Chapter 8

2149 Words
Chapter 8 Cheating Hands ZIE "Ang first topic natin ngayon semester para sa History subject na ito ay ang History of Silkwood." pagpapaliwanag ni Professor Yuki habang nagsusulat siya ng ilang notes sa glssbord n my white background sa harapan. Ayon sa aking na-research sa internet kagabi matapos kong basahin ang basics sa paggamit ng mahika ko. Mas nag-focus ako sa History at Geography para naman kahit papaano ay makabawi naman ako sa subjects na itinuturo ni Professor Yuki. Ito ang experties ko, mahilig ang magbasa ng mga history book at mahilig akong magkabisado ng geography ng isang bansa. Best in Araling Panlipunan ata ako noong nasa highschool pa ako. Matapos ang kahihiyan ko kahapon sa unang activity namin, nagdesisyon ako na kailangan kong mag-research man lang para hindi nila ako magpagkamalang bobito. Nilingon ko ang mga kaklase kong bilang lamang sa daliri. Hindi nanaman pinapasok ni Professor Yuki ang mga na-late kong mga kaklase. Nakatanga silang nasa labas na nag-aantay papasukin sila. First subject ito kaya naman gumising ako ng maaga. "Ang Silkwood ay isang mayamang bansa noon na pinamumunuan ng iisang pamilya. Isa lamang ang bansang ito sa pinaka-progresibo noon. Alam kong itinuro na sa inyo ito nung elementary at highschool kayo pero sana makinig kayo dahil magandang topic ito." Totoo ang sinabi ni Professor Yuki. Ayon sa nabasa ko sa wikipedia nila dito, tinatawag ang bansang ito na Silkwood. Hindi ko alam kung saang parte ng mundo nila nakuha ang pangalang 'yan pero halatang hindi 'yan English word. "Alam niyo ba ang ibig sabihin ng Silkwood?" Umiling ang mga kaklase ko. Maski ako ay napailing din dahil hindi ko alam ang ibig sabihin ng pangalan 'yan. Hindi ko pa siya na-encounter kahit kailan kay Merriam Dictionary at Oxford Dictionary kaya clueless ako. Hindi ko rin naisip kagabi na may ibig sabihin pala ang Silkwood na 'yan. "Ang Silkwood ay salitang makaluma ng bansang ito. Bago ipatupad ang lenggwaheng ginagamit natin ngayon, iba ang kanilang binibigkas na wika. Kaya ang ibig sabihin ng salitang Silkwood ay mahika." Basically, ang ibig sabihin ng salitang Silkwood ay mahika? Bigla akong na-curious kung anong language ang ginagamit nila noon. Hindi pala Tagalog ang una nilang salita. Parang sa Pilipinas lang din pala, karamihan kasi sa salitang Tagalog ay nanggaling sa wikang Espanyol. Spaniards colonized the Philippines for more than three centuries. Kaya na-adapt na ng mga dating Pilipino noon at nag-evolve na ang salitang Espanyol na ginamitan ng alpabetong Pilipino. "Sir Yuki may question po ako, ano po ba ang dahilan ng pgakakawatak-watak ng bansang Silkwood? Hindi po kasi na-discuss sa amin ito ng maayos nung highschool ako kaya medyo magulo pa po ang interpretasyon ko sa nangyari." Hindi naging sapat ang oras ko kagabi upang basahin ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang bansang Silkwood. Inabot na nga ako ng madaling araw kakabasa pero hindi ako umabot sa topic na 'yan. Mabuti na lang tinanong ng kaklase ko, atleast malalaman ko na 'yung hindi ko nabasang mga impormasyon sa wikipedia nila kagabi. "Good question Miss Deso, ang bansang Silkwood ay nahahati sa napakaraming probinsya. Halos kasing laki ng isang kontinente ang bansang Silkwood noon dahil marami ito nasakop na lugar noon. At ang kapitolyo ng bansang iyon ay ang Al de Baran. Ang lugar na kinatatayuan natin ngayon." huminto saglit si Professor Yuki at huminga ng malalim "Naitatag ang bansa natin ngayon na tinatawag na New Silkwood isang daang taon ang lumipas matapos magkawatak-watak ang buong Silkwood. Karamihan sa mga probinsya ay nag-alsa noon dahil sa pagbasak ng ekonomiya ng bansa." "Sir, sabi po kasi sa akin ng Mama ko noong bata pa ako hindi lang naman ang pagbagsak ng ekonomiya ang naging dahilan ng pagkakawatak-watak ng bansang Silkwood. May na-point out po siya noon na dahil ito sa royal family na namumuno sa buong Silkwood." saad naman ng isang kong kaklase sa kabilang gilid ng classroom. Nagtaka kaagad ako sa sinabi niya. Wala akong nabasa sa wikipedia na ang dahilan ng pagkakawatak ng bansang Silkwood ay dahil sa royal family na nagpapatakbo dito. Napailing ako, sila pa ba? Syempre royal family iyon, kung totoo man ang sinabi ng kaklase ko ay paniguradong itatago 'yan ng buong pamilya. Isang kayang kahihiyan sa isang royal family na kaya nag-aklas ang maraming mamamayan ng dahil sa kanila. "Thank you Miss Adroit, sa inyo ko lang