Chapter 2
One Condition
ZIE
"B-bakit nakakakita na ang kaliwa kong mata?" gulat na tanong ko sa aking sarili ng dumilim ang paningin ko sa kaliwang mata ng hawakan ko ito.
Ngumiti sa akin ang matanda. Hindi ko rin alam kung paano na nakakakita itong kaliwang mata ko. Bulag ito at matagal nang malfunctioned. Sabi ng opthalmologist ay severe damage ang cornea at retina ng kaliwang mata ko kaya hindi na ito maaari pang makakita ngunit paanong nangyari ito?
Hindi ko maiwasan na mapakagat ng aking pang-ibabang labi. Gusto kong magpasalamat sa kung sino man ang nagpagaling ng matang ito. Sobra akong natutuwa kasi isa ito sa mga naging dahilan kung bakit lagi akong minamata ng mga tao. Samu't saring panglalait ang natatanggap ko mula sa kanila. Lagi ang nale-label na isang basagulero, tambay, adik at marami pang masasamang salita ang ini-uugnay sa pagkabulag ko.
Agad kong nilingon ang buong paligid at naghanap ng salamin. Gusto kong makita ang itsura ko. Mabilis akong pumunta sa isang sulok na may nakasabit ng magarang bilog na salamin. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang itsura ko. Napatakip na lang ako ng aking pang-ibabang labi nang makitang wala na ang peklat sa kaliwang mata ko. Mabilis naman din na napahinto ang pagdiriwang ko mapansin kong iba ang kulay ng aking mga mata.
"Kanina noong tulog ka pa Apo ay nagpatawag ako ng isang tao na Healing Magic ang experties. Kaya nakakakita ka nang muli at wala na ang malaking pilat sa iyong mukha." rinig kong saad ng matanda sa akin likod.
Agad akong tumalikod "Maraming salamat po, pasensya na rin sa inasal ko kanina. Sana maintindihan niyo na hindi pa rin nag-sisink in sa akin ang lahat. Magulo pa ang aking isip. Marami akong gustong itanong sa inyo." pormal na saad ko.
Huminga ako ng malalim. Wala na ang intimidating aura na nakapaligid sa kanya. Nakangiti na muli ang matanda sa akin na para bang inaasahan niyang magpapasalamat ako sa kanya. Totoo naman ang sinabi ko, hindi ako isang ingratong tao na hindi marunong magpasalamat. Isa sa naging tinik ng buhay ko ang aking pagkakabulag. Marami ang nasayang na oportunidad ng dahil sa malaking pilat sa aking mukha. Ngayong gumaling na ito, alam ko sa sarili ko na mamumuhay na ako muli ng normal.
"Kung ipinagtataka mo ang kulay ng iyong mga mata Apo ay dahil namana mo ang kulay ng mga mata ng Ama mo." dagdag pa ng matanda habang dahan-dahan na umuupo sa isang magarang upuan na gawa sa makapal at makintab na kahoy.
Tumagilid ang ulo ko "Sa pagkakaalala ko ay kulay brown ang mga mata ko. Saka hindi ko namana ang kulay ng mga mata ko sa mga magulang ko." mariing wika ko.
Tumawa ng mahina ang matanda "Ipapaliwanag ko rin sa'yo ang lahat Apo sa mga susunod na araw ngunit pakinggan mo itong sasabihin ko."
Muling naging seryoso at baritono ang pagsasalita ng matanda kaya hindi ko naman maiwasan na mapabalikwas sa aking kinatatayuan. May kung anong intimidating aura nanaman ang nananalaytay sa loob ng kwartong ito. Muling naging mabigat ang hangin sa buong paligid. Ginagawa niya siguro ito upang manatili sa kanya ang atensyon ko.
"Kinakailangan na gumawa ng isang matinding desisyon ang mga magulang mo. Kahit na napaka-imposible ay humanap sila ng isang tao na kayang i-teleport ang isang nilalang sa mundo ng mga normal. Kaya ka napunta sa Pilipinas. Isang taong gulang ka pa lamang noon at napakabata mo pa kaya hindi mo na iyon maaalala." paliwanag niya.
Tumagilid ang aking ulo sa kanyang sinabi. Bakit naman kailangan akong ipa-teleport ng mga magulang ko sa mundo ng mga normal? So ibig sabihin na ang mundong kinagisnan ko ay mundo ng mga normal? Napa-ismid ako, hindi ko pa rin na maiwasan na hindi maniwala sa mga sinasabi ng matandang nasa harap kong na pirmeng nakaupo sa isang magarang upuan. Anong dahilan ng mga magulang ko upang ipatapon nila ako sa mundong iyon?
Wait lang talaga, sumasakit nanaman ang ulo ko sa sinabi niya. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may nagsasabi sa akin na paniwalaan ko siya at totoo ang mga sinasabi niya. Hindi ko maintindihan, dapat hindi ako maniwala dahil baka budol-budol lang ito o kaya nasa isang prank show lang ako. Muling akong huminga ng malalim at mariin akong titigan ng matanda sa aking harap gamit ang kanyang kulay malamlam na asul na mga mata. Napalunok ako, kinakabahan nanaman ako.
"Sa pagkakaalala ko doon sa sinabi ng taong nag-teleport sa'yo sa Pilipinas, pagsapit mo ng iyong ika-labing anim na kaarawan. Kusa kang babalik sa iyong tunay na mundo. Kahapon ang iyong kaarawan hindi ba?" mariing pagtatanong niya.
Tumango ako "Ibig sabihin ba ay parang mag-expiry date ako? Sapilitan akong babalik sa mundong ito sa away o gusto ko? Ganun ba 'yun?" pagtatanong ko.
"Labing limang taon lamang ang itatagal ng isang matinding Sealing Spell na nananalantay sa iyong katawan kaya labing limang taon lang din ang itatagal mo sa Pilipinas. Hindi ka maaaring manatili doon kapag nanumbalik na ang iyong mahika. Tanging kaguluhan lamang sa mundong iyon ang mangyayari kapag nagtagal ka pa doon." dagdag paliwanag niya pa.
Napapikit ako dahil bahagyang sumakit ang aking ulo. Hindi ko matanggap, buong buhay ko ay nasa Pilipinas ako. Doon namulat ang isip at katawan ko. Hindi ko matanggap na kailangan na akong kunin ng mundong ito dahil sumapit na ang aking 16th Birthday. Marami pa akong gustong gawin, marami pa akong pangarap sa buhay ko. Napabuntong hininga ako, bakit pakiramdam ko ay nakukumbinsi na niya ako na totoo ang mga sinabi ng matandang ito?
Hindi naman ako nakakaramdam ng kung anong galit doon sa sinasabi niyang kailangan na gumawa ng matinding desisyon ang mga magulang ko na ipatapon ako sa mundo ng mga normal. Unang-una ay wala na akong alaala sa kanila kaya imposible para sa akin na makaramdam ng kung anong pakiramdam sa kanila. Pangalawa, may mga biological parents ako sa Pilipinas at napaka-imposible naman na isa akong ampon. Iyon nga lang lagi akong napagbibintangangan ampon dahil hindi ko nga raw sila kamukha. Panghuli, kung totoo man ang sinabi niyang ito nasaan na sila ngayon? Bakit ang matandang ito ang nasa harap ko?
"Alam kong gusto mo malaman kung bakit ako ang nasa harapan mo at hindi ang iyong mga tunay na magulang. Hindi pa ito ang tamang panahon upang sabihin ko sa iyo ang tungkol doon."
Tumango ako "Naiintindihan ko saka wala rin naman akong pakialam sa kanila. Hindi ko naman sila nakilala. Kaya hindi na rin ako magtatanong sa inyo ng tungkol sa kanila. It doesn't matter to me at all." nakangiti kong pang-aasar sa matandang nasa harap ko.
Gusto kong maniwala sa lahat ng sinasabi niya. Ang dami kong tanong tungkol sa mahikang ipinakita niya. Huminga ako ng malalim. Dapat ko na bang paniwalaan ang lahat ng ito? Anong dapat gawin ko? Kailangan ko bang mag-imbestiga muna o maki-go-with-the-flow sa nangyayari? Baka naman ito nasa state ako ng comatose sa totoong katawan ko sa lupa tapos nananaginip lang pala ako o naglalakbay ang kaluluwa ko. Ang nananaginip ako, grabe namang bangungot 'to.
"Ano naman ang magiging ambag ko sa mundo niyo?" dagdag tanong ko.
Tumaligid ang ulo niya "Ha? Anong magiging ambag? Simula ngayon ay dito ka na sa bansang ito mamumuhay ng payapa. Hindi ba sinabi ko na sa'yo na masyadong delikado kapag nanatili ka pa sa Pilipinas." gulat at nagtatakang saad niya.
Huminga ako ng malalim "Iibahin ko ang tanong ko, anong kailangan kong gawin sa mundong ito upang makabalik ako sa aking kinagisnan na mundo?"
Gustong-gusto kong makabalik sa Pilipinas hindi dahil mahal ko ang bansang iyon na lubog sa basura. Gusto kong makabalik doon dahil gusto kong mamuhay ng normal. Kasi nahihinuha ko na ang gagawin ko dito. Naaalala ko 'yung mga cliche plot ng mga fantasy stories na nababasa ko sa w*****d. Na kaya ako napunta sa mundong ito upang iligtas ang mundong ito dahil isa akong ganito ganyan at ako lang ang makakatalo kay ganire. Jusmiyo santisima trinidad! Hindi ko iaalay ang aking buhay sa lugar na ito. Gusto ko pang tumanda at magkapamilya.
Marami pa akong pangarap! Gusto ko pang makita ng personal ang aking idol na si Taylor s**t. Gusto ko pang maging Japanese Voice Actor. Gusto kong maka-graduate sa aking course na Psychology. Hindi ko lubos na pinangarap na magkaroon ng mahika katulad ng ipinakita ng matandang nasa harap ko.
"Bakit ganoon na lamang ang kagustuhan mo na makabalik sa mahirap na bansang iyon?" seryoso at baritonong pagbabalik niya sa akin ng tanong.
Suminghap ako "Baka nakakalimutan niyo na ang lenggwaheng ginagamit natin ngayon ay galing sa bansang mahirap na sinasabi niyo. Well, totoo naman na mahirap ang Pilipinas. Pwera biro, gusto ko pang makabalik doon dahil gusto kong mamuhay ng normal katulad ng buhay na kinagisnan ko." pagpapaliwanag ko ng aking side.
Once na matuto akong gumamit ng mahika kung paniniwalaan ko ang nakita ko kanina alam kong hindi na magiging normal pa ulit ang akig buhay. Hindi magiging normal ang buhay ko sa mundong ito. Lalo na't wala akong kaalam-alam dito. Nakaka-culture shock kaya. Baka mamaya niyan ay mag-nervous breakdown na ako at mag mentally shut down ang aking utak dahil sa mga natutuklasan ko.
Ngumiti ang matanda "Hinding-hindi ko talagang magawang tumanggi sa'yo aking Mahal na Apo. Sige pababalikin kita Pilipinas kung iyon ang gusto mo. Kahit na masakit para sa akin at sa mga magulang mo na umalis ka sa tunay mong mundo ay gagawin ko pa rin ang makakaya ko upang makabalik ka doon."
Tumayo siya at dahan-dahan na lumapit sa aking kinatatayuan. Napatagilid ang aking ulo nang mapansin ko sa kanyang mukha ang panghihinayan. Napaismid ako, isa ba akong bagay na kailangan ng mundong ito para bigyan niya ako ng ganyan reaksyon. Akala mo naman talaga ay super close kami kung panghinayangan niya ang desisyon ko.
Hindi ko maiwasan na matawa sa aking isipan. Bigla kasing pumasok sa utak ko ang paulit-ulit na cliche plot ng mga sikat na fantasy stories sa w*****d na nabasa ko. Itong mukha ng matandang ito ay tuso, huhulaan ko ay mayroon itong iaatas sa akin na misyon. Siguro ako iyong makakapatay sa Dark Mage ganire ng mundong ito.
"Sa isang kondisyon..." segunda niya pa.
Umismid ako "Sinasabi ko na nga ba..." sarkastikong wika ko at lumingon sa aking kanan kung saan nakita ko ang nagtataasan ng building sa labas na nahaharangan lamang ng sliding door na gawa sa salamin.
Tumawa ng mahina ang matanda "Kinakailangan mong mag-aral sa Bloodstone Academy sa loob ng tatlong-taon."
Biglang nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya "Anong sabi niyo?! Tatlong-taon ako mag-aaral sa Academy ganire na iyon?! Jusmiyo santisima trinidad! Buong akala ko ay ilang lang ang itatagal ko sa mundong ito-----" napahinto ako sa aking pagpoprotesta nang biglang sumabat ang matanda.
Sumilay ang ngisi sa gumuhit sa nakakainis niyang mukha "Sige kung ayaw mo, habang-buhay ka nang mananatili sa mundong ito. Hinding-hindi ka na makaka-graduate sa course mong Psychology, hinding-hindi ka na magiging Japanese Voice Actor, hindi na rin magiging normal ang pamumuhay at ang higit sa lahat..." huminto sa siya pagsasalita at idinikit ang kanyang mukha sa aking kaliwang tenga "Hinding-hindi mo na makikita ang pinakamamahal mong idol na boses butiki na Taylor Shit." pang-aasar na wika niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Iniinis talaga ako ng matandang ito. Ang kapal ng mukha niya na gawin pam-blackmail sa akin ang mga pangarap ko na maranasan sa Pilipinas. Ang mas nagpakulo pa ng dugo ko ay ang patawag niya kay baby loves kong si Taylor Swift na Taylor s**t. Ako lang ang tumatawag sa kanya nun. Saka excuse me, hindi boses palaka ang idol ko boses ipis lang.
Nakakainis! Nakasalalay sa desisyon ko kung anong mangyayari sa buhay ko. Jusmiyo santisima trinidad! Tatanggapin ko ba ang offer niya? Hindi kailangan ko munang mag-isip. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos. Wala na bang ibang paraan upang makabalik ako sa Pilipinas in any means?
Huminga ako ng malalim "Bigyan mo ako ng ilang araw bago magdesisyon. Kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang lahat ng sinabi ni. Kailangan kong kumbinsihin ang sarili ko na nagagaginip lang ako at talagang tulog pa ang katawan ko sa Pilipinas at naglalakbay lang sa ibang dimesyon ang kaluluwa ko-----" napahinto ako sa aking pagsasalita nang magsalita ang matanda.
"May hanggang alas-otso ka mamayang gabi at gamitin mo ang oras na nalalabi sa'yo upang magdesisyon. Kinakailangan mo nang gawin ito dahil kinabukasan na ang pasukan sa prestihiyosong Bloodstone Academy. Mag-isip ka, papasok ka doon sa loob ng tatlong-taon o hindi ka na makaalis pa rito habang-buhay. Sige ka hindi mo ka na makakapunta pa sa mga corncert at hindi mo na mapapakinggan pa ang boses ipis ng idol mo na si Taylor s**t-----"
Pinanlakihan ko siya ng mga mata "Oo na! Papasok na ako! Gagawin ko na ang gusto mo! Mag-aaral na ako sa Bloodstone Academy! Nagkakaintindihan na tayo, subukan mo lang na hindi tuparin ang hiniling ko sa'yo. Ako na nagsasabi sa'yo, lalong mapapanot 'yang mga uban mo sa buhok." inis na bulyaw ko sa matandang kanina pa nakangisi at nang-iinis sa akin.
"Aasahan ko 'yan Apo. Hindi ako bumabali sa aking pangako. Kaya ikaw huwag mo rin baliin ang sa'yo. Sinasabi ko sa'yo, hindi ka na sisikatan pa ng araw sa kinabukasan na lokohin mo ako." pambabanta niya sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata "Hindi ako takot sa'yo at mas lalong hindi ako takot mamatay. I've been through a lot. Sinasabi ko sa inyo Manong, ilang beses ko nang nakita ang impyerno." paninindak ko sa kanya habang ningingisian ang matandang nakanganga sa aking sinabi.
- To be continued