Chapter 6

2181 Words
Chapter 6 Gentle Hope ZIE "Lagi niyong tatandaan na laging nasa bingit ng kamatayan ang bansa natin. Marami bansa na ang nagtangkang sumakop sa atin ngunit paano natin sila natalo? Dahil iyon sa pagkakaroon ng magandang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Isang sistema na ipinapatupad ng Academy na ito." seryosong wika ni Professor Yuki sa amin. Jusmiyo santisima trinidad! Tama ba ang naging desisyon ko? Tama ba na harapin ko ang problema ko ngayon? Iie, hindi na. Wala nang oras upang tumakas ako sa pagsubok na 'to. Bahala na kung mapahiya ako sa harapan ng mga kaklase ko. Sana lang kahit papaano ay kumalas na sa akin ang kamalasan ko. Sana huwag akong matawag dahil oobserbahan ko muna kung anong gagawin ng mga kaklase ko. "Lagi niyong isaisip ang motto ng Bloodstone Academy. Go beyond, surpass your limits." Go beyong? Surpass your limits? Paano ko naman gagawin iyon kung hindi ko man nga lang alam kung paano magpalabas ng anumang katiting na mahika sa kamay ko. Ang kaya ko lang ipalabas sa katawan ay ang puting likido na nanggagaling sa ulo ko sa ibaba, liban doon ay wala na. Nakaka-stress! Unang araw ko pa lang sa mundong ito kung anu-anong pangyayari na ang naranasan ko. Sa ngayon hindi ko pa maintidihan ang motto na iyan pero nangangako ako na balang araw ay malalaman ko rin ang tunay na ibig sabihin nyan. Mukha lamang siyang simple ngunit alam ko sa sarili ko na may malalim pang kahulugan 'yan. Napabalik na lamang ako sa realidad nang muling magsalita si Professor Yuki. "You will be called alphabetically." Para namang may lumabas na kung anong steam o usok sa katawan ko. Biglang nawala ang lahat ng kaba ko. Tumigil na rin ang panginginig ng malalamig kong palad. Salamat naman at naiwan ko na sa Pilipinas ang sumpa ng kamalasan. Salamat naman at hindi ako ang mauuna ngayon. Gagamitin ko ang oras na ito upang pag-aralan ng mabuti ang gagawin ng mga kaklase ko. Gagamitin ko ang nalalabing minuto upang makaisip ng strategy at tactics sa assessment test na ito. Naging mabilis na ang pangyayari, may isang remote control na hawak si Professor Yuki na naglabas ng anim na dummies umusok muna ang paligid na parang epekto ng controller na iyon. Iyong dummies na iyon ay kamukhang-kamukha niya at kasing katawan niya. Para bang mga clones niya. Naka-stationed niyo siguro ilang metro ang layo sa bawat ito. "Sa first station ay ang Physical Power Test. Ano mang Physical Attacks ang maaari niyong itira sa kanya ng isang beses. I-memeasure nito kung gaano kayo kalakas Physically. Maaari niyong i-enhance ang inyong physical attacks ng inyong taglay na mahika." pagpapaliwanag ni Professor Yuki. Nagtanguan naman ang mga kaklase ko na talagang mukhang naiintindihan nila ang ipinapaliwanag niya. Napalunok ako, physical attack naman iyon ah? Bakit kailangan pang i-enhance ng mahikang taglay. Hindi ba pwedeng normal na suntukan na lang? "Sa second station ay ang Defense Power Test. Aatakihin kayo ng dummy na iyon physically and magically. I-memeasure nito ang inyong physical at magic resistance. Maaari niyong gamitin ang inyong mahika to strengthen your defense." Bigla akong nakaramdam ng kung ano mang kuryente sa aking likod? A-ano? Aatakihin kami ng dummy na iyon physically at magically? Ano na lang ang gagawin ko? Nakaka-stress, saluhin ko na lang kaya o ipang depensa ko na lang ang mga braso ko? Tutal wala rin