Chapter 1

2218 Words
Chapter 1 New World ZIE "Good Morning, Mahal kong Apo..." rinig kong saad ng isang boses ng matanda sa hindi kalayuan kaya agad akong nagmulat ng aking mga mata. Mabilis kong nilingon ang buong paligid. Nasa loob ako ng isang magara at modernong kwarto. Halos mapabangon ako sa aking pagkakahiga sa malambot na kama ng makita ko ang isang matandang na mukhang nasa early 60's na dahil karamihan sa kanyang buhok ay kulay puti na. Pinanliitan ko siya ng mga mata habang dali-dali kong ikinuyom ang aking kamao. Sino itong nag-kidnap sa akin? Jusmiyo santisma trinindad! Wala akong pera na pang-tubos o ransom sa sarili ko. Jusko naman! Sa dami rami ng tao sa buong Pilipinas na kikinappin nila ako pa talaga na isang hamak na hampaslupa lamang? Teka?! Nasaang lugar ba ako? Ano ba iyong nangyari noong nakaraan? Huminga ako ng malalim at hinawakan ang aking ulo dahil bahagyang sumakit ang aking sintindo. Bakit wala akong maalala sa nangyari nitong nakaraan. Para bang bigla na lang akong gumising sa isang pagkahaba-habang pagtulog. Ang tanging naalala kong huling nangyari ay ang pumasok ako sa aking Japanese Class matapos kong mag-duty. Wala na akong maalala pa sa mga sumunod na nangyari. "Ang laki-laki mo na Apo, kamukhang-kamukha mo ang iyong Ama." rinig kong muling saad ng matanda na nakaupo sa isang magarang upuan na gawa sa kahoy na nasa kaliwang bahagi ng malaking kamang kinahihigaan ko. Umismid ako "Ha? Lolo kita? Apo mo ako? Ayos lang kayo?" natatawa ngunit may diin na sagot ko. Hindi ko maiwasan na matawa sa aking isipan. Bakit naman ako magkakaroon ng Lolo? Ni hindi ko nga nakilala ang mga ito. Sa anong pinagsasabi nitong magkamukhang-magkamukha kami ng aking Ama? Ang dami ngang nagtatanong sa akin noon kung ampon lang daw ba ako dahil hindi ko raw nakuha ang mukha ng mga magulang ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilapit ito sa kanyang mukha "Ikaw na lang ang mayroon ako. Mabuti na lamang ay ibinalik ka na sa akin -----" bago niya pa maituloy ang kanyang sinasabi ay mabilis kong tinabig ang kanyang kulubot na mga kamay. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Bahagya kasing napabuka ang kanyang bibig sa aking ginawa. Hindi ko naman siya masisisi pero hindi niya rin ako masisisi kung bakit ko ginawa iyon. Hindi ko nga kilala itong matandang 'to tapos may kadramahan pang pahawak-hawak ng kamay. Aba! Mukhang may something ito ah, ang sarap iyang i-diagnose. "Manong, uuwi na po ako at ako'y may pasok pa. Bakit naman sa dinami-rami ng tao sa Pilipinas ako pa ang na-tripan niyo?" nagtatakang saad ko at mabilis na tumayo sa kama. Pansin ko ang pagguhit ng pagtataka sa kanyang mukha. May kakaiba ba sa sinabi ko? Alam ko na, siguro na-realized na niya na may something siya sa pag-iisip kaya niya ako na-kidnap. Wala siyang mahuhuthot sa akin, pang-tuition ko nga na ipinipili ko pa sa government agencies para lang makapag-aral ako. Nagtatrabaho ako ng matiwasay sa isang fast food chain at madalas sumideline sa mga dubbing sessions ng mga Anime at KDrama para lang may pangtustos ako sa aking pang araw-araw kong pamumuhay. "Hindi mo naaalala ang ma nangyari?" gulat na tanong niya. Pinanliitan ko siya ng mga mata habang nakakunot ang aking noo "Ang alin? Iyong pag-kidnap niyo sa akin. Aba! Syempre naman! Baka kung anong ipinaamoy niyo sa akin kaya ako nakatulog ng mahimbing. Malamang sa alamang wala talaga akong maalala." inis at sarkastikong