sasabihin ito. Sana huwag na itong makalabas pa ang impormasyon na ito sa labas ng classroom na ito. Hindi ako sigurado sa memorya ko pero alam kong may nabasa akong libro sa library ng Academy noong nag-aaral pa ako ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak at nag-alsa ang bawat probinsya ng bansang Silkwood. May nabasa akong document na nagpaparatang sa royal family na sila ang dahilan nito." "So ibig sabihin Sir Yuki na may kinalaman talaga ang royal family sa nangyari noon?" segunda naman ng isa kong kaklase babae sa harap. Hindi pa ako nakaka-research tungkol sa royal family ng bansang Silkwood. Wala akong kaalam-alam kung sino ang miyembro ng pamilyang iyon. Wala akong kaide-ideya sa mga pangalan o pagkakakilanlan nila. Siguro mamaya pag-uwi ko sa dorm ay magbabasa ako tungkol sa kanila. Saka pwede naman akong magtanong sa matanda este sa Lolo ng tungkol dito. Malamang sa alamang ay may alam siya tungkol doon. Siya ang Presidente ng bansang ito kaya alam kong alam niya ang History nito. Na-sesense ko na marami siyang kwento tungkol sa nangyari sa bansang Silkwood noon. Sana lang at hindi siya busy at makausap ko siya ng matino mamaya. Lumunok ng mariin si Professor Yuki bago muling magsalita "It's your first assignment next meeting. Kailangan niyong humahap ng documents na magpapatunay sa sinabi ko. Hindi naman masamang pag-usapan ang royal family noon. As much as possible ay huwag nang ipakalat pa sa iba. Ayaw kong manggaling sa akin ang impormasyon. It's for you guys to figure it out. Naiintindihan niyo ba?" Huminga ako ng malalim "Hai, wakarimashita." mahinang sagot ko habang sinusulat sa aking notebook ang unang assignment na ipapagawa sa amin. Matapos ang History class namin kay Professor Yuki. Sinabi ng aming elected President ng klase na hindi raw muna makakapasok ang iba pa naming teachers sa ibang subjects dahil nasa bakasyon pa raw 'yung iba at busy raw. Hanggang dito ba naman may mga ganyang Professor? Akala ko sa Pilipinas ko lang ma-eencounter 'yun, hindi rin pinalampas ang mundong 'to. Imbes na mainis na lang ako ay kukunin ko na sana ang aking mga mahahalagang gamit para pumunta sa library upang maghanap documents para doon sa assignment namin sa History nang may kumalabit sa akin. Agad kong nilingon sa aking likuran. Maaliwalas ang kanyang mukha habang pupungay-pungay ang kanyang bilugan kulay gintong mga mata. Napalunok ako ng mariin, sobra akong nagagandahan sa kanyang mata. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakakita ako ng isang taong may kulay gintong mga mata. "A-ano Zie, pupunta ka rin ba sa library? P-pwede bang sumama ako sa'yo? M-maghahanap din kasi ang ng assignment natin sa History." nauutal at nahihiyang tanong sa akin ni Grace. Ngumuti ako bago magsalita "Ayos lang sige ba. Tulungan mo rin ako sa assignment natin kasi medyo mahina ako pagdating sa History." pagdadahilan ko. Kaya ko lang naman siya gusto isama papunta sa library ay para may kasama ako. Wala naman talaga akong balak na i-entertain ang babaeng ito. Pakiramdam ko kasi sa kanya matalino siya kaya alam kong may makukuha akong impormasyon sa kanya. Pwede akong magpakwento sa kanya ng History at magdahilan na nahihirapan akong aralin 'to nung highschool ako. Kapag marami akong natutunan edi mas maganda. Para naman makabawi ako kahit papaano makabawi ako sa klase ni Professor Yuki. Ngayon niya nga rin pala sasabihin ang una kong training regime. Hindi ko alam kung sinong magtuturo sa akin pero bahala na si batman mamaya. Inaya ako ni Ki na pumunta sa cafeteria ng Academy para kumain pero tumanggi ako kasi nga kailangan kong pumunta ng library. Ayaw ko kasing nasasayang ang oras, gagamitin ko na lang ang extrang time na 'to para makapag-research at makapagbasa-basa. Nang makalabas kami ni Grace ng classroom ay natanaw ko ang mga kaklase kong na-late at hindi na pinapasok ni Professor Yuki kanina. Gusto ko sana silang tawanan kaso naalala ko na ako pala ang tatawanan nila sa nangyari kahapon. "D-dito na pala ang library Zie. Pasok na 'tayo." Nanlalaki ang mata kong pinagmamasdan ang library. Second day pa lang ng klase kaya bilang lang sa daliri ang mga estudyante lalo na't maaga pa. Hindi ito 'yung tipikal na library na nababasa ko sa mga cliche fantasy stories sa w*****d na may pang magically or wizardry. Ito 'yung normal na library na makikita sa mga elite universities sa Pilipinas. Well-ventilated at may mga study tables sa gitna, sa mga gilid ay may mga cubicles kung gusto mong mag-aral mag-isa. May isa pang parte kung saan pwede kang mag computer. Maraming bookshelves sa pinakadulong bahagi. Siguro may mga normal din na libro dito. Humanap muna si Grace ng mauupuan namin at ako naman ay pumunta sa Geography section para manghiram ng libro. Habang nag-iiscan ako ng mga posible kong hiramin para makapag-advance reading sa Geography subject namin ng may mahagip ang mata ko na isang libro na para bang siningit lang sa gitna ng makakapal na libro. Hindi naman ito gaano kanipis kaya nakuha nito ang atensyon ko. Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang salitang naka-imprenta sa pabalat ng libro. "The Silkwoodian Royal Family..." mahinang pagbabasa ko. Bakit may nakasingit na ganitong libro sa Geography section ng library? Napaisip ako, hindi kaya may nakakita rin ng librong ito at siguro mukhang muntikan siyang mahuli na binabasa niya ito kaya kung saan na niya lang siningit ito. Huminga ako ng malalim at itinaob ang harap ng libro sa akin tiyan. Dahan-dahan akong luminga-linga sa paligid kung may mga camera bang nakasabit sa taas. Nang mapansin kong wala ay palihim kong kinuha ang aking phone at kinuhaan ng pictures ang mga pahina nito. Mabilisan lang at hindi ko nang nagawa pang basahin, basta ang nasa isip ko ay ang makuhaan ko ng pictures ang bawat pahina ng librong ito. Mukhang restricted at bawal ipahiram ang librong 'to kaya siguro singit sa isang lugar na hindi mapapansin. Napahinto na lamang ako sa papipicture ng matanaw ko sa hindi kalayuan ang isang estudyante na mukhang student assistant na rumuronda sa bawat shelves ng library. Wala pa ako sa kalahati ng aking pagpipicture nang agad kong isingit sa mga Geography books ang librong nakita ko. Nang makalapit sa akin ang student assistant ay nagkunyari akong naghahanap at patay malisya akong nakatingin sa libro. Hindi naman na siya nagsalita at umalis na rin. Humanap na rin ako ng Geography Book na pupwede kong hiramin. "Sino kaya ang naglagay ng librong 'yun dun. Talagang siningit pa dun kasi alam niya sigurong wala masyadong nagbabasa ng mga Geography book sa library na 'to." mahinang wika ko sa aking sarili habang naglalakad papalit doon sa study table kung saan naghihintay si Grace. May mga dala siyang libro na hindi ko alam kung patungkol saan pero habang nagsasalita siya ay hindi ko maiwasan na lumipad sa isipan ko. Gusto ko nang makauwi sa Dorm para makita ko 'yung mga na-picturan ko. Baka may makuha akong impormasyon doon para sa assigment namin. "Z-zie ayos ka lang ba?" nauutal at nahihiyang pagtatanong sa akin ni Grace. Ngumiti ako bago magsalita "Oo naman, pasensya na talaga. Medyo masakit lang ang ulo ko. Inaatake ata ako ng migraine ko." pagdadahilan at pagsisinungaling ko. Ang totoo ay hindi ko nang magawang may pay attention pa sa mga sinasabi at kinukwento niya. Wala rin na-aabsorb na impormasyon ang utak ko sa mga pinagsasabi niya. Para bang sarado ang isip ko at nakatuon ang buo kong atensyon doon sa librong nakita ko kanina. Para bang may nagsasabi sa akin na dapat ko nang mabasa ito kaagad. Wala akong balak sabihin sa kay Grace ang nakita ko kanina. Ako ang nakahanap ng librong 'yun. Bahala siya sa buhay niyang maghanap ng libro para sa assignment namin sa History subject. Ako ang nakakita doon kaya ako lang ang makakakuha ng sagot doon. Maghirap siyang mag-research, ako nga naghirap din maghanap. "I-itong mga librong 'to ay mga fundamentals kung paano gumamit ng magic. H-hiniram ko 'to para ibigay sa'yo. B-baka sakaling makatulong ito. P-pasensya na, hanggang dito lang ang kaya kong itulong sa'yo." nauutal at nahihiyang wika ni Grace habang iniabot sa akin ang iba't-ibang klase ng libro. Wala sana akong balak tanggapin dahil may mga ganyang librong binigay sa akin si Professor Yuki kaya hindi ko na kailangan niyan. Pero dahil ayaw kong malaman niya ang tunay kong kulay ay nakangiti akong tinanggap 'to. Hindi muna ngayon, magagamit pa kita Grace sa mga susunod na gagawin ko. Hahayaan kitang umikot sa mga palad ko. Nasa kalagitnaan ng pagkukuwento si Grace habang patuloy akong nag-dedaydream na makauwi na sa Dorm dahil wala namang klase ngayong morning class nang maramdaman kong mag-vibrate ang phone ko. Kaagad kong binuksan iyon at nakita ko ang picture ni Professor Kayabashi sa screen. Professor Yuki Please come to the faculty office. I'll give the schedule of your training regime. - To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD