Chapter 35 Like a Threat ZIE "Ahhh! Ang sarap talagang magbabad sa mainit-init na tubig na 'to matapos ang mahaba-habang lakaran at nakakapagod na pakikipagbuno sa mga taga-ibang sections. Huuuu! Lamig na lamig na ako kanina pa." natatawang saad Ki habang nakapatong ang kanyang magkabilang braso sa gilid na bahagi ng hot spring. "Oo nga, ang sakit-sakit ng katawan ko. Buong akala ko isang oras lang ang lalakarin natin. Halos isang araw para tayong nagpakapagod..." kalmadong saad naman ni Tom habang nakalubog sa tubig ang kanyang buong katawan liban sa ulo niya. Pinagmasdan ko ang dalawang binata sa aking harap may ilang benda sa bahagi ng katawan nila. May puting benda na nakabalot sa buong dibdib niya habang nababalutan din ng puting benda ang noo ni Tom ay may ilang naka-patseng gau

