Chapter 66 Blood Moon ZIE "Spell Sealing Magic: Eternal Prison." isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa hindi kalayuan. Agad akong napalingon kung saan nanggaling ang boses ng aking Ama. Mabilis na nagbago ang senaryo sa buong paligid, muli akong napunta sa lumang Kastilyo kung nasaan nakatira noon ang mga magulang ko. Doon nakita kong lumulutang sa ere ang aking Ama na si Zzrot ang ang Ina ko na si Zyra. Napangiti naman ako dahil muli kong nasilayan ang aking mga magulang ngunit agad na napawi ito dahil sa kakaibang enerhiyang naramdaman ko sa aking likod. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang babaeng nagpaliwanag sa akin ng tungkol sa kapangyarihan ng Bloodstone. Nakangisi ang mukha nito, katulad ng ngisi ng kanyang mga anak na sina Aii at Ark. Nagtagis ang ak

