Chapter 62 Death ZIE Muli kong itinutok ang aking daliri sa kanyang noo "Mind Invasion Magic: Severance Off... Wanna taste your own medicine, Shureii? It's show time..." nakangising pang-aasar ko habang sinisipa-sipa ang kanyang masakit na ulo. Akmang ibabato ko na sa kanya ang aking spell nang napahinto ako dahil may kakaibang enerhiya akong naramdaman sa aking likod. Halos manlaki ang mga mata ko sa nakita, isa-isang prominenteng nakatayo ang lima pang kapatid ni Shureii kasama ang magkakambal na sina Aii at Ark. Agad naman akong umatras upang bahagyang makalayo sa kanila. Mabilis akong napa-ismid dahil hindi ko inaasahan ang kanilang pakikisawsaw dito sa aming laban ni Shureii. Hindi ko nahinuha na mangyayari ang mga ito. Kahit na maalam na ako sa paggamit ng aking mahika, matatalo

