Chapter 32 Wide Awake ZIE "Congrats 'Tol! Kahit na tatlong linggo kang absent nag-top 8 pa! Partida bagsak ka pa niyan sa practical exas nung midterm!" tatawa-tawang saad ni Ki habang kumakain kaming tatlo ni Tom sa rooftop ng building namin. Sinuntok ko ng mahina ang kanyang braso "Ikaw! Namumuro ka na sa'kin ha. Hindi ko alam kung natutuwa ka ba o nang-aasar ka lang." seryoso ngunit natatawa kong sagot sa kanya. Tumawa ng mahina si Tom "Hindi ka pa dyan nasanay ka Ki eh halos araw-araw naman malakas ang tama at sapak niyan. Oo nga pala, anong mga balak niyong dalhin next week? Mamimili na ba kayo ng mga supplies niyo?" tanong niya sa amin. Hindi ko inaasahan na mapapasama pa ako sa top 10 rankings ng klase namin. Well, iyon naman talaga ang plano ko sa simula pa lang. Siguro kahit

