Chapter 36 Into the Fray ZIE "Good Afternoon everyone! I'am Professor Yuki from Class 1-A and I'm going to discuss the mechanics of this three on three training battle with other sections. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa so first I'll give you five minutes to form a group with three members each. And write your names in a 1/4 sheet of yellow paper. Go!" pagpapaliwanag ni Professor Yuki. Ala-una pa lang ng hapon matapos naming mananghalian ay kaagad kaming pinapunta sa likod na bahagi ng aming camp site. Doon namin nakita na may isang maliit na podium doon na napalilibutan ng bleachers kaya nagmumukha itong mini stadium na mukhang kaya naman kaming i-aaccomodate lahat. Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa't kaming tatlo nina Ki at Tom ang magkakagrupo. Matapos naming isulat ang mga p