pambabara sa kanya. Napansin ko ang kanyang mariing paglunok sa aking sinabi. Para bang nagtitimpi lang siya sa akin kanina pa dahil sa mga piangsasabi ko sa kanya. Ayos na rin ito saka kung mamamatay ako ngayon dahil wala nga akong pang-ransom sa sarili ko ay mabuti na rin na mabara-bara k siya kahit papaano. Mamamatay akong may ngiti sa aking mga labi. Huminga ako ng malalim "Nasaan ba ako? Bakit hindi naman ito isang warehouse kung saan tipikal na dinadala ang mga nakidnap? Saka bakit wala akong nanapansin na mga guard na nagbabantay sa akin. Sabagay, isa lang naman akong ordinaryong mamamayan ng bansang Pilipinas. Wala kayong mahuhuthot na pera sa akin." dagdag paliwanag ko pa. Tumagilid ang ulo ng matanda bago magsalita "Ha?! Sinong nagsabi sa'yo na-kidnap ka? Hindi mo ba talaga naaalala ang mga nangyari sa'yo?" nagtatakang tanong niya. "Obvious ba?" pambabarang sagot ko. Tinignan niya ako ng mariin saka mabilis na hinawakan ang aking kaliwang palapulsuhan. Gusto ko man lang magpumiglas ay hindi ko magawa dahil may kung anong malakas na pwersa ang pumipigil sa akin. Masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin kaya pakiramdam ko ay babaliin niya ang aking buong kamay. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at dali-dali inilagay ang aking lakas sa aking kanang paa. Agad kong iniangat ito upang sipain ang kanyang mukha nang mabitawan niya ako pero laking gulat ko nang isalag niya sa kanyang mukha ang isa niya pang braso. Halos mapahiyaw naman ako sa sakit dahil pakiramdam ko ay sumipa ako sa isang makapal na pader na gawa sa bakal. Feeling mo mas mauuna pang mabali ang paa ko kaysa sa palapulsuhan kong mariin niyang hinahawakan. Anong meron sa matandang ito na kahit na nasa ganyang edad ay napalakas pa rin? Hindi ko rin maipagkakaila ang kanyang reflexes, mabilis din ang reaction time niya kaya mabilis niyang nasalag ang aking ginawang pagsipa sa kanya. "Hindi na talaga ako magtataka na Apo talaga kita." natatawang saad niya habang dahan-dahan na binitiwan ang aking palapulsuhan. Mabilis akong napangiwi nang maramdaman kong magdaluyan sa tamang sirkulasyon ang mga namuong dugo na naipon sa mariin at matindi niyang pagkakahawak sa akin. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Paano niya pa nagagawang tumawa matapos ang kanyang ginawa? May something talaga sa matandang ito, ang sarap niyang i-diagnoses na may matindi at malalang mental disorder. Huminga ako ng malalim "Sinong nagsabi sa'yong Apo mo ako? Wala po tayo sa isang movie o telenovela Manong kaya tigil-tigilan niyo na 'yang kakasabi sa akin ng Apo niyo ako. Pauwiin mo na nga ako at marami akong gagawing school works." Napansin ko ang pagkamot ng kanyang ulo "Ano Apo, ako nga pala si Alastor Meletes Louisenbarnn. Ako ang iyong nag-iisang Lolo." pormal na pagpapakilala sa akin ng matanda. Alastor Meletes Louisenbarnn? Sino namang lamang lupa ang magpapangalan ng ganyan? Naiinis ako! Wala akong oras upang makipag-joke time sa matandang ito. Apo my ass. Sinasayang ng matandang 'to ang oras ko. Kailangan ko nang pumasok upang makapag-duty ako mamayang pag-uwi. Nakakainis talaga, may recording at dubbing sessions pa naman kami mamaya. Ako pa naman ang nakakuha ng bidang role doon sa Anime at KDrama na i-tatagalog dub. Pinanliitan ko siya ng mga mata "Wala akong oras sa inyo, saka pwede na bang umalis ako? Wala rin akong pakialam kung sino kayo. Huling beses ko nang sasabihin ito, hindi niyo ako Apo at wala akong Lolo." inis at may diin na sagot ko sa kanya. Ilang sandali pa ay mabilis akong nagmartsa palabas ng pinto ng kwarto nang maramdaman kong unti-unting bumibigat ang bawat paghakbang ko. Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. Para bang may kung anong halimaw sa aking likuran na hindi ko tatangkain lingunin pa. Napalunok ako ng mariin at huminga ng malalim. Ano itong intimidasyon na nararamdaman ko? May kakaibang enerhiyang nag-uumapaw sa aking likod. Ano nanamang pakulo ang ginagawa ng matandang iyon? Gustuhin ko man na ipagpatuloy ang aking paglalakad ngunit tuluyan na hindi na gumalaw ang aking mga binti at hindi. Hindi ko na maihakbang pa ang aking mga talampakan. Wala pang ilang segundo nang makaramdam naman ako ng mabigat na pwersa sa aking magkabilang balikat na para bang may binubuhat-buhat akong sako ng mga bigas. Hindi ko na maiwasan ang paghaharumentado ng aking puso. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Anong nangyayari sa katawan ko? Bakit pakiramdam ko ang bigat-bigat nito. May mali, may kakaiba akong nararamdaman. May hindi tama, may nararamdaman akong halimaw sa aking likod. Jusmiyo santisima trinidad! Lalabas na ata ang puso ko sa aking lalamunan sa sobrang kaba ko. "Ang ayaw ko sa lahat ang tinatalikuran ako. Hindi ka makakaalis ang aking Magic Binding Spell hanggang hindi mo pinapakinggan ang paliwanag ng iyong Lolo, Mahal na Apo." seryoso at baritonong saad ng matanda sa aking tenga na nagbigay ng kung anong kuryente sa aking likod na gumapang sa buo kong katawan. Hindi ako makasagot dahil hindi ko man lang maigalaw ang aking mga labi. Gustong-gusto kong magtanong doon sa sinabi niyang Magic Binding Spell. Jusko! Naniniwala pa sa magic magic ang matandang ito? Ang tanda-tanda na, hilig siguro nito magbasa ng mga Fantasy Stories sa w*****d kaya nagkakaganyan. Hindi naman totoo ang magic magic na 'yan. Hindi 'yan nag-eexist sa realidad kaya napaka-imposible ng sinasabi niya. Hibang lang talaga siguro ang matandang 'to. Konting-konti na lang ay i-dadiagnose ko na siyang may isang maalang Mental Disorder. Magic my ass. Mabilis na pumunta sa aking harapan ang matanda at nagsimulang magpaliwanag. "Unang-una, hindi kita kinidnap. Kusa kang napadpad sa lugar na ito. Ito na ang tamang oras upang bumalik ka sa tunay na pinanggalingan mo." seryosong wika niya habang nakalagay ang kanyang mga daliri sa baba niya. Bakit naman ako babalik sa pinanggalingan ko? Hindi kaya babalik ako sa sinapupunan ng Nanay ko? Baka naman doon sa point kung saan magkikita ang modtakels ng Tatay ko at an itlog ng Nanay ko? Dapat pala pinunas na lang ako ng Tatay ko sa kumot at hindi na ako ipinutok sa loob. "Pangalawa, wala ka na sa Pilipinas. Wala ka na sa mundo ng mga normal. Nandito ka na sa mundo kung saan totoo ang mahika." dagdag niya pa. Iyon ang nagpagulantang sa akin sa lahat ng sinabi niya. Mundo kung saan totoo ang mahika? Jusko santisima trinidad! Mahika? Paano naman ako maniniwala sa kanya? Hindi totoo ang mahika! Wala pang na-didiscover sa mundo na nagtataglay ng mahika ang isang tao. Siguro meron naman 'yung mga mangkukulam tapos 'yung mga mapagpanggap na mga albularyo sa mga probinsya. Saka anong wala ako sa Pilipinas! Paano na 'yan?! Paano na 'yung dream role ko na i-dub ang mga favorite kong Anime Characters! Paano na 'yung part-time job ko sa fast food chain na nagbibigay din sa akin ng scholarship? Paano na 'yung pag-aaral ko?! Dalawang taon na lang ay gagraduate na ako ng college nang makahanap ako ng magandang trabaho tapos mapupunta ako sa lugar kung saan totoo ang mahika? Hindi ko na kaya, pakiramdam ko sasabog ang aking ulo sa mga kahibangan na sinasabi ng matandang ito. "Hindi ka pa ba maniniwala kapag nakita mo ito?" Mabilis niyang kininumpas ang kanyang mga daliri kung saan naglabasan sa kanyang paligid ang ilang nagbabagang bolang apoy. Wala pang ilang segundo ay napalitan ito ng umiikot-ikot na malinaw na tubig, na nagpalit sa isang sumasayaw na malakas na hangin at panghuli ang palipad ng malalaking tipak ng bato sa paligid. Napalunok ako, gustong-gusto kong kusutin ang mga mata ko ngunit hindi pa rin ako makagalaw. Paano niya nagawa ang mga magic tricks na iyon? Hindi kaya hallucinations itong nararanasan ko? Ang sarap sampalin ng mga pisngi ko nang magising na ako sa masamang panaginip na ito. Hindi na napa-process ng maayos ng utak ko ang mga nalalaman ko. Baka mamaya niyan ay mag-mental shut down na ako sa mga natuklasan ko. "Hindi ka pa rin naniniwala?" dagdag niya pa. Pinitik niya ang kanyang dalawang daliri kung saan mabilis na nawala ang bigat na nararamdaman ng aking katawan. Halos manlaki ang mga mata ko at malaglag ang panga ko sa sahig. Isang pitik niya lang ay natanggal niya ang mabigat na pwersa na buong katawan ko. Paano niya nagawa iyon? Hindi, lumalabag na siya sa siyensya. Nagkakaroon lang talaga ako ng hallucinations. "Itsu no mani?" gulat na saad ko nang maglabas pa siya ng kung anu-anong liwanag gamit ang pagkumpas ng mga kamay niya. Hindi ko maiwasan na magsalita ng Japanese kapag nagugulat ako. Ayaw kong maniwala sa mga nakikita ko. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. Huminga ako ng malalim at malakas na sinampal ang aking pisngi. "Kisa..." inis na saad ko nang maramdaman ko ang sakit ng pagkakasampal ko sa aking sarili. Hindi nga ako nananaginip ngunit hindi ko pa rin maiwasan na mangamba. Pakiramdam ko ay sasakit ang ulo ko sa mga nakikita kong ginagawang magic tricks ng matandang nasa harapan ko. May nagsasabi sa akin na paniwalaan ko ang mga sinabi niya ngunit may bumubulong din sa akin na huwag ako basta-bastang magpaloko lamang. "P-paano mo nagagawa 'yan Manong?" nagtatakang tanong ko sa matanda. Sumilay ang ngiti sa kanyang mukha at hindi ko nagustuhan iyon. Muntik na akong mapaatras sa kinatatayuan ko kasi ang creepy ng ngiti niya. Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Bakit ko ba tinanong 'yun? Wala naman akong balak na alamin kung paano siya nakakagawa ng mga magic tricks. Nahihibang na talaga siguro ako, kung anu-anong salita ang lumalabas sa bibig ko. "Apo talaga kita. Kitang-kita ko sa iyong mga mata ang kuryosidad. Nararamaman kong nais mong matutong gumamit ng mahika." malumanay niyang wika habang mariin akong pinagmamasdan. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi. Hindi dahil doon sa sinabi niyag curious akong matuto ng magic tricks. Ang nagpakaba sa akin ay ang isang realisasyon na ngayon ko lang napansin simula nang magising ako sa lugar ako. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang aking kaliwang mata. "B-bakit nakakakita na ang kaliwa kong mata?" gulat na tanong ko sa aking sarili ng dumilim ang paningin ko sa kaliwang mata ng hawakan ko ito. Paanong nangyari ito? Kagagawan din ba ito ng magic tricks ng matandang nasa harap ko? - To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD