salamat Grace, ang dami ko na pa lang utang sa'yo. Hayaan mo, makakabawi rin ako sa'yo sa mga susunod." nakangiti at pa-inosenteng sagot ko sa kanya.
Ilang sandali pa ay nag-cast na si Grace ng isang spell kung saan na-heal na niya ang mga stressed at overused muscles ko dahil sa Physical Training Regime na ginawa ko. Hindi ko namalayan na alas-otso na pala ng gabi. Hindi pa pala ako nakakakain.
"Physical Training Regime pa rin tayo bukas Mr. Mondragon. 5:00 PM sharp, huwag kang ma-lalate. Sige, pwede na kayong kumain sa cafeteria o pumunta sa mga respective dorms niyo." pagpapaalam ni Professor Yuki.
Nagpasalamat ako at sabay na kaming lumabas ni Grace ng training room.
Ilang araw ang lumipas at nagpatuloy ang aking Physical Training Regime, every other day ay mas lalong humihirap ang regime ko. Kung nung nakaraan ay simpleng push-ups lang, ngayon ay nakaupo na si Grace sa aking likod na nagpadagdag pa ng bigat ng aking katawan. Kinakailangan ko raw gawin 'yun para hindi pa rin mabigla ang katawan ko, once na nagising na ang mahika ko.
Sa tatlong araw ng aking physical training regime ay hindi naman namin nagpag-uusapan kung kailan ako magtatagal sa regime na ito. Walang exact date na ibinigay sa akin si Professor Yuki kung kailan niya ako tuturuan gisingin ang mahika ko. The only thing that I can do now is to wait. Ayaw ko naman na magmagaling at hihintayin ko ang go-signal niya.
Hindi pa rin nagsisipasukan ang iba kong subject teachers kaya tanging si Professor Yuki ang nag-lelecture sa amin. Huwebes na ng gabi ngayon at hindi ko pa rin nagagawang tignan ang mga nakuha kong pictures sa librong nakita ko sa library. Kadalasan kasi, kahit na na-heal na ni Grace ang aking overused muscles ay pakiramdam ko ay pagod pa rin ako. Kaya ang ending ay maaga akong nakakatulog.
Hindi na rin ako nakapagtanong ng tungkol sa Royal Family sa matanda este sa Lolo ko. Bukod sa wala akong oras na magbukas ng phone ay wala kong busy rin siya dahil hindi niya ako tinawagan nitong mga nakaraang araw.
Ginalugad ko ang aking bag para makapagsulat na ng aking assignment sa notebook nang marinig kong may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Agad ko naman na nilabas ito ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Ki.
"Zie! Good news! May nagbigay sa akin nito kanina." nakangiting sabi niya at ipinakita sa akin ang librong hawak niya.
Halos bumagsak ang panga ko sa sahig nang mabasa ko ang title ng librong hawak niya. Iyon lang naman ang librong siniksik ko sa mga Geography books nung martes. Ano kayang ginawang magic tricks ng lalaking 'to upang mahanap ang librong 'yan. Mariin akong lumunok at nagkunyaring nagulat ang reaksyon dahil sa nabasa kong title.
"Saan mo nahanap 'yan?" patay malisya kong tanong.
Dali-dali siyang pumasok sa aking kwarto at umupo sa kama. Napataas ang aking kilay na para bang feel at home siya sa kwarto ko. Kidding aside, mabilis ko siyang hinarap at nagkunyaring nagtataka kung saan niya nakuha ang librong 'yan.
"Ako pa ba? Hindi mo ata alam na may secret technique ako. May nilambing lang naman akong isang student assistant doon sa library ay siya mismo ang naghanap nito para sa akin. Ang galing ko 'di ba?"
