Chapter 33 Tidecaller ZIE "Bangag na bangag ka si Zie. Anong nangyari sa'yo mukhang hindi ka nakatulog?" tatawa-tawang saad ni Ki sa akin habang malamyang buhat ang aking mga dalang gamit. Wala sa sarili ko siyang binalingan "Huwag mo akong asarin ngayon at masakit ang ulo ko. Hindi talaga ako nakatulog kaya tumahimik ka muna dyan." pagsusungit ko naman sa kanya. Tinawanan niya lang at nauna nang maglakad papunta sa bus na aming sasakyan papunta doon sa lugar na pag-ttrainingan namin. Paanong ako makakatulog eh lagi ko naaalala ang ginawang paghalik sa akin ni Grace kagabi. Walang ni isang babae ang nakahalik sa akin tapos hahalikan niya ako ng wala man lang pasabi? Tirik na tirik na sa ceiling ng kwarto ko ang aking mga mata kakaisip kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yun. Big na

