Chapter 63 Last Ace ZIE "Ito na ang katapusan mo! Dark Sovereign Magic Ultimate Spell: Darkness Soul Extinction!" malakas na sigaw ni Shureii. Napapikit na lamang ako nang ibato sa akin ni Shureii ang kanyang spell. Isang malakas na itim na enerhiya ang lumabas mula sa itim na butas na ginawa niya. Inaasahan ko na ang matinding pinsala sa aking katawan kapag tuluyang tumama ito, o baka dito na magtapos ang buhay ko. Isang malakas na pagsabog ang aking narinig kaya dali-dali akong napadilat. Nababalot ng yellowish na translucent light ang aking katawan na animo'y isang bilog na barrier. Tuluyan na rin na bumalik sa dating anyo ang aking katawan dahil nakikita ko na ulit ang pisikal kong anyo. Ang aking sunog sa balat ay unti-unting naghihilom dahil sa yellowish na liwanag na dahan-dah

