Chapter 37 Marionette Bind ZIE "A-anong ginawa mo?" nagtatakang tanong sa akin ni Shai habang pinalalakihan ako ng mga mata matapos lumipad sa kabilang side ng podium ang kanyang pinakamamahal na libro. Agad na parang bula ang talong orbs na naglulutangan at nag-iikutan sa harap niya. Para bang isa itong mga pundidong mga ilaw na biglaan na lang nawalan ng liwanag dahil nag-brownout. Ngumisi ako "Pasensya na, hinayaan mong malaman ko ang kahinaan at limitasyon ng mahikang taglay mo." sagot ko habang hinihipan ang dulo ng aking pinagdikit na daliri dahil umuusok ang ibabaw nito. Gulat siyang pinagmasdan ako habang ningingisian niya. Ramdam na ramdam ko ang pag-tense ng katawan niya. Natawa naman ako sa aking isipan, minsan talaga ang sarap manindak ng tao lalo na kapag nalaman mo na a