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Ano pa bang aasahan ko? Itong may mga ganitong personality ang nababasa ko sa w*****d. Huhulaan ko ang past ng lalaking nasa harap ko ngayon. Nakaya siya naging playboy s***h casanova s***h womanizer kuno dahil bunga broken family tapos nakikita niya ang tatay niya na may iba't-ibang babae kinakasama o kinakama. Kaya nakagisnan na niya ito at hindi siya marunong magmahal dahil iniwan siya ng kanyang mama. Galit siya sa mga babae dahil na-generalize na niya ang mga ito na mga mangloloko lang.
Ilang beses na akong nakabasa ng ganyang stories sa w*****d kaya minsan nasusuka ako sa mga ganitong tao. Bumalik ako sa realidad ng pumitik ang kanyang mga daliri sa aking mukha.
"Ayos ka lang ba? Ang lalim ng iniisip mo ah. Pumunta ako dito para i-share 'tong document na 'to. Hindi ko pa 'to binubuksan kaya maski ako ay kinakabahan sa mababasa natin. Sana may impormasyon dito na tungkol sa pagkakawatak ng bansang Silkwood noon." nakangising wika ni Ki nang ilapag niya sa ibabaw ng kama ang librong hawak niya.
Napalunok ako ng mariin. Maski ako ay kinakabahan sa laman ng librong 'yan. Wala akong kaide-ideya kung anong mga nakasulat sa mga pahina nyan kaya clueless pa rin ako. Meron kasing something sa utak ko na nag-uurge sa akin na alamin ang lamang ng libro. Para bang may parte ng sistema ko na na-curious na alamin ang Royal Family ng bansang Silkwood.
Ilang sandali pa ay isa-isa naming binasa ang bawat pahina. Si Ki ay parang normal lang sa kanya ang nababasa niya pero para sa akin ay hindi. Nagpapawis ng malamig ang mga kamay ko sa bawat impormasyon na nababasa ko. Halos bawat linya, mga litrato at iba't-ibang pangyayari ay nakatatak sa isipan ko. Pakiramdam ko lalabas na sa lalamunan ang puso ko. Kulang na lang ay ibato ko sa pader ito lalo na nang mabasa ko ang apelido na dinadala ng Royal Family.
Ang apelido na Louisenbarnn. Ang apelido ng kasalukuyang Presidente ng bansang ito. Ang apelido sa aking biological name sa mundong ito.
"I think it's better not to show this in the class. Magpalusot na lang tayo na wala tayong nahanap na dokumento na nagpapatunay sa kaugnayan ng Royal Family sa pagkakawatak ng bansang Silkwood noon." pormal na wika sa akin ni Ki.
Tumagilid ang ulo ko "Bakit naman, ito na ang assignment natin. Hindi naman pwedeng bumagsak tayo bukas." nagkukunyaring pagdadahilan ko.
Kahit ako, iyon ang gusto kong sabihin sa kanya. Ayaw ko nang lumabas ang impormasyon o kumalat pa ito sa loob ng klase. Ayaw ko nang mabunyag pa ang pagkakaugnay ng aking pamilya sa mundong ito sa tunay na pagkakawatak-watak ng bansang Silkwood. Sigurado akong kakamuhian nila ang buong angkan ng Royal Family sa mababasa nila sa librong ito.
"Look, hindi man halata sa akin pero isa akong supporter ng incumbent na Pangulo ng bansa natin ngayon. Ano na lang ang iisipin ng mga kaklase natin sa kanya? Lalo na't isa siyang miyembro ng Royal Family. Nakakahiya kumalat pa ang lihim na impormasyon na nabasa natin ngayon." dagdag pa ni Ki.
Kitang-kita ko sa kanyang mata ang determinasyon na itago ang impormasyon na 'to sa nakararami. Mabuti na lang at ako ang napagsabihan niya lalo na't sa una pa lang ay wala akong balak pang ikalat ang nabasa ko sa librong 'to. Ayaw kong mabahiran ng masamang imahe ang matandang este ang Lolo ko na mukhang ginagawa naman ang kanyang makakaya upang pamunuan ang bansang ito.
"Paano na 'yan? Wala tayong grade bukas? Ayaw ko naman na bumagsak ako sa unang assignment natin. Bagsak na nga ako sa Magic Assessment Test natin, pati ba naman sa simpleng assignment lang ay babagsak at wala pa akong gawa." nagkukunyaring pagsalungat ko sa kanyang sinaad.
"Kahit na, sana makinig sa sinabi ko. Sana pag-isipan mo, malaking iskandalo ito kapag kumalat ang mga impormasyon na nasa librong ito. Kaya pala masyadong sensitibo ang topic na 'to. Ano na lang ang mukhang ihaharap ng ating Presidente kapag lumipad na ang mga nakasulat dito. Nakakahiya at nakakakonsensya. Lahat ng nabasa natin ngayon ay sa ating dalawa lang." seryosong wika niya na tila ba ay inuutusan akong makinig sa kanya.
Sinasabi ko na nga ba at mapapakinabangan ko rin ang lalaking ito. Hindi ko lang inaasahan ang pagiging kritikal niya. Kaya hindi ko maiwasan na kabahan, pakiramdam ko siya ang makakahuli sa akin. Hindi man siya magaling sa akademika pero matulis ang isip niya. Ngayon ko na-realize na dapat akong mag-ingat sa mga sasabihin ko sa kanya. He has a sharp mind.
Kinabukasan ay pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin. Biyernes na at mag-iisang linggo na pala ako sa mundong ito. Nakatapos na ako ng isang buong school week na wala man lang kaalam-alam sa paggamit ng mahika. Ngayon ko lang din napansin ang kagandahan ng kulay ng mga mata ko.
"Totoo nga ang sinabi ni Grace, katulad ng naka-display na bato sa tapat ng Academu ang kulay ng mga mata ko. Kakulay nito ang sinasabi niyang Bloodstone."
Para akong tumitingin sa mga orbs. Kulay light pink ang iris sa itaas na bahagi habang kulay light blue naman sa ilalim. Para namang abstract painting ang itsura nila sa gitna dahil naghahalo ang kulay nila. Ayon sa aking research ay ang kondisyon ng aking mata ay tinatawag na segmental heterochroma. Ibig sabihin, may dalawang kulay ng iris sa iisang cornea. Napaka-rare ng ganitong eye condition. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakakakita na ang kaliwang mata ko.
Napaisip ako, kamusta na kaya ang buhay ko sa Pilipinas? Mag-iisang linggo na akong hindi pumapasok sa aking klase pati na rin sa part-time job ko sa isang fast food chain. Hindi na rin ako naka-attend sa dubbing at recording sessions ng mga Anime at KDrama na i-tatagalog dub. Hindi na rin ako makanood ng mga music videos ni Snakelor Swish.
Hindi na rin ako nakapasok sa Japanese subject ko na talagang nami-miss ko. Namimiss ko nang suotin ang white uniform ko na pang medical field ang dating. Namimiss ko na ang mga libro ko tungkol sa Psychology. Namimiss ko na rin ang magbasa ng mga cliche fantasy stories sa w*****d. Namimiss ko nang magbasa ng mga favorite kong Academy Series ng author sa w*****d na si Bluewee.
Lahat ng 'yan ay wala sa mundong 'to. Para bang iniwan ko doon ang kalahati ng pagkatao ko. Hindi ko nga alam kung paano ako nakakatulog ng hindi man lang nakakapakinig ng mga Anime at JPop songs.
"Sana bumilis na ang panahon. Sana lumipas na ang tatlong-taon. Gusto ko nang umuwi, gusto ko nang makauwi sa lugar na kinagisnan ko. Gusto ko nang mamuhay muli ng normal. Gusto ko nang-----" napahinto na lamang ako sa aking pagsasalita sa sarili ng marinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto.
Nandyan na pala si Ki, kailangan ko nang umalis.
- To be continued