naman akong magagawa dahil wala akong alam na kahit isang spell. "Sa third station ay ang Agility Power Test. May dalawang parte ito, una ang pag-atake niyo sa dummy physically or magically. I-memeasure nito kung paano kabilis ang inyong offensive speed. Ang panghuling parte ay ang aatakihin kayo physically or magically ng dummy. I-memeasure naman nito ang inyong defensive speed. Maaari niyong gamitin ang inyong mahika upang i-increase ang inyong speed limit." Hindi pa ako handang mamatay sa mundong ito. Gagawin ko na lang ang makakaya ko para makapasa sa assessment test na ito. Wala na akong pakialam kung mapahiya ako. Hindi ko hahayaan ang sarili ko na masaktan o tamaan ng mga atake ng mga dummy na iyon. "Sa fourth station ay ang Ability Power Test. Ito ang pinakasimple at ang pinakamadali para sa inyo. Hindi niyo na kailangan problemahin ito. Aatakihin niyo ang dummy na ito physically or magically. I-memeasure nito ang Mana o ang kakayahan ng inyong katawan na gumawa ng spells." Tama nga si Professor Yuki, ito lang ang pinakamadaling gawin. Hindi ko na kailangan pang pag-isipan ang test na ito. Kaya nakakapagtaka lang, kailangan din pala ng Mana upang makagawa ng spells. Akala ko sa laro ko lang na-eencounter iyon. Kasi sa laro ay hindi ka maaaring gumamit ng spell kapag ubos na ang Mana ng character doon. "Sa fifth station ay ang Intelligence Power Test. Sa dibdib ng dummy ay makikita niyo ang isang screen. Maglalabas iyong ng parehong tanong para sa inyong lahat. Ita-type niyo lang sa keyboard ang inyong sagot. Huwag kayong mag-alala simple lang iyon at alam kong kayang-kaya niyong sagutin. I-memeasure nito ang inyong Intelligence Quotient." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Professor Yuki. Excuse me? Hirap na hirap nga kaming gumawa ng IQ Test sa subject namin na Psychological Assessment kasi kinakailangan iyon ng matinding research. Saka paanong ma-memeasure ng isang simpleng tanong ang pangkalahatang IQ ng isang estudyante? Isang malaki at malakas na sampal ito sa mga Psychologist na nagpapakahirap gumawa ng IQ Test. I beg to disagree. Wala nga lang ako magawa. Gaano ba ka-modern ang bansang ito? Nakakabaliw na talaga. Buong akala ko ay hindi ako ma-cuculture shock dahil parang nasa Pilipinas din ako. Pareho ng wika, pag-uugali at iba pa. "Sa huling station ang inyong Spell Power Test. Ito ang pinakamatagal sa lahat. Kinakailangan niyong atakihin ang dummy gamit lamang ang inyong mga magic spells. Lahat ng alam niyong magic spell ng inyong mahika ay kinakailangan na magamit niyo sa kanya. Kinakailangan niyong i-surpass ang inyong limits. I-memeasure nito kung gaano na ba kalakas ang inyong taglay na mahika." Dito ako pinakakinabahan, ano na lang ang gagawin ko? Akala ko ay nawala na ang kaba ko nang marinig kong alphabetically ang pagtawag sa amin iyon pala may mas makakagulantang pa sa akin. Ito ang pinakamahirap. Dito ako panigurado sa test na ito babagsak. Nakakahiya! Hindi ko alam ang gagawin ko?! Hindi ko maintindihan kung bakit ako natataranta ng ganito! I used to be calm kahit na hindi umaayon sa akin ang sitwasyon kaso mukhang naiwan ko sa Pilipinas ang pag-uugaling iyon. Ngayon pa sa sitwasyon na ito. Hindi ko magawang pakalmahin ang katawan ko. Nagsimulang muling magbutil-butil ang aking aking namuong pawis sa noo ko. Muling nanginig ang malalamig kong kamay. Nangangatal ang labi ko at halos mangalos ang buong katawan ko. Nahihirapan akong huminga dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko. 