Chapter 7
Mind Invade
ZIE
Name: Mondragon, Zirconium Zeitgeber Azarcon
Affinity: Mind Invasion Magic
Class: 1-A
Adviser: Kabayashi, Yukito
Magic Assessment Test Results and Interpretations
Physical Power Test - 1.13/10.00 (Failed)
Defense Power Test - 1.08/10.00 (Failed)
Agility Power Test - 1.20/10.00 (Failed)
Ability Power Test - 0.00/10.00 (Unidentified)
Intelligence Power Test - 9.01/10.00 (Passed)
Spell Power Test - 0.00/10.00 (Failed)
Remarks: See me to the Faculty Office after the class, Mr. Mondragon.
Signed by: Professor Yukito Kabayashi
Mabilis kong nilukot ang puting bond paper at agad na itinapon sa trash bin sa gilid ng aking study table. Samut-saring reaksyon ang inabot ko kanina habang nag-iinterpret si Professor Yukito ng aming assessment test results. Aba! Hindi ko naman inaasahan na hindi pala madali ang lahat lalo na't hindi ko ito ginamitan ng mahika.
Nagulat ang lahat kung bakit hindi man lang ako makagawa ng simpleng mahika. Kumalat sa loob ng training room na iyon ang katotohanan na hindi ako nakakagamit ng mahika. Halos manlumo ako nang pagtawanan ako ng mga kaklase ko, lalo na 'yung mga pa-importanteng na-late kanina. Nasermonan pa ako ni Professor Yukito kanina nang pumunta ako sa Faculty Office nila kanina.
Bigla kong naalala ang pinag-usapan namin kanina.
"Hindi mo ba alam na malaking kahihiyan ang ginawa mo kanina, Mr. Mondragon." seryosong wika niya sa akin nang ipasok niya ako sa isang secured room ng faculty office ng mga Professor ng Academy.
Umismid ako "Hindi niyo na kailangan sabihin pa sa akin 'yan Professor Kabayashi. Hindi mo alam ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon." sarkastikong sagot ko.
Kampanteng-kampante pa ako kanina na makakapasa ako kahit na hindi ko ginamit ang mahika ko. Iyon para torture lang ang mararanasan ko. Maraming nagtanong kung bakit hindi ako nakakagamit ng mahika. Maraming nagkalatang nagtatanong ng kapabilidad ko at bakit ako nakapasok sa section na iyon. Hintayin niyo lang, babawian ko kayong lahat. Makita ko lang kayo sa Pilipinas talagang malilintikan kayo sa akin. Itaga niyo 'yan sa bato.
Lahat ng kahihiyan na naranasan ko ngayon araw na ito ay panghabang-buhay nang nakatatakat sa alaala ng mga hunghang kong mga kaklase. Hindi ko maiwasan na matawa sa ginawa ko, sana pala sinunod ko na lang ang payo ng right hemisphere ng utak ko na tumakas na lang. Masyado kasi ang akong nag-ambisyon na magiging okay lang lahat. Nakakainis talagang mag-assume.
"May gusto akong sabihin sa'yo." dagdag pa ni Professor Yuki.
Huminga ako ng malalim bago magsalita "Na magkakaroon na kayo ng expulsion? Okay lang, as if naman na ginusto kong mag-aral sa Academy na 'to." pambabara ko sa sinabi niya.
Mariin siyang lumunok "Alam ko ang lahat ng tungkol sa'yo. Sa akin ka ibinilin ni President Alastor Meletes Louisenbarnn. Alam kong ikaw ang nawawala niyang Apo."
Nagtagis ang panga ko "Anong sinasabi niyo? Wala akong anumang relasyon sa Presidente ng bansang ito. Wala akong alam sa sinasabi niyo. Baka nagkakamali lang kayo." pagdadahilan ko.
Paano naman niya nalaman iyon? Ipinagbilin ko sa matandang este sa Lolo ko na huwag ipaalam na ako ang kanyang Apo kaya ang mga papeles dokumento at papeles ko na ipinasa niya rito ay fraud lamang. Pina-falcify ko ang aking identity. Gusto ko pa rin manatili sa kinagisnan pangalan ko. Liban sa mga basic na pinalitan na impormasyon, pinalitan kung saan ako pinanganak, sinong mga magulang ko, etcetera. Kaya kinakabahan akong may alam siya tungkol sa akin.
Kailangan ko munang makasiguro bago magsalita. Mahirap na at baka hinuhuli lang niya ako.
Umiling siya "Huwag kang mag-alala. Ipinaalam sa akin ng iyong Lolo ang nangyari. Kaya ka sa section ko inilagay dahil mas mapoprotektahan ko ang iyong tunay na pagkakakilanlan. Sinabi niya sa akin na ayaw mong mamuhay sa mundong ito na dala ang kanyang apelido. Dinagdag niya pa na hindi mo pa rin natutuklasan ang iyong mahika at wala kang kaalam-alam kung paano gamitin ito."
Huminga ako ng malalim "Eh iyon naman pala eh, bakit hinayaan mo pa akong mapahiya sa harap ng mga kaklase ko kanina? Umaabot kaya sa punto na pati ang sistema ng Academy nito ay tinatanong nila. Paano raw nakapasok sa pinakamataas na section ang isang estudyante na hindi man lang marunong gumamit ng mahika." pagpapaliwanag ko.
Nagulat ako sa pagngisi ni Professor Yuki. Hindi ko alam kung bakit niya ako ningingisian ng ganyan. Totoo naman, naiinis ako sa kanya na alam na niya pala ang lahat at hinayaan lang niya na mapahiya ako sa mga kaklase ko. Saka hinihintay na nila ang expulsion ko sa section na iyon. Mga hambog ang mga hayop na 'yun. Hintayin lang talaga nilang matuto ako. Humanda sa akin ang mga hunghang na 'yan. Nakatatak sa memorya ko ang mukha ng mga damuho kong mga kaklase na nan-degrade ng pagkatao ko.
"You can rewrite their memories. That's how dangerous your magic. You can control and invade their mind." prenteng saad ni Professor Yuki.
Napaisip ako, ngayon ko lang na-realize ang sinabi ni Grace na kaya kong kontrolin at pasukin ang pag-iisip ng isang tao. Technically, mental state ang inaatake ng mahikang taglay ko. Hindi talaga ito mag-sstand out sa mga kaklase ko na may eyesore na mahika. Katulad na lamang ni Ki na ang mahikang taglay ay ang Grand Duelist Magic, he can transform into different kind of armor with weapons. Habang si Grace ay Holy Light Magic, she can support and buff her allies. And my innate magic, Mind Invasion where I can control and invade their minds.
Para bang sinadya talaga ni Professor Yuki gawin ang activity na iyon para bumagsak ako at masuntok ang aking isipan nang may ma-realize ako kahit papaano. Para bang na-foresee na niya na ito ang mangyayari kaya expected na niyang kakausapin niya ako at pinapaliwanagan kung ano talaga ang kakayahan ko.
"You know, you can judge a person by their mistakes. So basically, hindi pa ito nagtatapos ang maliligayang araw mo sa section natin. Pwede ko naman na sabihin sa kanila na binigyan pa kita ng isang pagkakataon at sa susunod na Magic Assessment Test, kapag wala ka pa rin improvement ay tutuluyan kita." seryosong wika ni Professor Yuki.
Tinaasan ko siya ng kilay "Pinagbabantaan niyo ba ako?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Tumawa siya ng mahina "I will discuss to you tomorrow your basic and fundamental training regime. Have these books by now, it can help you to use your magic." dagdag na niya at inabot sa akin ng isang bag na naglalaman ng ilang pirasong libro.
Mabilis kong inilabas sa bag na ibinigay sa akin ni Professor Yuki na naglalaman ng basics at fundamentals ng paggamit ng mahika. Ang ang natuon kaagad ang aking atensyon sa isang libro na may pamagat "World Magic" isang manipis na libro na animo'y isang pahina lang at tanging balat lang ang nagpapakapal. Binuksan ko ito at nagulat ako sa aking nakita, ipinapadikit sa unang pahina ang aking thumb. Mukhang kukunin nito ang aking fingerprint. Kahit na mukhang luma ang libro ay hightech naman sa loob.
Agad na nai-scan ng papel ang aking fingerprint at napanganga na lang ako sa mga sumunod na nangyari. Dahan-dahan na nagkaroon ng iba pang pahina sa unang pahina kung saan ako naglagay ng fingerprint. Bahagyang kumapal ito at nagkaroon ng sulat sa ibaba na ilipat ko sa susunod na pahina.
Name: Louisenbarnn, Zirconium Zeitgeber Douchet
Affinity: Mind Invasion
Natawa ako nang mabasa ko na iba ang apelido kong nakasulat doon sa libro. Hindi ako sanay na gamitin ang apelido na 'yan at hindi ko 'yan gagamitin dahil ayaw kong malaman nila na related ako sa Presidente ng bansang ito. Gusto ko sanang mag-research sa internet tungkol sa aking family ancestry dahil medyo na-cucurious ako kahit papaano pero kailangan ko munang pag-aralan ang basics ng paggamit ng mahika.
Bumaba ang tingin ko sa mga nakasulat doon at nagsimulang magbasa.
"Ang Mind Invasion Magic, ay isang mahika na maaaring kontrolin at pasukin ang pag-iisip ng isang tao. Isa itong long-ranged type magic, ibig sabihin ang mga spell na nasa mahikang ito ay pang malayuan." mahinang pagbabasa ko sa nakalagay na description na nakalathala sa pinakataas na bahagi ng pahina.
Ibinaba ko ang tingin ko ay binasa ang mga susunod na kataga "Ang taong nagtataglay ng mahikang ito, maaari niyang ikulong ang isang tao sa ilusyon ng kanilang pinakapinapahalagahang memorya. Maaari rin niyang pasukin ang pinakamadilim na bahagi ng pag-iisip ng isang tao."
"Ang Mind Invasion Magic ay isang Hybrid Type na mahika, ibig sabihin ang mahikang ito ay bunga ng dalawang pinagsamang mahika. Ang Mind Magic at Invasion Magic na may kani-kanilang iba't-ibang epekto. Ang Mind Magic ay maaaring kontrolin ang pag-iisip ng isang tao at ang Invasion Magic ay maaaaring pasukin ang katawan ng isang tao."
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sudden jolt sa likod ko nang mabasa ko ang nilalaman ng pahinang ito. Hindi pumasok sa isipan ko na ang mahikang taglay ko sa mundong ito ay bunga pala ng dalawang mahika na pinagsama. Pakiramdam ko ang unique at ang astig nito. Para bang napaka-special ng mahikang taglay ko. Ewan ko ba sa sarili ko at nakakaramdam ako ng excitement at curiosity sa kapangyarihan ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang paniwalaan.
Nilipat ko sa susunod na pahina ang libro upang magpatuloy sa aking pagbabasa.
"Ang long-ranged magic na tulad ng Mind Invasion ay may kahirapan gamitin ngunit iisa lamang ang paraan para magamit ito ng maayos. May tatlong steps ito. Unang-una, itapat mo ang iyong daliring pinagdikit na hintuturo at hinlalaki dahil dito lalabas ang iyong mahika patungo sa iyong target. Pangalawa, banggitin mo ang spell na iyong gagamitin. Pangatlo, ipadaloy mo ang iyong mahikang taglay papunta sa dulo ng iyong mga daliri at panghuli, hangga't hindi pa umaabot sa target ang spell na nai-cast mo huwag na huwag mong puputulin ang tali nito."
Huwag na huwag puputuling ng tali ng ano? Anong tali ang tinutukoy nito? Hindi kaya ibig sabihin nito ay huwag kong puputulin ang daloy ng aking mahika sa aking daliri hangga't hindi pa dumadapo ang spell sa target? Paano ko naman ipapadaloy in the first place ang aking mahika? Hindi ba dapat iyon ang matutunan ko muna bago ito?
Biglang pumasok sa isip ko ang lintanya ng Anime Character na na-tagalog dub ko noon. Sabi ng bidang character doon.
"Ang mahikang taglay ng isang tao ay nasa loob ng katawan nito. Mag-focus at mag-concentrate upang magamit mo ito dahil ang mahika ay napapagana ng ating imahinasyon."
Ngayon ay susubukan ko na lang kung mag-wowork ito. All I can do for now is to try any possible solutions. Wala namang masama kung gagamitin ko ang aking imahinasyon upang magamit ko ang aking mahika. Alam kong maaari ko pang gamitin ito sa the rest ng aking training regime na binaggit ni Professor Yuki.
Mabilis kong nilipat sa susunod na pahina ang lumang libro.
"Ang Mind Invasion Magic ay nahahati sa dalawang parte. Una isa itong Disarming Magic, maaari pahintuin ng may gamit nito ang isipan ng isang tao. Indikasyon na isang Disarming Magic ang isang spell ng Mind Invasion Magic kapag kulay light pink ang lumabas sa dulo ng mga daliri mo. Habang ang Damaging Magic naman ang isa pang parte, kung saan ang iyong gagamitin spells ay may magic damage sa kanila. Ang palatandaan nito ay kapag kulay light blue ang spell na lumabas sa iyong mga daliri."
Kamamabilib naman pala itong mahikang taglay. Napa-unique at napaka-unusual kasi wala pa akong nababasa sa mga cliche fantasy stories sa w*****d na kayang kontrolin at pasukin ang isipan ng isang tao. Karamihan kasi doon puro Mind Reading Magic lang ang alam. Puro nababasa ko laman ng isip mo. 'Yan ang tagline ng mga character na may ganitong mahika. And they leave it there, hindi na sila mag-eexplore pa ng kung anong kaya ng isang estudyanteng 'yun.
Well, hindi ko kailangan na i-compare ang sarili ko sa kanila dahil mga fictional characters lang ang mga 'yun. Ilang sandali pa ay inilipat ko na sa susunod na pahina kung saan lumabas ang iba't-ibang spells na kayang gawin ng isang taong nagtataglay ng Mind Invasion.
Nakakatuwa! May mga formal, concrete at step by step informations doon upang magamit ang spell na iyon. Saka nakakabilib kasi may mga defintions, descriptions, effects at kung anu-ano pa ang bawat spell at iyon ang nagpakapal sa librong binabasa ko. Masyado akong na-eexcite na matutunan ang lahat ng spells na ito. Para man lang may maipamukha ako sa mga kaklase kong nag-degrade ng reputasyon ko.
Naglolook-forward talaga ako sa training regime na ibibigay sa akin ni Professor Yuki. Gonna give my all. Hindi ko sasayangin ang biyayang binigay sa akin.Mag-aaral ako, pag-aaralan ko ng maigi at masinsinan ang mahika ko. Ako lang ang may ganitong taglay na mahika sa mundong 'to kaya dapat ipakita ko na deserving kong makuha ito.
Napahinto ako sa pagbabasa nang marinig kong mag-ring ang bagong phone na ibinigay sa akin ng isang tauhan ng matanda estes ni Lolo bago ako pumasok sa dormitory sa likod ng Academy. Hindi ko matitiis na mag-stay kasama ang Lolo ko sa iisang bubong. Sanay akong mag-isa kaya alam kong maiirita lang ako kapag may nag-aasikaso sa akin. I'm independent, wild and free.
"Speaking of the devil..." mahinang wika ko sa aking sarili nang makita ang phone number at ang naka-attached na picture sa screen ng aking phone.
Bumuntong hininga na lamang ako at sinagot ang Lolo ko na nasa kabilang linya.
- To be continued