Chapter 3

2194 Words
Chapter 3 Holy Light ZIE "Sugoi! Sugoi! Sugoi! Hindi ko inaasahan na ganito pala kaganda ang Bloodstone Academy na sinasabi sa akin ni Lolo." gulat at manghang-manghang wika ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang labas na entranda ng Academy. Labag man sa akin loob na tawagin ko ang matandang kausap ko kahapon ay hindi ko magawa. Isa rin sa mga kondisyon niya na tawagin ko siyang Lolo dahil siya naman daw talaga ang aking biological grandfather. Lolo my ass. Ayan tuloy kahit na wala siya sa paligid ay nasanay na akong tawagin siya ng Lolo ng ilang oras lang. Hindi ko inaasahan na ganito ka-moderno ang Bloodstone Academy. Labas pa lang makikitang para talaga isa itong Elite International University sa Pilipinas. Gawa sa makintab na bakal ang na parang isang rehas ang gate. Habang sa itaas naman nito ay isang metallic plate kung saan naka-engrave ang pangalan ng Academy. Hindi pa bukas ang pinakamalaking bahagi ng entrada dahil masyado pang maaga. Hindi ito katulad ng nababasa kong mga cliche fantasy stories sa w*****d na makikita ang mga ganito kagandang lugar sa gitna ng gubat. Ayon sa aking research at pag-iimbestiga kagabi, ang Academy na ito ay matatagpuan sa pinaka-gitnang bahagi ng Kapitolyo ng bansa. Napaka-moderno ng lugar, kanina habang hinahatid ako ng isa sa mga tauhan ng aking Lolo at nalibot ng aking mata ang syudad. Mas progresibo at mas moderno ito kaysa sa Kamaynilaan. Para bang nasa ibang bansa lang ako. Napahinto ako sa aking pagmamasid nang maramdaman kong may bumangga sa aking likod. Agad naman akong napalingon nang makita kong isang babae ito. Gusto ko sana siyang sitahin ng maunahan niya ako magsalita. "P-pasensya na! S-sorry! H-hindi ko sinasadyang mabangga ka..." nauutal at nahihiya niyang wika sa akin. Pinagmasdan ko ang kanyang itsura. Hindi siya ganun katangkaran at mas mababa siya sa mga tikipal na babaeng nakasalamuha ko. Ang kulay dark-blonde niyang buhok ay hanggang ibabaw lang ng kanyang balikat. Mayroon din siyang full bangs kaya hindi pansin ang kanyang noo. Manipis ang pang-ibabaw labi ngunit ang ilalaim nito ay may kakapalan. Mamula-mula rin ito gaya ng kanyang pisngi. Maliit at sakto lamang sa kanyang bilugang mukha at mga mata ang kanyang ilong. Ang mas nakapagpawindang sa akin ay kulay ng kanyang mata, kulay dark gold ito. Jusmiyo santisima trinidad. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kulay ng mga mata sa buong buhay ko. "K-kuya ayos lang po ba kayo? P-pasensya na po talaga sa nagawa ko." dagdag niya. Umubo ako ng kaunti upang ayusin ang tono ng aking boses "Hindi, ayos lang dito ka rin mag-aaral?" panimula kong tanong sa kanya. Isa sa mga technique ko upang maging matiwasay ang aking tatlong-taong pag-aaral sa Academy na ito. Kailangan kong mang-uto ng tao para na rin sa aking kinabukasan dito. Kailangan ko ng kakampi, kailangan ko ng mga taong mapapaikot ko sa aking palad. Hindi ko maiwasan na mapangisi, mukhang nakahanap na ako ng unang taong mabibiktima ko. Kahit na labag sa aking loob na kausapin ang babaeng ito ay gagawin ko, kailangan ko siyang kaibiganin. Ngumiti siya sa akin kung saan sumilay ang kanyang mga dimple sa magkabilang pisngi sa makabilang baba ng dulo ng kanyang mga labi "O-oo! K-kadarating ko pa lang sa Dorm kagabi. I-ito kasi ang pangarap sa akin nina Sister ang makapag-aral sa prestihiyosong paaralan na ito." nahihiya niya pa rin saad habang kinukutkot ang kanyang mga kuko. Tumawa ako ng mahina "Oo nga pala, ako nga pala si Zie. Sorry kung hindi ako nakapag-pakilala kaagad." pa-inosenteng wika ko at saka inilahad sa kanyang harap ang aking kanang kamay. Sumilay ang animo'y maliwanag sa enerhiya sa kanyang mukha na para bang ngayon lang may gustong makipag-kamay sa kanya. Hindi ko maiwasan na mapangisi sa aking isipan, tama lang 'yan. Magpapakabait ako sa'yo upang magamit kita sa susunod. Mahirap nang magtiwala sa ganitong lugar, lalo na sa mga taong hindi ko pa nakakasalamuha. Gagawin ko siyang isang chess piece na pawn. Tinanggap niya ang aking kamay "A-ano, a-ako naman si Grace. N-natutuwa akong makilala ka." nauutal at nahihiyang sagot niya. Halos mapangiwi naman ako dahil ramdam na ramdam ko ang matinding pagpapawis ng kanyang kamay. Lamig lamig-lamig nito at nanginginig. Ganito ba siya ka-introvert? Na-sesense ko na kaagad sa kanya na may problema siya sa socialization. Ayaw mo man mag-jump sa aking conclusion pero iyon ang una kong napansin sa kanya. Baka dahil sa kanyang problema sa pakikisalamuha sa ibang tao ay naaapektuhan ang kanyang speech pattern kaya siya nag-ststutter o nauutal-utal kapag may kausap na ibang tao. Ngumiti ako "Tara pasok na ako, first year ka rin ba katulad ko? Marami pa kasi akong hindi alam dito." pa-inosenteng saad ko. Manghang-mangha ako sa security feature ng Academy. Kailangan mong kasi i-tap ang iyong ID sa isang metal plate bago bumukas ang isang sensored na glass door na hanggang bewang ang taas. Mangilan-ngilan lang at halos bilang lang sa daliri ang taong pumapasok. Napakaaga ko kasing pumunta upang makapag-ikot para hindi na rin ako maliwag sa loob. Halos hindi naman ako nakatulog kagabi dahil sa impormasyon na nalaman ko. Ang matanda pa lang tinatawag ko kahapon ay ang incumbent o ang kasalukuyang Presidente. Hindi Presidente o Headmaster katulad ng mga nababasa kong cliche fantasy stories sa w*****d. Ang aking Lolo pala ang Presidente ng bansang ito. Basically, ako ay isang Presidential Grandson. Hindi naman ako natuwa na nais niyang ipakilala ako sa publiko na ako ang kanyang pinakahihintay na Apo. Unang-unang dahilan, ayaw kong tignan ako ng mga tao sa paligid ko dahil sa aking social status ko sa mundong ito. Pangalawa, kahit papaano ay gusto kong mamuhay ng pribado at simpleng mamamayan. Panghuli, perwisyo lang ang ibibigay sa akin kapag nalaman iyon ng nakararami. "A-ano Zie pwede ko bang matanong kung anong mahika ang tinataglay mo?" tanong sa akin ni Grace. Napabalik na lang ako sa realidad sa kanyang tanong. Pakiramdam ko biglang sumakit ang aking ulo dahil nakaramdam ako ng kaba. Jusmiyo santisima trinidad! Paano na 'to? Hindi man lang ako na-orient ng aking Lolo kung anong mahika ang taglay ko! Jusko! Sasabak ako sa gyerang ito na wala man lang kaalam-alam. Mas inuna ko pa ang kunsumisyon ko sa matandang este sa Lolo ko. Ngumiti ako ngunit halatang-halata pilit ito "Hulaan mo..." mapaglarong wika ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina at dahan-dahan na inilagay ang kanyang kanang palad sa aking kaliwang dibdib. Akmang tatabigin ko ang kanyang kamay nang marinig ko siyang magsalita. "Holy Light Magic: Test of Faith." mahinang bulong niya. Halos lumuwa ang nanlalaki kong mga mata sa aking nasaksihan. Ang kanyang kanang kamay ay dahan-dahan na naglabas ng kulay light yellow na liwanag na gawa sa enerhiya. Ang hugis bilog na enerhiyang iyon ay banayad na pumasok sa aking dibdib. Kitang-kita ko ang kanyang konsentrasyon habang nakapikit. Wala pang isang segundo nang maramdaman ko ang mainit-init na parang napapaso ang aking kaliwang dibdib kahit na nakasuot ako ng white long sleeves at ang makapal na black coat na uniporme sa Academy na ito. Huminga ng malalim ang nilalang na nasa harap ko bago magsalita "A-ang galing! N-ngayon lang ako naka-encounter ng ganyang mahika!" nagagalak niyang wika sa akin na para bang naging dyamante ang kanyang kulay gintong mga mata. Tumagilid ang aking ulo at ngumiti ng pa-inosente "Ano nahulaan mo na?" pagkukunyari ko. Mabuti na lang kahit papaano ay napapakinabangan ko ang aking acting at drama skills sa mundong ito. Kahit na gusto kong magulat sa sinasabi niyang taglay kong mahika ay hindi ko ipinakita. Kabilin-bilinan sa akin ng Lolo na huwag kong ipaalam sa kahit sino kung saan ako nanggaling mundo. Para naman na may balak akong ikuwento sa kanila ang naging buhay ko sa Pilipinas. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Ako at ako lang ang makakaalam kung anu-ano ang naranasan ko sa bansang iyon. "M-mind Invasion... M-mind Invasion Magic ang taglay mong mahika! Kayang-kaya mong kontrolin at pasukin ang isipan ng isang tao. S-sobrang galing! N-nakakatuwa na may nakilala akong taong may ganyang mahika!" tuwang-tuwang wika ni Grace sa akin na animo'y nanalo siya sa lotto. Pakiramdam ko ay halos maiyak-iyak siya sa nalaman niya. Salamat naman at gumana ang aking plano. Wala talaga akong balak sabihin sa kanya kung anong mahika ang taglay ko lalo na't wala rin naman akong alam doon. Hindi ko inaasahan na mayroon siyang gagamiting mahika upang malaman kung anong mahika ang taglay ng isang tao. Totoong gulat pa rin ako sa mga nakikita kong mahika pero alam kong ilang araw lang ay masasanay na rin ako. Napangisi ako sa aking isipan. Saktong-sakto pala sa aking personalidad at pag-uugali ang aking taglay na mahika. Kaya kong kontrolin o pasukin ang isipan ng isang tao. Kung sinusuwerte nga naman talaga ako. Akmang-akma ito sa aking course na Psychology. Maaari kong gamitin ang mga natutunan ko sa course kong iyon upang magamit ng maayos ang aking mahika. Konting tiyaga lang Zie, tatlong-taon lang ang bubunuin mo sa mundong ito. Mabilis lang ang panahon at makakabalik din ako sa Pilipinas. Pero hindi ko pa rin tinatanggal ang thought na baka makahanap ako ng isang taong kayang magpa-teleport pabalik sa akin doon. Hahanapin ko pa rin iyong sinabi sa akin ni Lolo na nag-teleport sa akin sa Pilipinas noong sanggol pa lang ako. "Ikaw nga rin eh, ang galing ng kapangyarihan mo. Biruin mo isang spell lang ang ginamit mo ay nalaman mo na ang mahikang taglay ko. Anong tawag sa mahika mo? Ngayon lang din ako nakakakita ng isang taong may mahikang katulad ng sa'yo." pagsisinungaling ko. Mabilis na umihip ang pang-umagang hangin. Lumabas na ang araw ngunit malamig pa rin ang buong paligid. Siguro dahil maraming puno sa paligid kaya nakaka-produce ito ng maraming oxygen. Hindi katulad sa Pilipinas ganitong oras pa lang ang alinsangan na. Kahit papaano ay nagugustuhan ko ang klima sa mundong ito. Hindi masyadong naka-climate shock ang katawan ko. Tumawa siya ng mahina "A-ang mahikang taglay ko ay ang Holy Light Magic na minana ko Mama ko. K-kaya kong i-support ang mga kasama