'Yung puso ko ay pakiramdam kong lalabas na sa lalamunan ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. "The Magic Assessment Test Results will be interpreted later in the afternoon class. You will be given receipts by each dummy and it will show the outcome of assessment test." Hinding-hindi ko makakalimutan ang first day ng klase ko sa Academy na ito. Kawawa naman ang magiging reputasyon at impresyon sa akin mga kaklase ko. Bahala na, gagawin ko na lang ang makakaya ko. Hindi ko na kayang takasan pa ito. "The real show starts now." seryosong wika ni Professor Yuki. At dahil sampu lang kami ay isa-isa nang tinawag ang aking mga kaklase. Naka-cross fingers ako dahil alam kong malayo pa ang apelido ko. Maraming wala at may deduction ang pagiging late nila sa grade ng activity na ito. May anim na akong kaklaseng na nakaharap na sa bawat station. Hindi ko maiwasan na mapalunok ng mariin dahil sobrang kinakabahan ako. Pumikit ako at pinapakalma ang aking katawan nang may maramdaman akong mainit na palad na humawak sa magkabilang kamay ko at pinagdikit ito. "H-huwag kang mag-alala. Alam kong kaya mo 'yan, huwag kang kabahan." nauutal at nahihiyang wika ni Grace nang magmulat ako ng mata. Literal na umawang ang aking bibig sa kanyang ginawa. Hindi ko inaasahan na mapapansin niya ang sobrang kaba ko. Agad naman nag-akyatan sa aking mukha ang mga dugo ko nang mapansin kong nakatingin sa akin ang mga kaklase ko. Si Ki na ngingisi-ngisi sa aking likod habang si Professor Yuki ay takang tinititigan ako. Nahalata ba nilang lahat ang kaba ko? Nakakahiya! First time na nangyari ito sa buong buhay ko. Nang uminit na ang aking mga palad ay mabilis din na binitawan ito ni Grace. Sa hindi ko malaman na dahilan ay para bang bumalik sa dating sistema ang aking pag-iisip. Hindi ko na maramdaman ang kabog ng dibdib ko. Hindi na rin nangangalos ang katawan maski ang mga kamay ko ay hindi na nanginginig. Bumababa na rin sa aking lalamunan at bumalik sa kanyang pwesto ang aking puso. Anong maron kay Grace at napakalma niya ako ng ganito? "Ikaw ha... Nakakainis 'yang mukha mo. Pa-inosente kasi. Ako kanina pa ako nagpapapansin sa mga chicks natin kaklase hindi man lang ako binibigyan ng atensyon. Tapos ikaw itong may pahawak-hawak kamay pa. Kung ipakita ko rin kaya sa kanila na kinakabahan ako?" natatawang saad sa akin ni Ki. Tumawa na lang ako ng mahina. Hindi ko na nagawang magpasalamat sa kanya dahil bumalik na siya sa kaibigan niyang babae sa kabilang gilid. Salamat naman at kumalma na ang kaluluwa ko. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang mga kaklase ko. Tanging apat na lang ang kasalukuyang nakaupo sa sahig ng training room. Ako, si Ki, si Grace at ang kausap niyang babae. Tahimik ang pinagmamasdan ang ginagawa ng aking mga kaklase sa harap. Rotation ang sistema kaya magpapapalit-palit lang sila hanggang sa maka-ikot na sila sa lahat ng dummies. Hindi ko maiwasan na mamangha sa ginagawa nila. Iba't-ibang klase ng mahika ang napapanood ko sa harapan. Para bang nanonood ako ng Anime at American Movies dahil doon ko lang nakikitang ang magic. Hindi ko maiwasan na mapangiti kasi para bang nagkakatotoo 'yung mga mahika na nababasa ko sa mga cliche fantasy stories sa w*****d. Hindi ko mainintidihan ang aking sarili, bakit na-eexcite ako ng ganito? Pakiramdam ko ay kumukulo ang kalamnan ko. Kahit na medyo nakakatakot panoorin ang iba kong kaklase na seryosong-seryoso sa assessment test ay hindi ko magawang ibaling sa iba ang tingin at atensyon ko. Habang pinapanood ko sila, pumasok sa isip ko na gusto ko rin matutong gumamit ng mahika. "Ang galing talaga ng mahika no?" nakangiting tanong sa akin ni Ki. Tumango ako dahil maski ako ay naniniwala sa sinasabi niya. Para bang something na nag-uurge sa akin na dapat matuto na akong gumamit ng mahika. Para bang it's more fun using your own magic. Nakuha ko naman ang mechanics ng aming assessment test pero isang ideya ang pumasok sa utak ko. Naalala ko sa sinabi ni Professor Yuki, na hindi naman talaga required gumamit ng magic kahit na magic assessment test ito. Sa sariling pagkakaintindi ko sa sinabi niya, sa anim na test na gagawin isa lamang doon ang kailangan gamitan talaga ng mahika. Iyon ay ang Spell Power Test. The rest, maaari mo nang gawin physically or magically. Sinabi lang naman niya na maaaring gumamit ng spell upang i-improve ang gagawin pero hindi naman kailangan na gumamit talaga. Napangisi ako habang kinakagat-kagat ang dulo ng plastic stick ng lollipop sa bibig ko. Matalino si Professor Yuki at alam kong hindi na siya magugulat pero ang kalaban dito ay ang expulsion sa section na ito. Ang initial urge at mechanism ng mga kaklase ko ay gumamit ng mahika upang mataas ang makuha nilang marka sa assessment test. Matapos ang halos kalahating oras ng panonood ay natapos na rin ng anim kong kaklase ang Magic Assessment Test. Lahat sila ay naka-ikot sa bawat stationed dummies sa harap. Lahat sila ay mukhang pagod dahil mukhang nauubusan sila ng Mana. Ito pala ang side-effect ng kakulangan ng Mana sa katawan. Paano ba naman, para lang makapasa sa assessment test na ito ay all out nilang ipinakita ang mahika niya. "Go beyond, surpass your limits." Bigla kong naalala ang binaggit ni Professor Yuki na motto kanina. Ito siguro ang ibig sabihin nyan. Upang maipagtanggol ang sarili mong bansa at maging malakas sa salamangkero o Mage, kinakailangan mong lampasan ang iyong sariling limitasyon. At mukhang ginawa nilang lahat iyon. "Okay, the second batch will start within a second." Dahan-dahan kaming tumayong apat. Ningitian kami ng mga kaklase naming kakatapos lang sa assessment test na para bang sinasabi nila na "Magagawa niyo rin 'yan, kaya niyo 'yan! Kami nga kinaya namin? Kayo pa kaya?! Walang ma-eexpel sa section natin! Deserve natin ang bawat pwestong kinauupuan natin ngayon." "Mr. Mondragon, Miss Natividad, Miss Sommeroux and Mr. Valor are you ready for it?" seryosong wika ni Professor Yuki. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang nakaayos nang mga stationed dummy na damage na kamukha ni Professor Yuki. Napa-poker face ito katulad niya. Nag-streching lang ako upang maging malakas ang atake ko. Bahala na, wala akong gagamiting mahika dahil wala rin naman akong alam. Ipinapangako ko sa sarili ko na paglabas ko sa kwartong ito, gagawin ko ang makakaya ko upang matutong gumamit ng mahika. I will go beyond and I will surpass my own limits. - To be continued #BloodstoneAcademy #TheMindInvader Please follow me on Twitter: @chakeXCX Please like me on f*******:: Bluewee Stories Please check out my other stories here in w*****d: @bluewee
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD