Chapter 64 Chronokinesis ZIE "B-bakit ang bagal-bagal ng oras?" mabagal wala sa sariling saad ko habang pinagmamasdan ang matagal na paglipad sa ere ng aking spell tungo sa direksyon nina Aii at Ark. Mabagal akong napasinghap ng hangin na para bang hirap na hirap akong huminga dahil may kung anong nangyayari sa aking katawan. Dahan-dahan kong nilingon ang buong paligid at napansin na mabagal din ang mga ganap dito. Napaisip ako, hindi kaya mahika ito ng isa sa kanila? Mabagal na nagliliparan ang mga tuyong dahon sa buong paligid. Hirap kong nilingon ang aking kamay na animo'y may napakabigat na bagay na kasalukuyang nakasabit dito dahil hindi ko ito maiangat man lang. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na rin ang bigat sa iba pang parte ng aking katawan. Patuloy pa rin ang paglipad ng

