P R O L O G U E
"A-ano Kuya Zie mag-oout ka na po ba? P-pwede ba akong sumabay sa'yo? Birthday niyo po ngayon." pagtatanong sa akin ni Bella, isa sa mga kasama ko sa trabaho.
Hindi pa ako nakakapasok sa locker room para sana magpapapalit ako ng aking damit dahil mamayang ala-una ng hapon ay may klase pa ako. Gusto ko sanang samaan ng tingin ang babaeng ito pero hindi ko magawa dahil ayaw ko naman na pumangit ang image ko sa fast food chain na ito.
Ngumiti ako habang kinakamot ng marahan ang aking batok "Pasensya na, gusto sana kitang sabayan kaso nagmamadali kasi ako. May pasok pa kasi ako." nanghihinayang na saad ko.
Bakas ang panghihinayang sa kanyang mukha. Wala akong pakialam kung may gusto ka sa akin. Wala naman akong mapapala sa'yo kapag sumabay ako. Bibigyan mo ba ako ng pera? Hindi naman dahil pareho lang tayong naghahanapbuhay. Ang pinagkaiba nga lang, ikaw naghahanapbuhay para sa pamilya ako at ako ay naghahanapbuhay para sa sarili ko.
"G-ganun po ba? P-pupwede po bang sa mga susunod na araw? G-gusto ko po sana kayong i-libre ng lunch. Happy Birthday nga po pala -----" dagdag pa niya.
Gustong-gusto nang kumunot ng noo ko sa pagiging mapilit. Kating-kati na 'tong bibig ko na sabihin sa kanya na wala akong balak na sumabay sa kanya. Kayang-kaya kong pumunta sa Unibersidad na pinapasukan ko ng walang kasabay.
Sa ano itong pinagsasabi niyang ililibre niya ako? Nahihibang na ata ang isang ito. Ako nga hindi ko man lang inaasikaso ang kaarawan ko tapos kung makapagsalita ang isang ito ay akala mo siya 'yong may birthday. Ano nanaman kayang pumasok sa kokote ng nilalang na ito? Akala ko sa teledrama lang naglalabasan itong mga cliche scenarios na ganito.
"Pasensya na talaga... Mag-iiba na kasi ang ng shift at schedule sa isang araw. Sorry, sige maiwan na muna kita." pagtatapos ko sa usapan naming dalawa.
Hindi ko na siya hinintay na makasagot at dali-dali akong pumasok sa locker room ng mga lalaking employee. Alam kong maghihintay 'yan sa akin sa labas kaya kailangan kong magmadali sa pagpapalit ng aking uniporme para makatakas sa kahibangan niya.
Napakunot na lamang ako ng noo dahil biglang sumakit ang ulo ko. Pakiramdam ko parang binibiyak ang bungo ko mula sa noo hanggang sa ibabaw nito. Napakagat na lamang ako ng aking pang-ibabang labi at mabilis kong kinuha ang isang piraso Advil para mainom ko na. Nagkaka-migraine ako nitong nakaraan, lalo na sa itaas na bahagi ng mata. Tumataas nanaman siguro ang grado ng mata ko. Isa na nga lang ang nag-ffunction tumataas pa.
"Siguro puyat lang ako nitong nakaraan." mahinang saad ko sa aking sarili.
Agad-agad kong sinuot ang aking puting uniporme at hinablot ang aking bag. Isinuksok ko naman sa aking bibig ang strawberry cream flavored lollipop bago tuluyang lumabas.
Pagkasakay ko ng jeep ay agad na napunta sa akin ang atensyon ng tao. Hindi dahil sa isang binata na nakikita nilang kumakain ng lollipop, kundi sa isang bagay na kapansin-pansin talaga. Bahagya na lamang akong ngumiti upang hindi na ako makarinig ng masasakit na salita.
"Sayang ang gwapo sana ni Kuya, kaso tignan mo oh... Ang haba ng peklat sa mata." saad ng isang babaeng na nakasuot ng puting uniporme.
Napakuyom na lamang ako ng aking kamao dahil sa inis. Mariin ko rin na kinakagat ang aking pang-ibabang labi. Hindi ko naman ginustong magkapeklat sa mata. Hindi ko naman hiniling sa Diyos na mabulag ang kaliwang mata ko. Hindi ko maiwasan na matawa sa aking isipan. Ano pa bang aasahan ko? Matagal na akong nakakaranas ng diskriminasyon dahil dito. Saka bakit ba nagpapaapekto pa ako? Hindi pa ba ako sanay na may ganyan talagang nilalang na nagpapagala-gala sa mundong ito.
Minsan napapaisip na lang ako na sana makapunta ako sa isang lugar... Isang lugar kung saan walang mga taong mapanghusga.
"Mukhang basagulero ang Totoy na 'to. Siguro tambay 'yan?" rinig kong saad ng isang babaeng matanda.
"Oo nga eh, hindi siguro pinalaki ng maayos ng mga magulang kaya ganyan. Baka nga naka-shabu 'yan eh." sagot pa ng matandang lalaki na mukhang asawa.
Agad kong pinanlakihan ang aking nag-iisang mata ang dalawang matanda. Ipinakita ko sa kanila kung paano magalit ang isang taong matagal ng hinuhusgahan. Dahan-dahan kong tinanggal ang lollipop na nakasuksok sa bibig ko.
"Kayong dalawa..." mahinahon ngunit may diin at galit na sabi ko habang dinuduro silang dalawa "Kung wala kayong sasabihin maganda maaari bang magsitahimik kayo? Ang tatanda niyo na at mga amoy lupa na kayo, para kayong mga hindi naturuan ng magandang asal. Pasalamat kayo at hindi ako pumapatol sa mga taong mamamatay na." sarkastikong saad ko habang ngingsi-ngisi pa.
Kita ko naman ang gulat sa kanilang mukha at rinig ko pang natawa ang karamihan ng mga nakasakay sa jeep. Yumuko naman ang dalawang lamang lupa dahil sa kakahiyan. Sinuksok ko ang aking lollipop sa bibig ko at tumingin na lamang sa labas. Napabuntong hininga ako ng malalim. Mapapamura na lang ako sa mga inaasal nila. Minsan kating-kati talaga akong pumatol kahit na dapat immune na ako sa ganyan. Hindi ko alam pero butthurt pa rin talaga ako sa pagkabulag ng mata kong ito.
Hindi ko naman nadatnan ang babaeng iyon kaya agad akong lumabas sa backdoor at nagmamadaling sumakay sa jeep para makapasok na. Ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin ako. Unang tapak ko pa lang sa entrance ay nagkukumpulan ang mga kababaihan. Rinig na rinig ko pa ang malalakas nitong sigaw. Animo'y may artistang dumating sa aming Unibersidad.
"Hello po Kuya Zie..." ngingiti-ngiting bati sa akin ng mga babaeng nakakasalubong ko.
"Magandang tanghali." pormal na sagot habang binibigyan sila ng isang inosenteng ngiti.
Nakakainis, sobra akong naplaplastikan sa mga taong nag-aaral dito. Hindi ko naman inaasahan na puro pa-famous ang mga estudyante dito. Sana pala, hindi ko na lang kinuha ang special offer nilang full-granted scholarship nila rito sa course na mapipili ko.
Hindi rin na maiiwasan na may ibang lumingon sa akin, hindi dahil sa may itsura ako. Tinitignan nila ang kaliwang mata ko. Rinig na rinig ko pa ang bulungan ng ibang tao dahil rito. Hindi ko naman kasalanan na magkaroon ako nito. Kahit na badtrip na badtrip ako ay peke akong ngumiti sa mga taong nakakasalubong ko.
"Kuya Zie!" isang pamilyar na boses ang narinig ko.
Napakunot na lamang ako ng noo habang hawak-hawak ang stick ng lollipop na sinisipsip ko. Hindi naman ako lumingon at nagkunwari lamang na wala akong naririnig. Mas lalong sasakit ang ulo ko kapag kinausap ko pa 'tong babaeng 'to. Dahan-dahan kong binilisan ang paglalakad ko upang makarating na ako sa una kong subject.
Pagpasok ko ay wala pa ang aming Propesor kaya pagkaupong-pagkaupo ko ay agad kong binuklat ang aking notes dahil may Exams kami ngayon sa kanya. p*****n nanaman 'to. Medyo nahihirapan pa naman ako sa pagsusulat ng Kanji ngayon.
"Konnichiwa, minna-san." magsiglang saad ng aming terror na Propesor.
Ilang sandali pa ay agad na tumayo ang aming Monitor sa harapan dahil siya ang mag-llead ng klase namin ngayon.
"Minna-san, kiritsu!" tamad naman kaming tumayo lahat.
"Konnichiwa, Roque-sensei." malamya at walang buhay naming sagot lahat.
Pansin ko naman na antok na antok ang iba kong kaklase. Sino ba naman kasi ang magtiyatiya sa terror na Propesor na 'to. Wala naman 'tong ibang ginawa kundi ang magpa-report, tumunganga sa harapan, magsulat ng magsulat hanggang sa mapuno ang whiteboard, magpa-exam ng mga hindi naman niya itinuro o binasa man lang at mga tanong na wala sa libro tapos kapag bumagsak akala mo kung sinong dragon kung makapang-insulto. Ang sarap sapakan ng libro sa bibig ng magtino. Ang baba rin nitong magbigay ng grado.
"Chakuseki" pag-papaupo sa amin ng Monitor.
Pag-upong pag-upo ko ay mabilis ko kinalkal sa bulsa ko ang aking strawberry creamed flavored lollipop. Hindi ko napansin na naubos na pala ang stick na sinisipsip ko ngayon. Kanina ko pa 'to sa jeep kinakagat-kagat. Agad naman na nilabas ng damuhong Propesor na 'to ang kanyang mga photocopied written exams na hindi mo alam kung saang mundo niya nakuha.
"Hajimemashou."
Muli kong naramdam ang sakit ng aking ulo kaya marahan kong hinihilot-hilot ang aking noo dahil pakiramdam ko luluwa na ang nag-iisa kong mata. Iisa na nga lang luluwa pa. Jusme! Kakainom ko ng gamot! Baka kailangan ko na munang magpatingin. Para bang nasa Level 100 na ang sakit nito. Ilang sandali pa ay nasusuka na ako. Unti-unti na rin umiikot ang paningin ko. Agad kong inilagay sa aking bibig ang lollipop, nagbabakasakaling maiibsan nito ang kirot ng aking ulo.
"Mondragon-san... Tawag ka ni Sensei." kalabit sa akin ng isa kong kaklase.
Pagod ko naman na nilingon ang aking Propesor na nakataas ang kilay sa akin. Hinawakan ko na ang dulo ng stick ng lollipop na sinisipsip ko. Naghahanda lang ako sa isang matinding sagutan namin dalawa. Mukhang pinag-iinitan nanaman ako ng matandang 'to.
"Tumayo ka nga! Kung hindi ka man lang nakikinig sa klaseng ito. Talagang ang bastos mo rin no? Nagawa mo pang kumain ng lollipop sa harapan ko? Maaari ka nang lumabas."
Pa-inosente naman akong ngumiti sa kanya at mabilis kong tinanggal ang lollipop na nakasuksok sa aking bibig bago magsalita "Sumimasendeshita, Roque-sensei. Ano pong karapatan niyang palabasin ako? Wala naman po akong ginagawang mali sa inyo. Saka gusto ko lang sabihin na ang bastos ay nakahubad o nakatuwad. Naiintindihan mo?" saad ko habang dahan-dahan na tumatayo.
Kung kanina isang kilay lang niya ang nakataas ngayon ay dalawa na. Triggered nanaman itong matandang 'to. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit ang bagsak siya sa kanyang evaluation. Kulang lang kasi ang mga Propesor na nagtuturo ng Nihongo kaya nananatili pa 'tong matandang 'to dito.
"Oras na para ika'y bumalik sa tunay ba mundong kinapabibilangan mo. Tapos na ang nalalabing oras mo sa mundong ito." isang tinig ng babae ang narinig ko.
Agad akong napalingon sa buong paligid nang may maramdaman akong malakas na pagkabog ng buong katawan ko.
"K-ki-kisama -----" gulat kong saad sa aking sarili habang pinagmamasdan kung paano bumagsak sa sahig at nabasag ang aking sinisipsip na lollipop na kumawala sa aking bibig.
Naghaharumentado ang puso ko sa sobrang kaba. Napahinto ako sa pag-iisip dahil ramdam na ramdam ko kung paano biyakin ang ulo ko sa sobrang sakit nito. Ilang sandali ay ay mabilis na umaagos na ang mainit na likido mula sa mata ko. Dali-dali akong napahawak sa aking ulo at malakas na sumigaw.
"K-KISAMA!"
Napayuko ako sa sobrang sakit at kirot ng ulo ko. Ang umiikot at nanlalabo ang paningin ko. Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang mapansin kong nagiging pula ang paligid ng paningin ko. Pumatapatak ang maliit na pulang likido sa kahoy na armchair ko. Agad kong hinawakan ito kaya labis akong napaatras sa aking kinatatayuan dahil lumuluha ako ng dugo!
Hindi ko na kaya! Binibiyak ang buong bungo ko! Pakiramdam ko pinapalakol ang ulo ko sa sobrang sakit nito! Mas lalong dumoble ang kirot ng ulo ko nang mapansin ko na ang aking kaliwang mata na bulag at hindi na nakurap at pakiramdam ko unti-unting bumubukas. Patuloy pa rin ako sa pagsigaw. Ramdam na ramdam ko ang pagbulwak ng aking laway sa bibig ko.
Ilang segundo ang lumipas nang marahas akong napasalampak sa sahig dahil nawalan na ako ng balanse sa katawan. Nanginginig ang aking mga kamay na sinamahan ng pagbuo ng maliit na butil ng malamig na pawis sa aking noo. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Hingal na hingal ako habang hinahabol ang aking hininga.
"T-tumawag kayo ng guard!"
"Kayong mga lalaki! Magtulungan kayong buhatin si Mondragon papuntang Clinic!"
"'Yung may mga load dyan ay tumawag na ng Ambulansya! Mukhang malala ang kondisyon niya!"
"Huwag kayong mag-panic! Dahan-dahan lang!"
Ramdam na ramdam ko ag lamig ng sahig na pinaggugulungan ng katawan ko. Halos maglabas ang mga litid at ugat ko sa leeg at noo dahil sa sobrang kirot ng sakit ng ulo ko. Ang kaninang nanlalabo kong kanang mata ay lumilinaw na. Ang mas lalong ikinakaba at ikinabahala ang kaliwa kong mata na bukas at nakakakita na rin.
Hindi ko maiwasan na mapasabunot sa aking buhok habang patuloy na nagpapagulong-gulong sa sahig. Kung saan-saang kanto ng paa ng upuan tumama ang katawan ko. Ilang sandali pa ay naramdam kong may bumubuhat sa akin ngunit nagpupumiglas ang buong katawan ko. Ilang sandali pa ay kumawala sa aking bibig ang isang malakas at punong-puno ng paghihinagpis na sigaw.
"ARGHHH! K-KISA... K-KISA... K-KISAMA!" malakas kong sigaw na animo'y isang demonyo sa tunog nito dahil para bang may ilang patong ng malalim na boses ang kumawala sa bibig ko.
Rinig na rinig ko ang malakas at mabilis na kalansin ng mga armchair na nagtalsikan sa iba't-ibang bahagi ng classroom dahil sa sigaw kong iyon. Ang malaking ceiling fan ay agad na bumagsak. Ilang sandali pa narinig ko na rin ang pagkabasag at pagkabiyak ng mga salamin bintana sa gilid. Nagsisigawan at humihingi ng tulong ang mga kaklase ko.
"Tumakbo na kayo! Lumayo kayo sa kanya!"
"May kakaibang nangyayari sa kanya! Magsilabas na kayo!"
"Tulungan natin ang mga kaklase natin na nagtalsikan sa sobrang pwersang inilabas niya."
"Anong nangyayari? Hindi 'to normal..."
"S-sabihin niyong nananaginip lang ako....."
"B-baka... S-sinasaniban siya! Diyos kong Maawain!"
Nagpatuloy ako sa aking paggulong-gulong sa malamig na sahig habang sinasabunutan ang aking sarili. Bumubulwak pa rin sa aking bibig ang laway na hinaluan ng mapulang dugo. Bumabagsak pa rin sa aking mga mata ang mapulang likido. Naghaharumentado pa rin ang hininga ko. Lumalabas pa rin sa bibig ko ang malalim at malakas na sigaw at pagsusumamo dahil sa matinding pagbiyak ng ulo ko.
Ilang sandali pa dahil sa sobrang pagpapagulong-gulong ko sa sahig ay naramdam ko na tumama ng malakas ang likod ng aking ulo sa matigas na sementadong pader ng classroom. Dahan-dahan akong napahinto dahil unti-unting nawawala ang paningin ko hanggang sa tuluyan na rin na nandilim ito.
- To be continued