Chapter 67 Chaotic World ZIE "Mind Invasion Magic: Infinite Mindscape Bolt Barrage!" nakangising saad ko habang nakatutok ang aking mga kamay na animo'y baril sa direksyon nina Maeiv at ang asawa nitong si Gideon. Bakas ang matinding gulat sa kanilang mukha dahil hindi nila inaasahan ang pag-aanyong pisikal at pagmamanipesto sa akin ng Bloodstone. Malakas ang pakiramdam ko na alam nilang hindi mangyayari ito lalo na't biglaan lang naman ang pagsulpot ko rito sa mundong 'to. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang kapangyarihan na nalalaytay sa bawat ugat ng katawan ko. Ramdam ko ang pag-uumapaw ng mahika na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko rito sa New Silkwood. Hindi ako nakakaramdam pa ng kawalan ng mana dahil sa mahika ng aking Lolo Aldan. Ang Infinity Magic ay ang pinakamakapa