ko. K-kaya kong silang i-buff, defensive man o offensive." nauutal na sagot niya sa akin. Naiintindihan ko na ang mahikang taglay niya. Para siyang mga support champions or heroes sa Lol at Dota. May mga skills ang bawat champions or heroes na iyon na kayang i-buff o palakasin ang kanyang mga kasama pang-depensa man o pang-opensiba. Ngumisi ako sa aking isipan, hindi ko inaasahan na malaki ang pakinabang sa akin ng babaeng ito. Magagamit ko talaga siya sa aking buhay estudyante sa Academy na ito. Hindi ko pinagsisisihan na kinaibigan ko siya. "Sugoi! Sugoi! Sobrang galing ng mahika mo!" nagkukunyaring nagulat kong saad sa kanya na para bang manghang-mangha ako sa mga nakita ko. Tumagilid ang ulo niya "H-ha? A-anong ibig sabihin ng s-sugoi?" nauutal niyang tanong sa akin. Muntik na akong mapatakip ng bibig dahil sa sinabi ko. Hindi ko maiwasan na mag-Japanese. Naging parte na kasi iyon ng vocabulary ko kaya unconsciously o hindi ko alam na nakakapagsalita ako ng Japanese kahit hindi ko iniisip. Dahil pangarap kong maging Japanese Voice Actor naka-enroll ako sa Japanese Class at nag-seself study rin ako. Ngumiti ako ng pa-inosente "Ang ibig sabihin nun ay "Wow", isang salita iyon sa probinsya namin..." Huminga ako ng malalim nang bigyan niya ako ng ngiti bilang tugon. Tumawa na lang siya ng mahina at mabuti na lang ay hindi na nagtanong pa tungkol doon sa aksidenteng Japanese word na nasabi ko sa kanya. Hindi talaga ako nagkamali, sa ilang minutong pag-uusap namin ay hindi niya ako tinatanong tungkol sa aking personal background or family background. Puro tungkol sa magic ang tanong, mabuti na lang at nagbabasa ako ng mg cliche fantasy stories sa w*****d at beteranong manlalaro ako ng Lol at Dota kahit papaano ay maalam ako sa mga terminong sinaabi niya. Mahilig akong manood ng Anime at KDrama na fantasy ang genre kaya hindi ako mahihirapan gumawa ng mga kwento patungkol sa mahikang taglay ko kuno. Hindi pa rin ako naniniwala lalo na't hindi ko pa naman nakikita o nagagamit ito ni isang beses man lang. Saka na ako maniniwala kapag nakita na mismo ito ng mga mata ko. To see is to believe nga ang motto ko sa buhay ko. Tanging mga nakikita ko lamang ang pinaniniwalaan ko. Bukod doon ay wala nang iba. "N-nandito na tayo..." mahinang at nauutal na wika ni Grace habang pinagmamasdan ang malaking gusali sa aming harapan. Pakiramdam ko ay bumagsak ang aking panga sa lupa na nakita ko. Kitang-kita ko ang isang napakataas at napakalapad na gusali ang nasa harapan ko. Gawa sa samalin ang bawat ding-ding nito. Ang entrada naman ay animo'y nasa second floor dahil sa labas ay may hagdan papasok doon. Sa gilid ng malaking entrada ay ang dalawang watawat, ang isa ang watwat ng bansa at ang isa ay ang watawat ng Bloodstone Academy. May mga magagandang bulaklak ang nasa gilid ng entrada ngunit napako ang aking atensyon sa isang bagay. Sa itaas ng metal plate na may naka-ulit na Bloodstone Academy na nakadikit sa itaas na bahagi ng entrada ay makikita ang isang mataas na pole. Sa ibabaw ng pole na iyon mapapansin ang bilog na gawa sa salamin at sa loob ay masisilayan ang isang pang bilog na kasilang laki lamang ng palad ng tao. Naghahalo ang kulay light pink at blue pink at nagmumukha itong isang bilog na orb. "I-iyan ang Bloodstone Zie, ngayon ko lang napansin na kasing kulay siya ng mga mata mo." - To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD